02.

7 2 1
                                    

—• CHLOE

Guess I'll be eating lunch by myself muna, first day palang naman eh, ang hirap makahanap agad ng friends lalo na kung di ka gaanong friendly. I was peacefully walking and looking for the cafeteria until I saw my brother, Oliver. I followed him until I was able to tap his shoulder. Nilingon nya ako agad and he's obviously startled.

"Chloe?? Why are you following me?" tanong nya habang nililingon ang paligid.

"Are you heading to the cafeteria ba Kuya? Can I come with you? Wala pa kasi akong kasama mag lunch eh..." tanong ko naman sa kanya. To be honest, kahit mag kapatid kami, nakakahiya parin kay Kuya Olive since di ako sanay na mag kasama kami sa iisang univ.

"Yeah, papunta na nga ako dun. I think much better kung dun tayo sa may mga bench kumain kesa sa cafeteria" he said.

"But why?"

"Kasi tahimik? At hindi crowded unlike doon sa loob. Plus gusto kita kamustahin, panigurado kung isasama kita sa table ng friends ko, hindi kita makakausap nang maayos. Let's go" he then grabbed my arm and dragged me on the opposite direction.

"Kuya saan tayo bibili food? Andun yung cafeteria oh" I pointed on the other direction kung saan papunta sana si Kuya kanina.

"May isa pa dito sa kabila pero more like bilihan lang ng foods and beverages" he simply answered.

Oh. Dalawa pala bilihan.

Nauna-una sya sa canteen at bumili ng pagkain, sabi nya wait ko lang daw sya. Pag balik nya may dalawang tray syang hawak at agad ko naman tinulungan.

"Nilibre mo ko??? Omg anong kinain mo kanina parang hindi ata ikaw si Kuya Olive" I jokingly said.

"Malamang first day of school at first time mo dito kaya ililibre muna kita" he then rolled his eyes afterwards. Itong Kuya ko talaga kala mo araw-araw may period. "Tara dun sa may bench na yun" he said, pointing on a bench under the tree. Agad naman akong sumunod sa kanya at naglakad papunta sa bench na tinutukoy nya.

We started eating and talking. Kinwento ko lang sa kanya kamusta kaninang umaga. Wala pa naman masyadong ganap pero todo kwento ako, random nalang yung iba. Si Kuya naman tahimik at nakikinig lang sakin, ganyan naman yan lagi eh. Matapos ang mahabang minuto ay tapos na sya kumain.

"Teka tama na muna ang daldal at bilisan mong kumain" aniya.

"Anong oras na ba Kuya?" tanong ko naman.

Tiningnan nya ang wrist watch nya at kalmadong sumagot. "11:50 am"

Napabilis ako ng kain, buti nalang konti nalang rin naman ang natitira. 12:15 ang start ng afternoon class namin at wala akong balak ma-late, ayoko matulad dun sa isang classmate ko kanina.

"Kuya mauna na ko, ikaw nalang mag balik nito ah? Thank you!" nagmamadali kong sabi.

"Bakit? 12:15 pa ang balik mo ah. Ang aga aga pa Chloe, OA mo naman" inis na sagot naman ni Kuya.

"Mas magandang pumasok nang maaga kesa naman late" pinutian ko rin sya ng mata kagaya ng ginawa nya sakin kanina at naglakad papalayo.

Dali dali akong bumalik sa room dahil sabi nga ng prof namin na bawal kami ma-late for class officers election this afternoon. Buti nalang may malaking wall clock sa isang dinaanan ko kanina, bale 11:58 ako dumating sa classroom. Pag dating ko ay ako palang ang tao sa room. 'Hindi ba sila aware sa oras?' sa isip isip ko.

I sat down on my seat and waited for my classmates to enter the room and ayun nga, unti-unti na silang pumapasok. Hirap talaga kapag bago ka sa isang school, hirap makipag friends, buti na lang my kuya got my back. Sinamahan ako mag lunch kanina para di ako mukhang lonely. Libre pa. Hashtag Oliver best kuya.

I was deep in my thoughts nang biglang may tumapik sa balikat ko. Lumingon ako sa likod at kinawayan ng isang babae.

"Hi! You're Chloe, right? I'm Frances" she then offered her hand and I gladly accepted it. "Nice to meet you, Frances" I responded with a sweet smile.

"So how are you? Kamusta first day mo dito?" she asked.

"I'm doing fine. Still adjusting with new people but I'm fine naman" I let out a giggle afterwards. "You know what? We can be friends, friends na tayo from now on and i-totour kita sa buong campus bukas. G ka ba?" she asked again. I kinda like her vibe, she's cheerful, friendly and approachable.

"Of course! I would love to" I answered.

Bigla namang may pumasok na dalawang lalaking hingal na hingal, yung isa mas mukhang hingal na akala mo hinabol ng sampung kabayo.

"Kung di mo naaalala name nya, that's Jinver" Frances whispered to me while looking at the same guy na tinitingnan ko, yung mukhang mas hingal. How did she know na nakalimutan ko agad name nung guy?

"And that one is Drei or Kendrei" she shifted her gaze on the blonde guy na kasama nung Jinver. Siya yung late kanina. To be honest, he looks familiar, kanina ko parin to iniisip kung saan ko sya nakita simula nung pumasok syang late.

"Saglit lang Drei, pagod pa ko. Bakit ba kasi natin kailangang tumakbo eh hindi naman pala tayo late???" rinig kong reklamo ni Jinver.

"Palibhasa di mo alam feeling ma-late sa klase kanina. Late na nga ako nung umaga tapos ngayon hapon rin?" medyo masungit namanna sagot ni Drei.

Sungit.

Anyway.

Bumalik ang atensyon ko kay Frances at nag tanong tanong sa kanya about dito sa univ. Mahaba haba ang usapan namin since mukhang ma-lalate ng dating ang prof namin.

"Sayang talaga tinakbo natin kanina Drei, mukhang late pa ata si Prof. Angela" rinig ko nanaman sabi ni Jinver.

"Hayaan mo na ang importante andito na tayo bago pa sya dumating" sagot ni Drei na mukhang ititang-irita na sa kaibigan nya.

Matapos ang ilang minuto ay dumating narin ang prof namin. "Good afternoon class, I'm sorry ako pa talaga ang na-late sating lahat dito" she said the moment she stepped inside our room. "Shall we start now?" she asked with a sweet smile and we all responded.

———————————————

Note: Chapter 2 ud!! ang ikli pala ng chapter na to pero tatry ko habaan sa mga susunod na chapters. Mwuah <33

Make You Mine | L.FLWhere stories live. Discover now