" Class I want you to know that your project in History is by partner. You can choose your partner. The deadline will be on Friday 4:00 pm. Ang mahuhuling magpasa ay hindi ko tatanggapin. That's all for today. Goodbye class" Pagpapaalam ng Teacher namin sa History. Halos lahat ng mga kaklase ko ay busy sa paghahanap ng magiging partner nila. Ako naman ay tumingin tingin sa mga kaklase upang makahanap ng gugustuhin kong maging  partner ngunit pansin kong lahat na sila ay may partner. Tumingin ako sa may likoran at bumungad sakin si Sthrell na nakayuko at nagcecellphone na parang walang balak maghanap ng partner. Yayain ko kaya siya na maging partner ko? Baka hindi siya pumayag at tarayan niya ako. HAYS BAHALA NA. please Sthrell pumayag ka.

"What?" napaigtad ako sa kinauupuan ko ng bigla akong kausapin ni Sthrell. Shit, matagal ba akong nakatitig sa kaniya. Ito na ang pagkakataon mong tanungin siya Hayah. gawin mo na.

"U-h can you be my partner? Wala kase akong mahanap eh. Promise gagalingan ko at magiging maganda ang project. I won't let you dow--" hindi ko na natapos ang akin sasabihin ng biglang may pumasok sa classroom namin at pansin ko ang pananahimik ng mga kaklase ko at ang paghagikgik ng iba sa mga girls.

Agad akong humarap dahil sa pag aakala ko'y ang subject teacher namin iyon ngunit nanlaki ang aking mga mata ng makita ang lalakeng hindi ko inaasahang makikita ko ulit. Ang lalaking nakita ko sa rooftop kahapon. Ano ba ang ginagawa nito dito. Matipuno siyang tignan at animoy iginagalang siya ng mga estyudante . Hindi na rin ako magtataka kung bakit nagngingitian ang mga kaklase kong mga babae dahil gwapo nga ito. Matuwid siyang nakatayo ngayon sa harapan at iginala ang kaniyang paningin sa kabuuan ng classroom.

Inayos ko ang upo ko at ibinalik ko ulit ang tingin ko sa harap ng magtama ang tingin namin. Agad ko namang ibinaling sa iba ang tingin ko dahil sa gulat. Namukhaan niya kaya ako? 

"Nais kong ipaalam na may event na magaganap ngayong buwan." Nagsimulang magbulungan ang iba kong mga kaklase ko dahil sa kanilang narinig at kita ko ang excitement sa kanilang mga mata dahil sa sinabi ng lalaking nasa harapan.

" Inaasahan kong lahat kayo ay makakapagparticipate dahil experience din ito. Umaabot hanggang alas Diyes ng gabi ang mga events." Pagtutuloy ng lalaki. Lungkot ang sumilay sa aking mukha ng marealize kong hindi ako pwedeng gabihin dahil sermon at insulto lamang ang aabutan ko. Kayat kung anoman ang mga events na iyon ay sigurado akong hindi ako makakapunta.

Nagbigay ng mga papel ang kasama niyang lalake at feeling ko ay mag fifill up doon ang gustong makipagparticipate. Nang ipinasa na sakin ang papel ay nagdalawang isip pa ako kung pipirma ako ngunit kapag naiisip ko ang mga sinabi sa akin ni mama ay hindi ko na gugustuhing sumali pa. Agad ko itong pinasa sa katabi at hindi na nga ako pumirma pa. Iniimagine ko kung gaano kasaya ang event na iyon. Ngunit sa tuwing iniisip kong pinapagalitan ako ay mas bubutihin kong huwag ng pumunta pa.

Nang matapos na ang lahat sa pag fifill up ay ibinigay na yong form sa lalaking nasa harapan. Kita ko kung paano niya usisahin ang form at pansin ko kung paano kumunot ang kaniyang noo at halos tumalon ang puso ko ng bigla niyang sabihin ang pangalan ko.

"Haith Yanais Oinuma, Why you didn't sign your name ? Ayaw mo bang magparticipate? Dagdag grades din to"
hindi ko alam kung anong isasagot ko sa lalaking ito ng tanungin niya kung bakit hindi ako pumirma. Sasabihin ko kayang mapapagalitan ako? Kita ko ang atensyon niyang nasa sakin at naghihintay ng magandang sagot. Hays bahala na nga. Tumayo ako upang sagutin ang tanong niya

"Strict kase parents ko eh kaya I'm sure hindi ako papayagan. Okay lang naman sakin kung hindi madadagdagan grades ko. Gagalingan ko nalang sa acads." pagpapaliwanag ko na siya namang kinakunot muli ng noo niya na parang hindi ka tanggap tanggap ang paliwanag ko.

