025 - PAGTINGIN

Magsimula sa umpisa
                                    

"Siya magiging tour guide mo."

"Hala, weh? Baka usapang pera lang pagchichikahan namin. Di ko pa nga nararanasan makahawak ng isang daan eh."

"Huwag ka mag-alala sir. Mabait si madam Shania. Saka isa siya sa pinakamabait na nilalang noh! Hayst... Gusto ko siya protektahan kaso mahal ko pa trabaho ko. Ayoko masisante." napakunot ng noo si Zioquel sa sinabi nito dahil baka namali lang siya ng pagkakarinig.

'Bakit naman yun pro-protektahan? Nakakatakot nga siya pakinggan dahil maari niyang gamitin ang pera para mapatalsik ang iisang katao sa iskwelahan.' he boredly shifted his gaze to the open window to see the beautiful nature. Kahit nakabukas ang aircon, nasusuka si Zioquel at mas ninanais pang makalanghap ng sariwang hangin galing sa puno.

As he keep on humming, hindi niya na namalayan na naabot na nila ang RPA sa tatlong oras na biyahe. Dahil ang lokasyon ng RPA ay medyo tago dahil nasa kalagitnaan ito ng gubat, hindi niya mapigilan na kabahan dahil maraming haka hakang dating sementeryo ang RPA at bahay ng isang mangkukulam. As far as he know, it was a hundred years old kumpara sa lolo ng lolo ng lolo niya.

Pagkalabas nila sa limousine, napalunok ang binata sa ganda nito. May mga diyamante pang nakaukit hanggang sa kusang bumukas ang gate.

"Sir, iwanan ka na po namin dito. Kami na bahala sa mga gamit mo. Ilalagay na namin sa dorm mo."

"Dorm? Walang dorm dito dati ah–" before he argued, a shy yet soft voice invaded his ears as his blue eyes got locked up to a light blue eyes.

"G-G-Gaga."

"I-I mean MAGANDA!!" Agad napasampal sa sarili si Zioquel sabay bawi sa kanyang mura.

"Ano po? A-A-Anyways. A-Ak-o si Shania Liebesfreud. The Vice President of this school. W-W-Welcome to Royal Possession Academy!" Bakit ito nauutal at parang mas pormal pa umakto kumpara sa butler na nakasalamuha niya kanina? Inaakala niya na spoiled at medyo maatitude ang Shania Liebesfreud dahil marami siyang nababasa sa libro na may ibang mayaman na baluktot ang ugali.

"I-I-I'll be your tour guide–"

"Hoy. Missy, huwag kang kabahan saakin chillax! Ito naman, mukha ba akong hayop? Itaas mo yang maganda mong mukha at tumingin sa akin. Hindi naman nakabalandra ang mukha ko sa sahig diba? Bat ka nagsasalita habang nakayuko?"

"H-Hala! I-I-I'm so sorry if I'm being rude." humingi agad ito ng paumanhin. Zioquel smirked and rolled his eyes with a red face.

'Bat ang cute niya? Ang sarap niya siguro kasama.' He attempted to grab her hand that makes Shania squeak like a hamster. Nakipag shake hands si Zioquel na parang isang business partner nito sabay na nag straight english na puno ng pagmamayabang.

"Da neyms... Zioquel Aldrillante. Singol, magsasaka. At yeahhh... Ahm, I know you the name. Pero I comfortable with you."

Nanigas sa kinatatayuan si Shania at hindi nagtagal na lumobo ang mapuputi nitong pisngi upang pigilan ang pagtawa. She completely understand his introduction and clearly stated that he wants her to be comfortable with him. Napansin naman yun ni Zioquel at nagtanong.

"What's so funnier? Is face something uh... Wrong?" nakakunot ang noo nito at napatulala lalo sa ganda ni Shania ng tumawa ito nang napakalakas. Nahulog ang salamin nito sa lapag at nasilayan ni Zioquel ang maganda nitong ngiti.

Her eyes formed a little tears while laughing like an angel. Her voice sounds like a music box as the wind blew a fresh air from their direction, making her messy hair to be swayed. Parang nasa live action sila ng anime pero in basura version dahil mukhang ang dugyot ni Zioquel.

『 THAT NERD IS THE VILLAINESS 』COMPLETED Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon