"Nurse gamutin niyo po iyan. Aalis na po ako" pagpapaalam ni Owen sa nurse.
"Ano bang nangyari sa batang ire. May masama ba siyang nakain, masakit ba ang kaniyang pangangatawan o sumobra sa pag aaral?" nagtatakang tanong ng nurse. Gusto kong sabihing wala na man talaga akong sakit at gusto kong bumangon ngunit wala akong magawa dahil andito ang lalaking ito sa tabi ko. hays bwiset.
"Sumobra po sa katangahan" tugon ni Owen na kinakulo ng dugo ko. Ang kapal ng mukha niyang sabihin iyon kung siya naman ang bumangga sa akin. Ang sama mo Owen. Kita kong natatawa ang nurse ngunit ipinagpatuloy parin ang pagiging seryoso. Sinamaan ko ng tingin si Owen na ngayo'y nakaupo sa hospital bed ko.
"Wala naman atang ganoong sakit iho." alam kong nagpipigil ng tawa itong nurse nato at feeling ko ay nagmumukha na talaga akong tanga.
"Well, siya ho ang unang dinapuan" at ibinaling ang kaniyang tingin sa akin. Sinumbatan ko naman ng nanlilisik na tingin si Owen dahil sa sinabi niya. Feeling ko ay pinagtatawanan na ako ng nurse dahil sa itsura ko. Matapos ng kaunting pag uusap pa ni Owen at ng nurse ay umalis na sa wakas si Owen ngunit ako ay nanatili lang sa Clinic. Sinabi din ni Owen na excuse daw ako ngayong umaga sa klase at babalik nalang daw ako mamayang hapon. Ngunit nag iinit parin ang dugo ko sa lalaking iyon dahil kanina. Isinusumpa kitang bwiset ka.
Hindi ko inaakalang makakatulog pala ako dito sa clinic at pagkagising ko'y agad kong kinapa ang phone ko. Lunch break na pala at uupo na sana ako sa pagkakahiga ng makita ko si Sthrell na nakaupo sa isang monoblock sa side ko at busy sa pagcecellphone. Pinuntuhan ba niya ako. Bakit niya ako pinuntahan? Friends na ba kami?
iginawi niya ang tingin niya sa akin nang mapagtanto niyang nakaupo na ako. diretso lang ang titig niya sa akin at napansin kong suot niya ang band aid na binigay ko sa kaniya.
"I heard from Owen na nasa clinic kadaw nang inanounce niya sa classroom kaya wala ka. I'm here for the project cuz' we didn't talk about it pa. Busy akong tao kaya magpagaling kana at masimulan na natin para matapos na kaagad." Nakaramdam ako ng galak sa aking puso dahil kinausap niya ako. Dahil kase sa issue sa kanya hindi siya masyadong nagsasalita at kita kong wala din siyang kaibigan. Madami narin akong naobserbahan sa kaniya, dahil siguro ay interesado akong makilala siya.
Pumasok din ako ng klase sa hapon at ipinaliwanag ko kay Sthrell na masakit lang ang ulo ko ngunit wala daw siyang pake. Nakapagusap na din kami tungkol sa project kahit ako lang ang nag nagsasalita at puro tango lang ang tugon niya. Napagdesisyonan namin ni Sthrell na gawin na lamang ang project sa library mamaya pagkatapos ng klase dahil hindi naman ako pwedeng mag overnight sa kanila at mas hindi pwedeng sa amin.
Nag aalala rin ako dahil baka gabihin ako sa paggawa ng project at baka pagalitan muli ako at ayaw ko namang ipaalam yon kay Sthrell. Kayat kahit natatakot ako ay minabuti kong puntahan si Hiro sa Department ng High school upang sabihin ang paalam ko sa kanya. Hindi din ako makapaniwalang sinamahan ako ni Sthrell papunta kay Hiro upang mapabilis daw ang paggawa ng project.
Tahimik lang kaming naglalakad sa hallway ng Highschool at kita ko sa mukha ni Sthrell na napipilitan lang siyang gawin ito. Naabutan ko si Hiro na nagdridribol ng bola sa labas ng classroom nila habang ang kanyang mga kaibigan ay nagtatawanan. Kinakabahan man pero minabuti ko paring lapitan si Hiro.
"Hiro pwede ba kitang makausap kahit saglit lang" kita ko ang gulat at inis sa kaniyang mukha dahil sa paglapit ko sa kaniya. Nagsitahimikan naman ang kaniyang mga kaibigan at nagtataka din kung sino ako sa buhay ni Hiro. Humakbang palayo si Hiro sa isang espasyo malayo sa mga tao at dun niya ako kinausap. Minabuti ko munang sundan si Hiro at tumingin ako kay Sthrell kung okay lang ba at sumang ayon naman siya sa pamamagitan ng pagtango.
