Malayang Kawalan

3 2 0
                                    

Malayang Kawalan
by: unknownart

Naglalakad ako sa kawalan
Mga naiisip ay puro walang kabuluhan
Hindi alam kung saan ilalaan
Ang oras kong unti-unting nasasayang

Gustong magsulat ng isang kwento
Pero parang nalimutan kung paano mang-imbento
Ng mga kwentong naingkwentro
Para wala na ang kaunting pagkahenyo

Bolpen ko'y nagsusulat
Habang ako'y nakatingin sa ulap
Na para bang nag-uulat
Kung paano ako mumulat

Umaawit, Sumasayaw
Pero bakit tinta ko'y umaayaw
Parang damdaming umaapaw
Katulad ng paglubog ng araw

Hanggang saan ba aabutin
Itong aking susulatin
Parang nawala na ang damdamin
Sa pagsusulat, sa pag-i-imahin

Kay ganda ng mga puno
Sa may bintang aking tinutungo
Sa liwanag ako'y nasusulo
Pero hindi ako lalayo

Napansin ang aking gitara
Na dati'y laging tinitipa
Kahit saan man magpunta
Sige lang ang tawa't kanta

Nakakarinig ng mga ingay
Hindi makapokus sa aking pagninilay
Isip ko'y parang nahihimlay
Mga ideya'y parang napilay

Mag-isa't nagagalit
Leeg ko na'y nangangawit
Wala pa ring naiisip
Paano ako magsa-sabmit

Ngunit talaga nga namang kay saya
Mag-isip ng ganito kalaya
Kahit wala akong nabuong ideya
Masaya akong ito ang aking nakaya

___

Unang tulang aking nabuo
Na isinabmit sa aking guro
Hindi man kasing galing ng iba
Ginawa sa abot ng aking makakaya

(Ang tulang ito ay pinapangarap kong magawan ng MV dahil nailipat at nagawan ko ng tono. Sana pagdating ng araw makita kung success ang pangarap ko)

TulaWhere stories live. Discover now