"Okay I'm going. Goodbye" nagpaalam narin ang lalake at ang kasama niya. Nagsimulang magingay ulit ang classroom pagkaalis nila.  Nag usap usap ang mga iba tungkol sa event na paparating ganoon din sa project sa History at ang iba naman ay pinupuri naman ang lalaki kanina.

"Ang pogi talaga ni Owen Shet. Swerte ng magiging jowa nun"

"Pag ako naging jowa non magpapakain ako sa buwaya HAHAHA"

"GAGA AKIN YON! Paano ka jojowain eh hindi ka nga pinapansin"

patuloy parin ang usapan ng mga babae sa harapan patungkol sa lalake kanina. Kita sa mga mukha ng mga babaeng ito na patay na patay sila sa lalakeng iyon.

Naglalakad ako ngayon  sa hallway papuntang canteen dahil Lunch break na at nagkukumbulsyon na ang sikmura ko dahil hindi ako nag umagahan. At dumalaw rin sa isipan ko si Sthrell. Pumayag kaya siya sa alok ko? O baka nakahanap na siya ng kapartner.

Isang matangkad na lalakeng naka hoodie ng pula ang humarang sa dinadaan ko dahilan upang mapatalon ako sa gulat. At namukhaan kong ito ang kasama ng lalaking pumunta sa classroom namin kanina. Ano bang ginagawa ng lalaking ito sa harap ko.

"Pinapatawag ka ni Lodi sa SSG office" naguluhan ako sa sinabi ng lalaking ito. Bakit ako pinapatawag sa SSG office? may nagawa ba ako? At sinong lodi ang sinasabi niya? Hindi ko namalayang nakasunod na pala ako sa lalaking nakahoodie at andito na ako sa SSG office.

Inilibot ko ang aking mga mata sa loob at ng mahagilap ng aking mga mata ang isang bulletin board. Dito ata nakalagay ang mga SSG officers kayat nilapitan ko ito at tinignan. Owen Finley Montello ang pangalan ng lalaking nakita ko sa rooftop, ang lalaking pumunta sa classroom at ang lalaking SSG President ng Daelman High. Kaya pala sabi niyang siya ang namamahala sa Eskwelahang ito at ginagalang siya ng mga estudyante.

"One of my duty is to make sure that all SH students  will participate this upcoming event. Your excuses is not accepted. You should attend, huwag kang paimportante"  agad akong lumingon sa pinanggalingan ng boses na iyon at tama nga ang hula kong iyon si Owen. Pake ba niya kung hindi ako aattend ha. Kawalan ba ako.

"Gustuhin ko man ngunit hindi ako pwedeng magpagabi. Hindi mo alam ang naghihintay sa akin. Kung gusto mo  ikaw ang magpaalam sa nanay ko." Hindi ko alam kung ano ang naisip ko't sinabi ko iyon. Nanatiling blangko ang kaniyang mukha at diretsong nakatitig sakin. Bat ba ang attitude nito. Masyado ba siyang stress. At sana naman ay matapos na ang usaping ito dahil kumukulo na ang tiyan ko.

"All your classmates signed up to participate in those event.At sa isang classroom ay pamilya na kayo. No one should left behind,  your family needs you to attend. Kailangan ka nila " Hindi ko inaasahan ang sagot na iyon galing sa kaniya. Sa buong buhay ko, hindi ko naramdamang kailangan at kabilang ako sa isang pamilya. May kumurot ng kung  ano sa aking puso ng marinig ko iyon.

Dear Diary,

     First time kong marinig na kailangan ako. All of my life, I always thought that my existence is a waste of time. Ang sarap sa pakiramdam na masabihang kailangan nila ako. Gustuhin ko mang umattend, ngunit pinipigilan ako ng mga salitang mga sinabi ni mama. Next time when everythin is okay.

                                     Nanghihinayang,
                                          Hayah

"Sorry, Next time"




WHEN I'M OKAY ( WHEN I'M SERIES 1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