"What in Earth are you doing here!? I told you to not approach or even talk to me when I'm in school. What a shame" pabulong ngunit galit niyang sabi. Kumirot ang puso dahil sa klase ng pananalita ni Hiro sa akin. Oo, hindi kami masyadong nag uusap ngunit hindi ko aakalaing ganito siya makipag usap sa akin. Binigyan ko na lamang siya ng pilit na ngiti.
"Baka kasi late na ko makauwi sa bahay. Gusto ko lang sanang ipaalam mo ako kay mama na may gagawin akong project." pagpapaliwanag ko sa kaniya
"Ayon si Sthrell. Partner ko sa project" turo ko kay Sthrell para maniwala siyang project nga talaga ang pupuntahan ko. Kitang kita ang inis sa mukha ni Hiro at animoy nagiisip kung gagawin niya ba ito o hinde.
"Okay fine. Don't do this again will you? makakaalis kana" pagalit niyang utos sakin ng masabi ko na ang dapat kong sabihin. Masakit man pero kailangan kong tanggapin na palaging ganito ang trato nila sa akin. Binigyan ko siya ulit ng maliit na ngiti at naglakad paalis.
Naging maayos naman ang kinalabasan ng unang paggawa namin ni Sthrell ng project sa Library. Napagdesisyonan naming ako na ang gagawa ng powerpoint at ipapahiram niya sa akin ang laptop dahil wala naman ako non at siya na ang magprepresent. Hindi kami gaanong nagusap ngunit hindi niya ako tinarayan.
Naglalakad ako pauwi dahil walking distance lang naman ang bahay namin hindi katulad ni Sana na nag aaral pa sa malaking Unibersidad dito sa Manila kaya't kailangan niya ng sasakyan. Maraming mga tao dito sa sidewalk kaya hindi rin nakakatakot at halos tabi tabi lamang ang mga streetfood vendors. Matiwasay lang akong naglalakad habang nililibot ang mga mata ko sa paligid ng biglang may humatak sa kamay ko at natagpuan ko nalang ang sarili ko sa isang malawak na bakanteng lote at napapalibutan ng mga puno. Agad akong nakaramdam ng takot at nanginginig na ang aking kamay dahil akala ko'y gagawan ako ng masama rito.
Hindi parin inaalis nang kung sino man ito ang hawak niya sa aking kamay ngunit agad niya itong binitawan nang naramdaman niyang nanginginig na ako. Masyadong madilim kayat hindi ko maaninag ng mabuti ang taong ito ngunit isa lang ang nasisiguro ko. Lalaki ito
"No one ask me but I'm Selenophile. I love moon specially when it is whole. Maganda ang full moon sa lugar na ito. At isa ito sa mga magaganda sa mundo na dapat mong makita." boses palang niya ay alam kong si Owen na ito. At ano bang nakain niya at bigla bigla na lang siyang nang hahatak. Parang binunutan ako ng tinik dahil alam kong wala ako sa kapahamakan. Moon? Palagi akong nakakakita ng buwan ngunit para saakin hindi ito gaanong ka ganda. Pinagmasdan ko ang gawi ni Owen at nakatingala siya siya taas. Agad ko namang tinignan ang kaniyang pinagmamasdan at naglundagan ang puso ko ng makita ang buwan.. na buo. Gusto kong umiyak dahil sobrang ganda ng buwan at bakit ngayon ko lang ito natunghayan. Bakit ngayon ko lang naapreciate ang ganda nito. Siguro tama nga ang sinabi niya, wala lang ako sa lugar at posisyon. Isang kamay ang dumapo sa aking kamay dahilan upang mailipat ko ang aking tingin sa gawi ni Owen. Nanatili parin ang tingin niya sa buwan ngunit ang aking tingin naman ngayo'y nasa mga kamay naming magkaholding hands. Sa pagkakataong iyon, may kung anong hindi pamilyar na nararamdaman ang sumanib saakin. Ano kaya ang pakiramdam na ito.
Dear Diary,
Isang magandang tanawin na naman ang nasaksihan ko at iyon ay ang buwan. Hindi ko alam ngunit unti unting sumisilay ang kaligayahan sa aking puso tuwing naiisip kong mayroon palang kagandahan ang mundo. Kung inis ang nararamdaman ko kay Owen kanina ay napalitan iyon nang pagpapasalamat. Dahil sayo Owen, unti unti kong nakikita ang kagandahan ng mundo.
Nagpapasalamat,
Hayah
"Kung nakikita ba ang pagmamahal, magagandahan ka ba dito" lumingon si Owen sa gawi ko ng nakakunot ang noo dahil sa tanong kong iyon.
KAMU SEDANG MEMBACA
WHEN I'M OKAY ( WHEN I'M SERIES 1)
Fiksi RemajaA girl who lived by battling depression, anxiety and all the negativity in her environment. And how she found pure love in the midst of a cruel world. When she's okay, will she stay in his arms or will she be okay?
CHAPTER THREE
Mulai dari awal
