Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas sa likod ng building hanggang sa mapahinto ako at napatingin sa papel na laglag mula sa bulsa ko.

Nangunot ang noo ko pero nang malaman na ito ang papel na binigay ng babae kanina ay nakaramdam ako ng samu't saring emosyon.

Dahan-dahan ko itong dinampot at binuklat. Binasa ko ang nakasulat dito.

Hindi pa ako handang magpakita sayo, Idalia. but, I know everything.
I'm ready to tell you everything once na handa na akong makipag sayo. You know who i am.

- S

It's Seven, ngayon naniniwala na ako.

Anong ibig mong sabihin sa alam mo ang lahat? Anong alam mo, Seven?

Papaalis na ako sa eskwelahan, nang makatanggap ng tawag mula kay Raquel.

Agad kong sinagot ang tawag.

"H-hell---" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng marinig ko ang hikbi nito sa kabilang linya. "Raquel, anong nangyari? bakit umiiyak ka?" sunod sunod na tanong ko pero iyak lang ang tanging naging sagot nito saakin.

"I-Idalia..." anito at tuloy pa din ang pag iyak.

Lalo akong kinabahan at ramdam ko na talaga ang lakas ng tibok ng puso ko, para nga itong kakawala na sa dibdib ko sa sobrang lakas.

"Ano ba talaga ang nangyayari, Raquel? sabihin mo nga sakin, kinakabahan na ako e." sabi ko. lumabas na ako ng University at nag simulang maglakad paliko.

"I-Idalia, i-i'm s-sorry." anito.

Lalong nangunot ang noo ko, pakiramdam ko maiiyak na ako kahit di ko pa alam ang nangyayari.

Huminto ako sa paglalakad. Nag simula nang mag panic ang kaloob-looban ko.

"Ano ba talagang nangyayari? please, sabihin mo sakin. Gulong gulo na ako kung ano ba talagang nangyayari at nagkakaganyan ka. Sabihin mo na quel, naiiyak na din ako e." sabi ako at nagpabalik balik na nag lakad, napahawak pa ako sa noo ko.

"I-Idalia, n-nawawala s-si I-Izak..." anito, agad nanlaki ang mata ko at nagbagsakan ang mga luha ko.

W-what?

"W-what? anong pinagsasabi mo Raquel? p-paanong nawala? e, d-diba kasama mo?" sunod sunod na tanong ko. No! hindi pwedeng mawala ang anak ko!

"I-I'm sorry..." yun lang ang tanging nasabi niya, halos takbuhin ko ang sakanyan ng trycicle at agad na sumakay.

Nang makadating sa condominium ni Raquel ay agad akong sumakay sa elevator, halos takbuhin ko na ang  condo unit niya nang makatuntong ako sa floor niya.

Nakabukas ang condo niya at agad akong pumasok at naabutan ko sa loob ang lulan ng luha na si Raquel, nakasabunot ito sa buhok nito.

Agad akong lumapit sakanya.

"Raquel, anong nangyari? bakit nawala si Izak?!" tanong ko, hindi na din ako mapakali, tinakbo ko ang itaas ng condo. Una kong pinasok ang kwarto namin ng anak ko. Nanlumo ako nang wala akong makitang Izak. Nang di makuntento at dumiretso naman ako sa kwarto ni Raquel lalo akong nanlumo nang wala akong makitang Izak. Kahit na sinabi ni Raquel na wala dito ay naiisip ko na baka nandito lang at hindi niya nakita.

Napasabunot ako sa buhok ko nababaliw na ako kakaisip.

Bumukas ng malaki ang nakatabig na pinto at pumasok si Raquel, agad itong umupo sa tabi ko at yumakap saakin.

"I-I'm sorry Idalia..." hingi nito ng tawad pero hindi ko siya pinansin, tumayo ako at tumakbo palabas ng kwarto niya, pumasok ako sa loob ng kusina. Walang Izak kahit sa sala ay wala din. Kahit sa mga imposibleng lugar dito sa loob ng kwarto na pwedeng mapaglagyan ni Izak ay pinuntahan at binuksan ko na. Kahit mga cabinet niya, No! hindi! ang liit ng anak ko kahit na malapit na siyang mag dalawang taon, kaya kahit saan ay pe-pwede siyang mailagay.

Nababaliw na nga ako kahit sa mga impossible siyang makita ay hinahanap ko pa din doon.

Naramdaman ko ang pagyakap sa likuran ko, tuluyan na akong napahagulgol.

"A-Ano ba talagang nangyari, Raquel?" tanong ko sa nanginginig na boses. "Bakit nawala si Izak?" tanong ko.

"Maupo muna tayo." anito sa pagitan ng pag singhot nito, inalalayan niya ako papunta sa couch dito sa sala.

Nakasandal ako sa sofa habang hinihintay siyang mag salita.

Nanginginig pa din ako sa kakaiyak, hanggang ngayon ay iyak pa din ako ng iyak.

"K-kanina dinala ko si Izak sa may sala, then pinaupo ko siya sa carpet habang naglalaro siya ng mga teddy bears don, naka-on yung TV. Maayos naman lahat, kiniss ko pa nga siya bago ako mag tungo sa kitchen." anito at hinawakan ang kamay ko.

"Medyo natagalan ako sa kitchen at nakalimutan ko siya tingnan-tingnan, wala naman kasi akong iyak na naririnig kaya akala ko okay lang siya, tanging TV lang ang naririnig." nag simulang mag si-tulo ang mga luha nito.

"Nung natapos na akong mag luto ay lumabas na ako then bumungad sakin ang tahimik na sala, bukas ang TV. nagkalat ang mga teddy bears na nilaro niya. p-pero walang I-Izak na nandoon." anito, agad niya akong niyakap at doon umiyak ng umiyak. humiwalay ito sakin.

"N-Noong pumunta ako sa may p-pintuan ay doon ko nakita na naiwang nakabukas ang pinto, nagtataka ako kasi paanong nabuksan iyon? ang tanging nakakaalam ng password ng condo ko ay ikaw lang. Idalia, I-I'm so sorry..." anito at humingi ng tawad.

Pero, masakit ngayon e. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Anak ko yun e! nawawala yung anak ko. Hindi ko kaya. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko, hindi ko alam kung umiiyak ba siya o kung nakadede na ba siya, o kung ayos lang ba siya? napapasabunot na lang ako sa buhok ko habang iniisip kung ano ng kalagayan ng anak ko ngayon, nakaramdam ako ng galit dahil sa ginawa ni Raquel, sana sinama niya na lang si Izak sa kusina hindi yung iniwan niyang mag-isa sa sala.

"Idalia, sorry na please...tutulong ako sa pag hahanap kay Izak. Patawarin mo na ako." anito at hinawakan pa ang kamay ko. Pero dahil sa galit na nararamdaman ko ay binitawan ko ang kamay niya at tiningnan siya.

"Tulungan mo akong mahanap ang anak ko, Raquel. para mapatawad kita dahil ngayon? gulong gulo ako! hindi ko alam ang gagawin ko! nawawala ang anak ko." nahihirapang sabi ko at napahagulgol na agad naman niya akong niyakap.

Agad pumasok sa isip ko ang sinabi kanina ni Sygred.

"I know everything, Idalia. Isa kang sinungaling. Baka isang kurap mo lang, wala na sa tabi mo ang anak mo."

Kailangan kong malaman kung saan nakatira ang Sygred Montanier na yan! alam kong siya ang may pakana nito!

Avoiding Mr. Professor (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now