Hinablot ni Sthrell ang kwelyo ng babaeng humiling na sana ay maambush ang kaniyang ama at kita kong nanamilipit ang  leeg ng bababe sa  sakit ganon din ang kaniyang pagdaing.

"Don't touch me. Pinapatunayan mo lang na criminal ka at ang pamilya mo." Namimilipit na sabi ng babae.

" Shut your fucking dirty mouth you little brat! Or else I will cut your fucking tounge if that will make you shut up. Tsaka mo na ko angasan kapag hindi na  pokpok ang nanay mo."

Gulat akong napatingin kay Sthrell ng patulak niyang binitawan ang babae at mas lalo kong ikinagulat ang mga sinabi niya. Nag sibulungan naman ang ibang mga estudyante dahil sa mga narinig at hindi ko manlang napansin na napapaligiran na pala kami ng mga estudyante. Inilipat ko ang aking tingin sa babaeng kinwelyuhan ni Sthrell at nagbabaga na ito ng galit at naluluha pa dahil sa kahihiyan. Patalikod na si Sthrell at maglalakad na sana paalis nang makita ko ang isang babaeng nag aamba ng malakas na sampal para kay Sthrell ngunit bago pa dumapo ang malakas na sampal kay Sthrell ay iniharang ko na ang aking sarili. Isang napakalakas at napakabigat na sampal and dumapo sa aking mukha at natagpuan ko ang sarili kong nakahimlay sa sahig habang namimilipit sa sakit. Dahil sa lakas ng sampal ng babae ay napasubsob ako sa sahig at hindi ko maiwasang indahin ang sakit na parang pati ang kaluluwa ko'y humiwalay na sa aking katawan.

Nakaramdam ako ng mga kamay na gumabay sa akin upang makaupo ako ng maayos at ng lingunin ko kung sino ito ay nakita ko ang lalaking hindi ko inaasahang makita sa oras na ito. Si Owen. Diretso ang titig niya sa akin at hindi ko malaman kung galit ba ito o nag aalala dahil hindi malaman ang expression sa kaniyang mukha. Blangko. Kita ko ang pagkadismaya sa mukha ng babaeng sumampal sa akin at pansin ang kaniyang pagsisisi. Nanunuot naman sa galit si Sthrell ng matukoy kung kanino nanggaling ang sampal na iyon at kita ko ang pagiiba ng expression sa kaniyangmukha ng tignan niya akong naka upo sa sahig habang namimilipit sa sakit dahil sa sampal ng babae.

"Fuck sino ba kasing may sabi na iharang mo ang sarili mo sa akin. It's so obvious na ang sampal na iyon ay para sakin! Fuck What are you thinking?" pagalit ngunit nag aalalang sabi ni Sthrell sa akin. Ayaw kong makonsensya siya sa ginawa ko dahil ayaw ko siyang masaktan. Ayos lang sa akin ang masampal dahil nasanay na ako at may experience na ako sa ganito kaya't mas gugustuhin kong ako nalang ang masaktan. Binigyan ko ng matamis na ngiti si Sthrell upang ipaalam na okay lang ako.

"Makakatayo kaba? Dadalhin kita sa Clinic. At kasing pula na nang kamatis ang pisngi mo. Ipagamot natin"

Hindi pa ako nakakapagsalita ay inalalayan na ako ni Owen para makatayo at ganun din ang pag alalay niya sa akin upang makapaglakad. May mga sinabi pa si Sthrell sa mga babae ngunit hindi ko na ito narinig pa. Ilang minuto na ang lumipas ngunit hindi parin nakakasunod si Sthrell sa amin hanggang nakarating na nga ako sa Clinic.

"I am on my way to the Principal's office when I saw a group of students in the hallway. Nung lumapit pa ako ay nakita kong may nagaaway sa gitna ng nagkukumpulang estudyante at doon ay nakita ko ang babaeng napasubsob sa sahig ng hallway. She was slapped so hard and got a bruise on her knee when she fell. That is what happened"

Nakaupo lang ako sa isang hospital bed at ginagamot ng nurse ang binti kong may sugat dahil sa pagkasubsob ko sa sahig habang pinapakinggan ko ang paliwanag ni Owen. May ipinahid na kung ano ang nurse sa pisngi kong nasampal upang hindi daw magkapasa. Nabawasan na din ng hapdi ang aking pisngi kahit papano at ang binti ko nalang ang mahapdi. Hindi naman malaki ang sugat ngunit masakit ito.

Kita sa peripheral vision ko si Owen na matalim ang titig sa akin at biglang sumilay ang ala alang magkasama kami kagabi sa isang bakanteng lote habang nakatingin sa magandang buwan nang magkaholding hands. Hindi ko alam kung bakit niya iyon ginawa ngunit napaka gaan sa pakiramdam ng hawakan niya ang aking kamay. Sinalubong ng mata ko ang kaniyang matalim na titig at kasabay non ang pagtibok ng aking puso. At hindi ko alam kung bakit. Sa pagkakataong iyon ay lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. Tapos nadin akong gamutin ng nurse at dalawa nalang kaming natirira at dahil doon ay hindi ako mapakali.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

WHEN I'M OKAY ( WHEN I'M SERIES 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon