CHAPTER 5

9 1 0
                                    

CHAPTER 5

MAAGANG nagising si Maika dahil hindi rin kasi ito makatulog ng mahimbing. Hindi na kasi maalis-alis sa isip nya ang dating gusto nyang makita na si Caesar.

Buti nalang ay naiwan nya ang litrato nito sa maliit nyang bahay sa kanyang lupain at matatagalan syang umuwi doon. Habang nagt-toothbrush ay nakatingin ito sa naka-plansya na nyang unipurme.

Mukhang bagong gawa pero paano nila nalaman na kasya ito sa kanya. Ganun ba ka-advace ang Wayne's Hotel at Restaurant na 'yun?

Pagkatapos nyang kumain ng kanyang niluto ay agad na nyang hinanda ang dadalhin nito.

Mabilis syang nakasakay at nakapasok sa trabaho. Mabuti na rin iyun dahil unang salpak nya sa trabaho.. at bilang Head Chef pa.

Kabisado na ni Maika ang buong Hotel at mabilis nyang nahanap ang lugar kung saan sya magta-trabaho. Pagkapasok pa lang nyang nakahilira na sa harapan nito ang mga kasamahan nya't mga pagkain sa isang mahabang lamesa.

Hindi naman ako siguro mukhang outcast kasi naka-unipurme din ako pero may ranggo nga lang..

"Good Morning, Head Chef. "sabay na bati ng lahat sa kanya.

Parang nagkakatotoo na ang pangarap nito noong bata pa sya. Kung nasa panaginip lang sya, mas pipiliin nyang hindi magising hanggang kelan.

Ngumiti naman ito sa kanilang lahat, "Good morning rin. "aniya.

"Dahil bago po namin kayong Head Chef gusto po naming ipatikim at ipakita sa inyo ang lahat ng mga dishes na sini-serve namin. From third class to expensive ones. "ani ng isang lumapit sa kanya.

Naglakad ang dalaga at tiningnan kung paano sila gumawa ng table presentation kung mukha palang ba'y masarap na. Mukhang lahat naman ng mga pagkain ay masasarap ngunit may napapansin itong hindi nya nagustohan.

Ayon sa mga produktong ginamit. May ilang dishes ang hindi healthy sa mga kumakain.

She raised her hand to sign that she need a spoon but no one responded. Tumingin ito sa kanyang kasamahan na nagtataka kung bakit ganon sya kumilos.

"Spoon please. "she requested.

Binigyan naman sya nila ng kutsara at nang kumuha ito ng isang kaunting pagkain ay may nalasahan itong hindi nya gusto.

Agad naman nya itong nilunok na lamang at uminom ng tubig, "W-Who made this soup? "tanong nya.

Walang nagsalita hanggang may isang nagtaas ng kamay, "Ako po, Head. M-May problema po ba? "

"Kanina ko pa napapansin na may problema sa nga produkto ninyo. The food plate presentation is good but the tastes.. I mean - no offense you guys but you all need improvement. "anito, "At tutulungan ko kayo kung paano 'yun gawin. "dagdag pa nya.

Wala namang nagsi-reklamo sa kanya, halos lahat nga sila'y gustong matuto mula sa kanya. At habang nagtuturo ay sya ang nagluluto ng mga dishes na nakita nito sa mga tapos nang niluto.

Kabisado na ni Maika kung paano lutuin ang halos lahat ng nakita nya. Tinawagan rin nya ang mga tauhan nya sa kanyang kupain na bibili ang Wayne's Hotel and Restaurant ng mga produkto nya.

Chaos Between Them ✓ (The Between Trilogy)Where stories live. Discover now