" Who says you can be my friend. Desisyon ka girl?"
God what did I do. Feeling ko kasing pula ko na ang kamatis dahil sa kahihiyan. Pagkatapos niyang sabihin ang mga salitang iyon ay hindi ko na siya kinausap at humarap na lang sa blackboard. Ba't ba ang taray taray niya huh!
Sa wakas ay natapos din ang last subject at uwian na ngunit lutang lang ako maghapon at walang naintindihan sa mga diniscuss ng mga teachers ko dahil sa kahihiyan ko na naman kanina. hays ano ba yan Hayah nakakahiya ka talaga. No wonder kinahihiya ka ng nanay mo at mga kapatid mo. Hays tuwing naiisip kong uuwi na ako ay parang nanlulumo ako dahil alam kong hinanakit at sama ng loob lang ang naghihintay sa akin.
Tinignan ko ang oras sa aking cellphone
at Alas singko y medya palang kaya napagdisisyonan kong hwag munang umuwi. Napag alaman kong may rooftop daw itong Daelman high at agad naman akong akong nagtungo roon. Halos hindi ko na maitapak ang mga paa ko sa pagod ng makarating ako dito sa rooftop dahil seven floor pala itong building at sa katangahan ko ay late ko ng malaman na may elevator pala ang eskwelahan na'to. Ba't di ko ba naisip na private school ito at siguradong may elevator.
Pagkatapos kong habulin ang hininga ko ay lumapit pa ako sa pinakaharap upang matignan ang kabuuan ng Daelman high. Grabe ang laki ng school na to at kita ko din ang mga nagtatangkarang mga buildings sa paligid. Napansin kong ako lamang mag isa dito dahil nga uwian na kaya dito muna ako pansamantala habang hindi pa lumulubog ang araw.
Inaagos nang hangin ang aking buhok habang nakatingin ako sa kalangitan. Ang ganda pala ng langit, ang kulay asul na parang kahel na kalangitan ang nagpapaliwanag sa aking mga mata. Ito ang unang pagkakataon kong matitigan ang mga ulap. Omg! Sobrang Ganda ba't hindi ko ito napansin una palang.
"May maganda din pala dito sa mundo kahit papano. Masaya akong malaman na may maganda parin dito sa mundo sa kabila ng mga pangit kong natunghayan" I almost whispered. Ipinikit ko ang aking mga mata habang patuloy ang paglipad ng buhok ko. Itinaas ko rin ang dalawang kong kamay na para bang may inaasahang yakap galing sa hangin.
"You should see the sunset, it is beautiful too. Sunset is beautiful but not always. It depends on the place and on your position. And on how you look at it."
halos mapatalon ako sa gulat nang mapagtanto kong hindi pala ako nagiisa dito sa rooftop. Nag aalangan man ngunit hinarap ko ang lalaking nagsalita. Naguguluhan ko siyang tinignan dahil hindi ko maipinta ang ibig niyang sabihin. Matagal akong nakatitig sa gawi niya at inuusisa ang katauhan niya. May katangkaran ito, maputi at hindi ko maitatangging gwapo ang lalake. Blangko din ang itsura niya na tulad ni Sthrell at napansin kong Senior High din siya base sa kaniyang pananamit.
"Bawal ang mga estudyante sa rooftop ng mga ganitong oras. Kung nais mong abangan ang paglubog ng araw ay sa ibang lugar ka nalang. Makakaalis ka na" natauhan ako sa pag usisa sa kaniya nang muli siyang magsalita. Bakit ba ang attitude niya ha. Sa kanya ba itong eskwelahan hindi naman ah. Ano ba namang eskwelahan to, andaming matataray.
"Paki mo ba kung dito muna ako, sayo ba itong eskwelahan? At anong sunset ang sinasabi mo?" pagtataray ko pabalik sa kaniya. At ano ba yung sunset. Feeling ko yun yung paglubog ng araw. Maganda na ba para sa kaniya iyon?
lumapit siya sa tabi ko at isinandal ang siko sa semento. Tinignan niya ako na parang ang bobo ko sa isipan niya! Nang iinsulto ba to ha.
"Hindi ako ang may ari ng eskwelahang ito ngunit ako ang namamahala. And seriuosly? Sunset lang di mo pa alam? Nagtataka niyang tanong at kita ko sa kaniyang mga mata na tingin niya sakin ay ang bobo bobo ko.
"Diba yun yung paglubog ng araw. Eh ano naman ang maganda don. Para sakin walang maganda sa mundo. Itong langit pwede pa pero pag naging masama ang panahon papangit din ulit."
I explained. Hindi pupwedeng pag isipan niya ko ng bobo dito oy.
"Hindi naging pangit ang sunset, wala ka lang sa lugar , posisyon o di kaya nakamulat lang ang mga mata mo sa mga hindi magandang bagay" pagsisimula niya " Ganoon din ang mundo, maganda ito ngunit wala lang tayo sa maayos na lugar upang makita ang kagandahan nito, nasa maling posisyon ka lang kaya ang akala mo ay pangit to, Puro pangit lang kase nakagisnan mong makita kaya hindi mo makita ang mga magaganda"
Parang tinusok ang puso ko ng marining ang mga katagang iyon mula sa lalakeng katabi ko. Totoo nga bang wala lang ako sa lugar, posisyon at tanawin. Kung gaanoon, gusto kong makita ang kagandahan ng mundo. Gusto kong makita ito bago pa mahuli ang lahat.
" Kung ganoon hayaan mo akong makita ang sunset mula rito. Kung ayaw mo, pipilitin parin kita. Sige na please please hayaan mo muna ako rito" pagpupumilit ko habang niyuyogyog ang braso niya. Mukhang nainis siya sa ginawa ko at pinandilatan pa niya ako ng mata. Huminga siya ng malalim na ibigsabihin ay pumapayag na siya. Akala ko ay aalis na siya ngunit nanatili siyang nakatulala sa kawalan habang naghihintay kami ng sunset.
Ilang minuto pa ang hinintay namin ng biglang may magandang tanawin ang nakita ko mula sa kawalan. Hindi ko mailarawan ang nakikita ko dahil sa ganda nito. Sobrang ganda! Ito na nga ba ang sunset? Akala ko ay simple lang ang paglubog ng araw ngunit may tinatago pala itong ganda. Nakatikom lamang ang bibig ko ngunit sumisigaw ako sa kaligayahan at gusto kong umiyak. Bakit sa daming taon kong namuhay ay hindi ko ito nasilayan agad.
Dear Diary,
Naiinis ako, dahil totoo nga ang sabi ng lalaking iyon. Sobra, sobrang ganda ng sunset. Kung nasa maling lugar at posisyon ako, Nais kong malaman kung nasan ang tama dahil, dahil nauubusan na ako ng oras.
Nangangamba,
Hayah
" Ang ganda, sobrang ganda at nagpapasalamat ako dahil sayo nakakita ako ng kagandahan at ginanahan akong manatili pa"
Lumingon ang lalaki sa gawi ko at walang nagbago sa mukha niya, blangko parin.
🥺
YOU ARE READING
WHEN I'M OKAY ( WHEN I'M SERIES 1)
Teen FictionA girl who lived by battling depression, anxiety and all the negativity in her environment. And how she found pure love in the midst of a cruel world. When she's okay, will she stay in his arms or will she be okay?
CHAPTER ONE
Start from the beginning
