Bagong umaga para sa mga bagong estudyante ng Aves at simula ng kanilang unang araw sa paaralang ito. Maagang ginising ang mga estudyante sa pamamagitan ng tunog ng trumpeta lahat ay agad nagising dahil sa pananabik sa unang araw sa paaralan. Lahat ng kanilang uniporme ay nakahanda na at kukunin na lamang ito sa kanilang aparador maski ang mga sapatos at mga gagamitin nila sa kanilang pag-aaral. At ang kanilang pampaligo ay nakahanda na - Ang gagawin na lamang nila ay magpakasaya sa mga libreng bagay at serbisyo na kanilang makukuha dahil sa pagiging mag-aaral ng Aves.
Naunang natapos ang mga mga estudyante na galing sa mababang antas dahil na din sa sanay sila sa pag-gising at paggalaw ng mabilis tuwing umaga habang ang mga estudyante na galing sa mataas na antas ay nahuli dahil sa katagalan sa pag-aayos. Nahahalataang hindi sila sanay na kumilos na walang alalay tuwing umaga. Nakangiting pang-asar ang mga estudyante na nasa mababang antas dahil sa mga nahuling mayayaman na estudyante. Halata sa kanilang ngiti ang saya ng sila ay nahuli at nagmukhang tangang pumila para sa umagahan. Ang mga nauna sa pila ang makakakuha ng malaking porsyento ng pagkain sa umagahan at ang mga nahuli naman ang makakakuha ng tira-tira. Tuwang-tuwa ang mga estudyanteng maagang pumila dahil sa punong-puno ang kanilang mga lalagyanan ng pagkain at punong-puno pa ang kanilang baso ng sariwang gatas ng akab.
"Magandang umaga" nakangiting bati ng mga estudyanteng nauna sa mga estudyanteng nahuli. Ang mga nahuli ay naiinis sa mga nauna; Sinasadya talagang ipamukha sa kanila ang mga tira-tirang makukuha nila.
Sa kanilang pagkain nahati na naman sa dalawang grupo ang mga estudyante nakikita ito ng Qaira sa kaniyang salamin at hindi nya nagugustuhan ang kaniyang nakikita dahil halatang nagkakampihan ang mga estudyante.
"Hmmmmmm.... Hindi na rin yan magtatagal kapag nagsimula na ang pagsusulit" nakangiting usal nito bago isinubo ang kanyang pagkain.
Mapayapang kumakain si Diane sa loob ng kanyang silid habang kumakanta ang kanyang alagang ibon sa bintana.
"Gising ka na?" tanong ni Diane sa lalaking kakagising lamang sa kanyang kama. Umupo ito sa kama na naging dahilan nang pagtanggal ng kumot na naging saplot ng kanyang katawan habang sya ay natutulog. Kitang-kita ang magandang hubog ng katawan nito na sinawalang bahala lamang ni Diane sa kadahilanang nasanay na ito. Nakaupo lamang ito sa kama at ang kumot lamang ang tanging tumatakip sa kanyang ibaba. Kumakamot ito sa kanyang ulo na tumingin kay Diane na ngayon ay malapit ng matapos sa kanyang almusal.
"Maaga kang nagising?" inaantok na tanong nito rito at tumayo sa kama na naging dahilan upang matanggal ang kumot na tumatakip sa kanyang pagkalalaki. Kinuha nito ang kanyang kansunsilyo at ang kanyang pantalon at tuluyan itong sinuot. Inaantok na umupo sya sa upuan na nahaharap kay Diane at sinuot nito ang kanyang damit at sapatos.
"Hindi ka pa inaantok?" tanong ni Neksus dito at kinuha ang iniinom na kape ni Diane at ininom ito. Napairap na lamang si Diane at sinubo ang pagkain nito.
"Hindi" maikling sagot nito rito.
"Nagugustuhan ko na ang kwarto mo" Saad ni Neksus habang inaayos ang kanyang sarili. Napasandal sa upuan si Diane at pinagkrus ang kamay na tumingin kay Neksus.
"Pansin ko nga parang dati tuwing pagkatapos mo akong sipingan iniiwanan mo na agad ako sa silid ko at isang himala na ngayon pagkatapos natin gawin ang mga bagay na iyon ay tuluyan ka ng natutulog sa silid ko" natatawang tumingin dito si Neksus at hinigop muli ang kape ng dalaga.
"Hindi ba dapat masiyahan ka dahil hindi na kita binabalewala" nakangising saad nito at sinubo ang pagkain ng dalaga.
"Akala ko dahil sa namatay si Lia" napahinto sa pagnguya si Neksus at masamang tiningnan si Diane.
YOU ARE READING
ARKUS
FantasyIsang lugar kung saan maaaring maabot ang iyong mga pangarap. Isang lugar kung saan maaari kang magtagumpay o mamatay. Lahat ng magwawagi ay makukulong at Lahat ng matatalo ay magwawakas. Isang baluktot na sistema na papasukin upang makuha ang panga...
