Alas kwatro
by: unknownartHindi makatulog
Mga mata'y hindi mahulog
Bente kwatro ng gising
Malayo pa ang bibilanginGusto ko ng magpahinga
Mga iniisip ay nagsasanga-sanga
Para na ngang tanga
Habang nakahiga sa kamaIsang oras lang nakatulog
Nagising nung kumulog
May narinig na nahulog
Wari'y pira-pirasong bubogMedyo natatakot sa naramdaman
Nanginig ang kalamnan
Baka multong nanghihingi ng katarungan
O isip ko lang na puro kababalaghan_______
Kasi hindi ako makatulog kagabi😪