Nakatingin sa amin ang babaeng naroon, nakaabang sa pagdalo ni Tita Empress.

"Wait, Chloe."

Nagtungo na siya roon, maging ako ay iyon rin ang ginawa dahil ang pharmacist na nag-asikaso sa akin ay dala na ang vitamins na binili ko. Nang parehas na matapos ay nagtagpo kami ni Tita Empress sa exit ng drug store.

"Ewan ko ba sa anak kong 'yon. I told him to take medicines but he said that it's out of stock. He won't surely take one no matter how often I tell him. Kung hindi pa ako pupunta, siguradong hindi iinom. Minsan, kahit naroon ako ay matigas pa rin ang ulo."

Hindi ko alam kung tama itong tumatakbo sa isip ko. I was the reason why Hellios has a fever right now. Gusto kong kahit papaano ay mabayaran ang pagmamagandang-loob niya sa akin. I don't know how I will be able to do that because obviously, his mother will be there, too.

Bahala na. Tutulong na lang ako sa pag-aasikaso.

"Tita Empress, I h-hope you won't mind but..." I sighed while looking into her eyes with hesitation. "Can I c-come with you?"

She blinked her sharp eyes as if she's unsure of what she heard from me.

"Huh?"

Tumungo ako, pinagsalikop ang mga kamay ay marahang huminga nang malalim saka siya pinag-angatan muli ng tingin.

"I am surely the reason why he's sick right now, Tita. He covered me from the rain that night we all went to church. I'm sorry po. Sinabi ko naman po na huwag siyang magpapaulan."

Natawa siya. "Are you seriously asking for an apology for an incident you didn't do? Walang may gustong magkasakit siya. At siguradong mas hindi magugustuhan ng anak ko kung ikaw ang magkakasakit. Not now that he looks so caring when it comes to you, Chloe."

I smiled a bit. "Please don't misinterpret his actions. I'm sure it's just normal for him."

Umiling siya saka malawak na ngumiti sa akin. Sa kabila ng klase ng ngiti na mayroon siya, hindi pa rin no'n maitago kung gaano ka-istrikta ang dating ng mukha niya.

"Anyway, let's not talk about it. Ayokong pangunahan si Samael pagdating sa'yo. Magmumukha akong sabik." Humalakhak siya. "You are free to come with me, hija. I'm sure he'll get happy to see you."

Malakas ang pintig ng puso ko habang nakasakay sa sasakyan ni Tita Empress. She got a driver and we're both sitting on the backseat. Nasa bahay sina Papa at ang sabi ko ay bibili lang ako ng vitamins niya. Kung pupunta ako ngayon kay Hellios, siguradong matatagalan ako. Magtataka si Papa at magagalit siya kung sakali.

Hindi na lang siguro ako magtatagal. Kahit isang oras ay puwede na. Malapit lang naman ang condo ni Hellios sa village namin. Makakauwi rin kaagad ako.

Huminga ako nang malalim. Ever since I met Hellios, I started lying to my parents. White lies ang iba at may dahilan naman kung bakit ako nagsinungaling. But right now? I am not sure if the lie I'm about to say later is still forgivable.

I'm sorry, Lord. There are things happening right now and I don't know why I am doing these. I don't even have the answers with me but I am sure you already know why I'm commiting the mistake of lying to my parents. Whatever I am doing, I hope that you will still guide me. Direct me to the right path.

We reached the condominium within fifteen minutes. Mahigpit ang pagkakawak ko sa body bag habang naglalakad sa pasilyo.

"Ang sabi niya ay papasok pa siya sa trabaho. I asked him not to. If I didn't call him early this morning, I wouldn't know that he's sick. Namamaos ang boses at panay ang bahing." Si Tita Empress nang papalapit na kami sa kwarto ni Hellios.

Suarez Empire Series 1: My Heaven In HellWhere stories live. Discover now