Ewan ko
by: unknownartSa totoo lang paano ba magsimula
Paano mabuo itong gagawin kong tula?
Tingin mo siguro hindi ko ito pinag-isipan
Kahit sa totoo'y aking pinaghirapanEwan ko kung paano ito nabuo
Basta narinig ko yung tuko
Habang inaayos ang mga plato
Nililinis itong lababoKanina ko pa ito naisip
Tinandaan lang at tumahimik
Napanood yung palabas sa telebesyon
Tungkol sa manunulat at mga imahinasyonEwan ko't gumana ang aking utak
Naririnig ang tubig na pumapatak
Sa loob ng banyo'y talak ng talak
Kinakanta ang mga musikang sa isip ko'y tumatakWala talaga akong maisip
Paulit-ulit ng binasa itong mga titik
Parang tinaguan ako't nabwisit
Nagmumura sa aking isipEwan ko ba't ako talaga'y nagsasagot
Alam niyo kasi ako'y natatakot
Na baka bumaba ang grado't malagot
Pero ako talaga'y nababagotSiguro dito ko na tatapusin
Para maisunod na itong prayoridad na gagawin
Ayun kumakaway na ang matematika
Teka't nalintikan na_______
WHAHAHHA sana maganda toh!
Salamat sa pagbabasa mga mahal ko.