"Ken inisip mo man lang ba si Mia? Aware ka naman siguro na ikakapahamak niyo itong dalawa diba?" Dahan-dahang tanong ni Jake at bakas dito ang nagtitimping inis para sa kaibigan.

Binitawan ni Ken ang kamay ko at lumingon sa mga kaibigan niya. Isa-isa niya itong tinignan. Tahimik lang akong nakamasid sa kanila, dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam ang dapat kong gawin.

"Pasensya na kayo kung nagpadalos-dalos ako ha." Saad niya. Natahimik naman ang mga kaibigan niya at bakas sa mukha ang pagsisisi. "Pasensya na kayo kung sa tingin niyo ipapahamak ko si Mia." Muling saad ni Ken. Lumingon ako sa kaniya at nakita kong nakayuko na siya.

"Ang nasa isip ko lang nung nalaman ko na kasabwat si Ellena sa pagkaka-aksidente ni Mia ay dapat may gawin na ako para protektahan si Mia."

"K-ken..." mahinang saad ko dahil sa gulat. Mula ng marinig niya ang usapan namin ni Dave kanina ay tahimik lang siya.

Hindi ko akalain na ito na pala ang tumatakbo sa isip niya. Hindi naman siya obligado na protektahan ako. Mas gusto ko pa yung nasa tabi ko siya at alam kong ligtas siya habang narito pa siya. Mas gusto kong makasama siya sa mga huling araw na nandito siya, dahil hindi ko alam kung kailan yung huling araw na mahahawakan ko pa ang kamay niya.

"Sorry, Mia. I know I should have told you before I met her. Dapat ipinaalam ko muna sa'yo dahil alam kong mag-aalala ka. Mag-aalala kayo." Saad ni Ken at lumingon sa akin. I reached for his hand and hold it tightly.

"Pero hindi ko naman gusto na ipahamak ka. Na ipahamak ang kaso ko at ni Grace. Kaya lang naman ako nakipagkita kay Ellena ay para kausapin siya na ihinto na ang pakikipag sabwatan kay Ramon Herrera." Pagpapatuloy nito.

"Ken, nakita ka niya diba? Nahawakan ka ba niya?" Mahinang tanong ko. I feel my heart tightened just by the thought that Ellena had touched him. Ang hirap naman kasing pigilan ng selos.

"Hindi Mia. Nang makita niya akong sumakay sa sasakyan niya ay natakot siya. Nakapikit lang siya, kaya kinuha ko yung pagkakataon na yon para kausapin siya. I just talked to her directly, she never even had a chance to respond dahil umalis din ako agad bago pa siya muling tumigin sa akin." Pagkukwento ni Ken.

"So, sa isip niya minulto mo sya?" Tanong ni Liam rito. Tumango naman si Ken. Rinig na rinig ko ang malakas na pagpapakawala ng buntong hininga nilang apat.

"Ang talino mo sa part na 'yon dre." Saad naman ni Dustin at bahagyang tumawa. Kahit ako ay hindi na napigilan ang pagtawa.

"Oh my God. I just can't imagine how epic her face nung nakita ka." I said in between my laugh. It is so hard to stifle my laugh because I keep seeing Ellena's epic face.

"But you still have to be careful Ken. Huwag ka na ulit magpapakita kay Ellena hangga't hindi pa maayos si Mia at hindi pa tapos ang hearing ng kaso mo." Seryosong saad ni Paulo.

Tumango naman si Ken at tipid na ngumiti sa akin. I just smiled at him and held his hand tightly. Inantay lang namin ang pagdalaw ng doctor at nurse ko para muling i-check ang mga sugat ko at tahi ko. Nang maka-alis ay agad din kaming nagpahinga dahil maaga ang alis namin.

"What? You did that? OMG Ken! Paano kung napahamak ka?" I lowly groaned when I heard murmurs inside my room.

"I'm sorry Dave, Ate Marie. Alam kong mali ang ginawa ko, but that's the only thing I thought para maprotektahan din si, Mia." I slowly opened my eyes and the sunrise welcomed my sight. Tamad kong kinusot ang mata ko at dahang dahan hinanap ang boses na kanina ko pa naririnig.

There I see Ate Marie, Dave and Ken talking. It seems like Ken let Dave and Ate Marie knows what he did last night at ngayon ay mukhang stress si Ate Marie. Lihim na lang akong napangiti dahil mabilis talagang ma-stress ito kahit sa mga simpleng bagay.

Sa Susunod Na Habang Buhay | SB19 KEN ✔Donde viven las historias. Descúbrelo ahora