Chapter 48: Payag na ako..

Start from the beginning
                                    

"Bilbiling Carmen!" Sigaw ng isang lalaki. Napadako ang tingin namin lalaking papalapit samin. May takip na panyo yung mukha niya. Luuhh. Parang ninja lang ehh.

"Andito ka lang pala! Kung saan saan ka nagpupupunta ehh." Hila sa kanya ni lalaking ninja. Teka! Bilbiling Carmen? Si Dahly yung tinatawag ng lalaking ito na bilbiling carmen? Kaloka!

"Wait JN! Natatandaan mo ba yung always i-story telling ni Qichae? Si Tina? Finally,nameet ko na rin her." Excited na parang bata si Dahly.

Hindi ko sila kilala and I don't who the hell are they talking about.

"Pagpasensyahan niyo na itong babaeng ito. Kung saan-saan pa gumagala eh." Sabi ng lalaking ninja sabay hila kay Dahly.

Kaming tatlo nakanganga lang sa ginagawa ng lalaking ninja na to.

"Wait JN, I want to talk to her pa nga eh." Pagmamaktol ni Dahly.

"Hindi na! Maiiwanan na tayo ng bus!" Hinihila niya pa rin si Dahly. Uyy, magka-anu ano ba ang dalawang ito? Hmm. Maimbestigahan nga sila.

Hindi na nakayanan ni Dahly ang paghihila sa kanya ni lalaking ninja kaya ayun sila, naghihilahan.

"Sayang hindi kayo nagkakwentuhan girl. Masaya kausap yun." Sabi ni Gabby sa'kin sabay bukas sa chichirya niya.

"Taga Davao sila. May inasikaso lang ata sila dito kaya nagmamadali." Paliwanag naman ni Yanna.

Ewan ko sa dalawang iyon. Parang sinaniban ng masamang ispirito.

Naglalakad kami sa hallway papuntang room ko. Ihahatid daw nila ako. Anong nakain nila?

"By the way girl, si gray eyes, diba siya yung fiancee mo? Nakuuu! Sayang naman si Papa T - Aray!." Nag-eemote na sabi ni Gabb.

Binatukan naman siya ni Ayanna.

"Wag mo nga mabanggit banggit pangalan ni Papa T mo na yan.." -Yanna.

"Eh ano naman? Basta si Papa - "

"Oo." Tanging sambit ko.

"Anong Oo girl?" Tanong ni Gabb na naguguluhan.

"Oo, fiancee ko ang lalaking iyon. Si John Edward Chua." Sagot ko sa kanila.

"Ang gwapo niya ha.. Kapag ayaw mo sa kanya girl, bigay mo na lang sa'kin ha - Aray! Ano ba naman yan Yanna bear." - Gabby

"Magtigil ka nga diyan. Sipain ko yang mukha mo e." - pagbabanta ni Yanna kay Gabby.

"Sadista ka masiyado." Pagrereklamo ni Gabby.

"How's tito?" Tanong ni Yanna out of the blue.

"He is fine.. I guess so, Wala siyang planong itigil ang kabaliwan niya." Malungkot kong sabi.

"Everything will be fine bessy." Ngumiti ako.

Hindi namin namalayang andito na pala kami sa harapan ng room namin. Nagpaalam na kami sa isa't isa at magkita na lang mamaya pagkatapos ng klase.

Naglalakad ako papasok ng marinig ang mga pinagbubulungan ng mga kaklase ko. Just like hello, pwede pakihinaan yung volume? Masiyadong malakas at rinig na rinig ko ang usapan nila tungkol sa'kin."

Nag-start na ang klase na lutang ang utak ko. Nakatingin lang ako sa labas. Naalala ko na naman si Tristan. I sighed deeply.

Naisip ko rin si dad, paniguradong tatanggalan niya ako ng mana kapag sinuway ko siya pero ayaw ko ring makasal sa hindi ko man lang kakilala.

Hayy! Naguguluhan ako. Ano ba ang gagawin ko?

"Aaahhh!" Nagugulang bulong ko.

"Yes Ms. Santos? Do you have any problem?" Luhh.. Narinig ata ng prof namin ang sigaw ng utak ko?

"No ma'am." I said.

"If you could not understand my lesson, just raise your hand. Okay?" Sabi niya. Pweh! Muntik na ako dun a.

"Yes ma'am." And I sit down. Nagbulungbulungan na naman ang mga classmates ko. ANo ba problema nila? Bahala sila.

Pagkatapos ng klase, nagmadali akong lumabas. I texted Yanna and Gabby na may pupuntahan ako.

Gusto ko lang namang mag-isa. Gusto kong mag-isip.

Pumunta akong mall. Nanood ako ng sine. Gusto kong ienjoy ang life meron ako. Namili na rin ako ng ilang gamit ko. Matagal na pala akong walang pakialam sa life ko. Hahayy.

Bahala na! Sana tama ang desisyon ko.

Halos gabi na ng lumabas ako ng mall. Pumara ako ng kotse at nagpahatid sa bahay.

Pagkapasok ko pa lang, napansin ko si dad sa sala. Nakaharap sa laptop niya at may hawak-hawak na papeles habang nakakunot ang noo. Parang may problema?

Hindi ko na siya pinansin at dumiretso ako sa kwarto ko.

Lumabas ako ng kwarto ku nung hapunan na. Pumasok ako ng dining room. Tamang tama kompleto sila.

"Good evening." Masayang bati ko sa kanila. Alam kong nagtataka sila.

"Ate..." Nag-aalalang sambit ni Eme sa'kin.

Hindi ko siya pinansin sa halip ay nagsalin ako ng kanin at ulam sa pinggan ko.

"Ang sarap ng ulam a." Pilit kong ngiti sa harap nila.

Bahala na!

"Siyanga pala..." Sabay nguya sa kinain ko.

"Payag na ako.." Natulala ang lahat. Nagulat sila sa sinabi ko. Tinignan ko si kuya ng hindi makapaniwala.

"Payag na kong makasal sa lalaking iyon."

Wala akong narinig na kahit anong salita. Sa totoo lang hindi ako sigurado sa desisyong ito. Bahala na talaga!

************************************

waaaahhhh! ATeee @qichae .. nagmeet na sina Dahly at Tina. Pero walang masiyadong scene. Wala akong maisip eh. Hahaa.

What na guys?  What can you say? Magpapakasal  na ba siya? Waaaahhhh!

Enjoy reading..♥

My Clumsy Girl(Unedited)Where stories live. Discover now