SPECIAL CHAPTER

6 0 0
                                    

SPECIAL CHAPTER

NAGMAMADALING inaayos ni Maika ang mga gamit ng mga anak nito habang ang asawa naman nyang si Caesar ay sinagot ang tawag ng Principal dahil sa last warning ng panganay na anak nila sa kambal. Nasa harapan naman nilang mag-asawa ang dalawang mga dalaga nang anak nila na nakatayo.

Masama ang tingin ng Daddy Caesar nila sa dalawa habang si Maika ay katatapos lang ayosin ang papers at projects ng dalawa na nakakalat lang sa sala.

Nakakibit-balikat ang panganay nilang si Moni habang ang bunso naman ay si Mona na parang hindi mapakali at parang may hinahabol na oras dahil sa panay ang tingin sa relo nito. Nakikita ni Caesar sa dalawa ang mga anak ni Laszlo dahil sa magkapareho ang mga ugali.

Kambal agad ang binigay na biyaya sa kanila, kambal rin ang sakit sa ulong dala nila.

Binaba na ni Caesar ang tawag ngunit hindi pa rin inalis ang tingin sa dalawa nyang dalaga, "Baby Moni, what did I tell you about bullying some other kids? "matigas na tanong nya sa panganay.

Yumuko naman ito, "Stop being bully and be a buddy.. "sarkastibong sagot nito.

"Good. "ani ni Caesar.

Patagong natawa si Maika dahil sa mag-ama nya. Napunta naman ang tingin ni Caesar sa bunso nyang anak na si Mona.

"And you, baby Mona. Nabalitaan kong nangliligaw si Jimin sa'yo. "

Agad na napunta ang tingin ng bunso nyang anak sa kanya, "What?! That brat! Daddy, ang Jimin na iyun ang nagtalo sa akin sa pagiging Student Council President tapos ang kapal pa ng mukha dahil sadyang pinagyabang pa nya sa akin na natalo nya ako. "singhal ka agad nya.

May pagka-nerdy ang bunso nya at hindi ito malapitin sa mga lalaki hindi kagaya ni Moni na hahabulin ng mga lalaku sa school. Minsan gusto na ni Maika paligawan kay Jimin si Mona para kahit papaano ay makakasama itong kasing edad nya sa paaralan.

Hindi na napigilan pa ni Maika ang pinipilit na tawa at nailabas na nga nya ang paghalakhak.

Kahit si Caesar at ang anak nilang Moni ay tumawa dahil sa pagiging defensive ng bunso nila. Ngumuso naman si Mona habang masama ang tingin sa kanilang tatlo.

Alam 'yun ni Maika. Masyadong nagalit si Mona dahil sa pagkatalo nya sa panahon na iyun. Nakatutuwa lang dahil magkaiba sila ni Moni, si Moni kasi ay masasabi ni Maika na mahina pagdating sa Academic performance at kabalik taran ito ni Mona na matalino ngunit lampa.

There we're my precious babies..

"Moni.. diba may cheer leading practice ka ngayon? " ani ni Mona sa kakambak nito sabay tingin sa kanya.

Tumingin naman ito sa kanyang kakambal, "Oh my, I almost forgot that. "medyo nadi-dissapoint nyang saad.

"Mommy and Daddy. "tawag ni Mona sa dalawa, "May oral rin ako sa Math club ko. Pwede na po ba kaming umalis? "ani na nito.

Kumunot naman ang noo ni Caesar, "Wait.. it's almost lunch. Kumain muna tayo. "

Sabay na umiling ang kambal at parang hindi mapakaling ngumiti.

Alam nilang mag-asawa na may sine-sekreto ang dalawa. Kilalang-kilala na nila ang kambal, kapag may sekretong tinatago ang isa dapat alam rin iyun ng isa.

Ni minsan ay hindi pa sila nag-away o nagkainisan. Hindi man magkapareho ng ugali ay sadyang magkamukhang-magkamukha ang dalawa.

Hinawakan ni Maika ang kamay ni Caesar kaya napunta ang tingin nito sa kanya, "Don't worry about them, Babe. Malaki na sila.. look at them. Sa susunod may boyfriend na ang mga 'yan. "

"No.. walang magbo-boyfriend hangga't hindi pa kayo nakatungtung sa edad na 30. "payo ni Caesar sa kambal, "Maliban kay Mona. "nakangising dagdag nya.

Mas sumimangot ang bunsong dalaga nila. Umakbay naman si Moni sa kakambal nito.

"Don't worry, Daddy. Nangliligaw si Jimin sa kanya. "malademonyong ngumisu rin si Moni.

Tumayo si Maika at lumapit sa kambal, mainit nya itong sinalubongan ng yakap. Tumugon naman ang dalawa sa yakap nya. Nakangiti ang dalawa at parang mga innosenteng mga sanggol.

Naalala pa nya noong nasa sinapupunan nya ang dalawa. Masyadong maalaga si Caesar na kahit pagligo nya ay sya na ang tumutulong sa kanya. Sumali rin ang asawa nito sa mga Mommy and Daddy lessons at sobrang gusto pa nyang matuto.

I'm so proud that I have such a beautiful babies..

Matamus na ngumiti si Maika, "Pwede naman kayong magkaroon ng boyfriend pero dapat manligaw muna sila.. kilalanin nyo at bigyan nyo ng oras ang mga puso nyong magpasya. "mahinahong payo nya.

Nakangiting tumango ang kambal sa kanya. Maya-maya pa'y naramdaman rin ng tatlo na yumakap ang Daddy Caesar nila mula sa likuran ng dalawa.

They look like a complete and contented family.

Noon hinahanap-hanap at sinudubukang ikamit ang mga pangarap nito pero hindi nya alam na nasa harapan lang nya pala ang gusto nyang makamtan. Sa tuwing iniisio nya ang mga pag-subok na dumaan sa kanilang dalawa ni Caesar ay napapangiti ito, dahil kahit anong problema ang dumaan ay matibay pa rin ang pagmamahalan nilang dalawa.

The End.

🎉 Tapos mo nang basahin ang Chaos Between Them ✓ (The Between Trilogy) 🎉
Chaos Between Them ✓ (The Between Trilogy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon