CHAPTER 9

6 1 0
                                    

CHAPTER 9

MASARAP na kumakain mag-isa si Maika sa loob ng Hotel room nya. Nagbaon kasi sya ng mga street food mula sa Manila bay, alam nyang pinagbawalan na sya ng Tita Ama nyang kumain ng mga ganoon dahil sumasakit palagi ang tiyan nito noong nag-aaral pa sya.

Sampung taon na syang hindi naka-uwi ng Pilipinas kaya parang nawala na rin sa isipan nito kung ano ang lasa ng mga street food kaya bumili na talaga sya.

Pagkatapos nyang kumain ay agad syang nagbihis at muling lumabas. Magpapadala sya ng pera sa kanyang tauhan para sa mga sweldo nang mga iyun. Mag-iisang buwan na rin syang hindi nakapagpadala dahil wala na syang oras pang lumabas, buti na lang ay nac-contact nya ang mha iyun para makapagpa-alam na matatagalan ang pagpapadala nya ng pera.

NANG MULING nakabalik sa Hotel ay natanaw nya kaagad ang isang kasamahan nya sa trabahong tumatakbo palapit sa kanya na parang may gusto itong sabihin kag Maika. Nang huminto ay hingak na hingal itong napa-yuko.

"Head Chef, malapit na tayong mawalan ng products dito.. lalo na po ang mga gulay. Tinawagan na namin ang mga stockholders pero hindi nila kami sinasagot. "kahit na hihingal ay nasabi nya kaagad kay Maika kung ano ang problema.

Kumunot naman ang noo ng dalaga, "Ano naman ang sinabi ni Mr. Wayne? "tanong nito.

Segundong natahimik ito, "Head.. kasi po.. wala pa namin nasasabi ang problema sa kanya dahil baka kung ano po yung sasabihin nya samin, kaya sayo po namin muna sinabi. "sagot nito.

"Ano ang kakausap sa kanya. "

Sabay lakad paalis. Hindi na ito nakapagsalita pa sa kanyang kasamahan at agad nang dumeritso sa opisina ni Caesar.

Habang nasa elevator ay hindi na maiwasang hindi mapakali na parang ayaw ng katawan nitong puntahan ang binata.

Kung tungkol man ito sa kanyang sinabi ay sana hindi iyun naka-apekto sa binata, kung mahal sya talaga nito dapat ni Caesar intindihin ang kanyang sitwasyon. Patunayan nyang kahit palagi ni Maika syang pinagtatabuyan ay sya pa rin ang tinitibok ng puso nito.

Ano ba ang kinakaba ko? Si Caesar lang naman ang pupuntahan ko para sa problema ng Hotel at hindi tungkol sa kanila.

Nasa harapan na sya ng pintuan ng opisina ni Caesar ay hindi na sya nagpaligoy-ligoy pa't agad pumasok. Nang parang binagsakan sya ng langit at lupa dahil sa kanyang nakita.

Gusto nyang sampalin ang sarili kung natutulog pa ba sya o hindi. He saw Caesar with someone in top of him. Nakita ni Maika ang dapat hindi nya nakita.

"Ohh..shit. Ahh! Baby your so big. "mga ungol na narinig ni Maika mula sa babaeng taas baba sa binata.

Nanginginig ang buong katawan nito at kahit nanghihina ay agad syang tumakbo palabas ng opisina. Hindi mapigilan ni Maika na hindi maluha sa eksenang naabutan nya.

Parang nadudurog ang puso nito, mas masakit pa ang kanyang nararamdaman kumpara sa mga panahong wala ang binata sa tabi nya.

Agad itong pumasok uli sa elevator, at saktong walang tao sa loob. Pagkasara ng pintuan ay pinaghahampas nya ang dingding dahil sa galit.

"Bwesit! Tangina nyo! Ang bababoy! G-Gago ka Caesar! Tangina.. "pagmumura na nito habang patuloy ang pagtulo ng kanyang mga luha.

Pagbukas ng pintuan ay tumakbo sya papunta sa Hotel room nito at agad iyung ni-lock. Napasandal sya sa pintuan at muling napa-iyak.

Sobrang sikip ng dibdib nya na parang hindi ito makahinga. Sana pinagsasabunot na nya ang malanding babaeng iyun at ganun din ang binata ngunit naging duwag sya.

Chaos Between Them ✓ (The Between Trilogy)Where stories live. Discover now