Lungkot

0 1 0
                                    

Lungkot
by: unknownart

Ang mainit kong mga mata'y tumutulo ng luha.
Hindi pagod o sakit, walang maramdamang kusa.
Tumutulo, naglalakbay pati leeg ko na'y damay.
Nag-iisa't nakahiga, dumuduya't walang karamay.

Gustong magsalita pero alam kong wala
kayong magagawa.
Isip ay lumalaban kahit kabilang katawa'y
hindi maramdaman.
Kagabing masaya ngayon pala'y kakaiba.
Sa tula lang masasabi lahat ng aking dala-dala.

Oh kapwa ko pwede bang ako'y tulungan mo?
Magaling lang ako sa iba pero sa sarili
na'y hindi kaya.
Humihinga't nakatulala isip ko lang
ang gumagana.
Mga dahong aking nakikita parang gusto na
akong isama.

Ano nga ba itong nararamdaman kong lungkot?
Na naghahati sa aking kaluluwa'ng mabuti at masama.

______
Para sa mga malungkot at hindi alam ang gagawin, alam kong kaya niyo yan. Huwag kayong papatalo sa problema dahil alam kong magiging masaya kayo kapag nalagpasan niyo yan.

TulaWhere stories live. Discover now