"Wait! Seb! Ano ba? Kinakausap ko pa si Ma'am e!" anito, pero hinila na siya ni Sebastian. nagpapaumanhin na tumingin ito sakin, tumango at ngumiti lang ako. Nagpapadyak padyak pa si Elara na nagpatangay na lang sa paghila ni Sebastian sakanya. Nagpapaumanhing tumingin sakin si Sebastian.

Napailing na lang ako habang natatawa. Magka-ano ano kaya sila? I think may gusto si Elara kay Sebastian. Halata naman e. Hindi na nakakapagtaka.

Dahil kay Elara hindi na napakita ni Sebastian ang picture na kuha niya sa lalaking iyon, kahit gusto kong makita  ay meron pa naman sigurong bukas, hindi ba? at saka ang pretty at ang cute ni Elara. Natutuwa ako sakanya. Siguro kung buntis lang ako pinag-lihian ko na yon, ano bang iniisip mo Idalia? buntis buntis ka jan!

Nag simula na akong maglakad muli, umuunti na ang mga estudyante.

Habang naglalakad ako ay lumilipad ang isip ko, nang biglang may makabanggaan ako.

Nagulat ako ng makita ko ang isang ginang na nakaupo sa lapag. Nabagsak ito dahil siguro sa lakas ng pagkakabanggaan namin.

Akmang tutulungan ko ito, nang samaan ako nito ng tingin at itinabig ang kamay ko.

"Don't touch me!" Sigaw nito sakin, nag tinginan ang mga taong dumadaan ang iba ay huminto pa upang maki-isosyo.

"S-sorry po, h-hindi ko po sinasadya." agad kong hingi ng paumanhin pero hindi ako nito pinansin, at nang subukan nitong tumayo ay napaigik ito. Marahil sa sakit ng balakang. Agad akong nataranta at kahit ayaw niya ay hinawakan ko ang likod niya upang alalayan siya, pero pag sigaw lang sinukli nito.

"I said don't touch me!"

Napapikit ako, bakit ba galit na galit siya? nag hingi na ako ng tawad at iaalayan siya para makatayo siya pero ayaw nya. Wala na akong nagawa kundi lumayo sakanya.

"Hala, bakit nasa lapag si Ma'am Lucille?"

"Lagot."

"Ano bang nangyari?"

"Nagkabanggaan ata."

"This can't be! That's Lucille Montanier!"

Ang huli ang nagpaulit ulit sa isip ko, Lucille Montanier?

"You mean, the mother of Professor Montanier?"

"You don't know her Maxine? she's a famous designer for god'sake!"

"Aba, Malay ko ba! Hindi naman ako palabasa ng newspaper or magazine, di din ako pala-nood ng tv." dinig kong usapan ng magkaibigang babae sa likuran ko pero di ako nag abalang tumingin dahil natatakot ako sa pinupukol na tingin ng ginang saakin.

Siya ang ina ni Sygred?

Nanlaki ang mata ko at napatingin dito.

Dahan dahan itong tumayo at masama pa din ang tingin sakin.

Tumatakbong lumapit saamin si Sygred at agad nilapitan ang ina, agad niya itong inalalayan.

"Mom, What happened?" agad na tanong nito, nakita nito ang talim na tingin ng ina saakin at napalunok ito bago nag taas ng tingin sakin.

Nagulat pa ito nang makita ako pero maski siya ay tumalim ang tingin sakin.

"Idalia?" kunot noong tanong nito.

"Oh, I even dumped to this woman?” mapanutyang sabi nito at tiningnan pako mula ulo hanggang paa. “Small world.” dagdag nito at nakakainsulto pang tumawa.

Nainsulto ako sa inakto niya. All this time his Mom knows me? How come?

"Look, kahit ang anak ko ay galit sayo. I know what happened what year ago." anito.

"Really, huh? sinusundan mo ba ang anak ko dito? for what? para ibigay mo nanaman ang katawan mo? nakasira ka na ng relasyon, iha. matuto kang lumugar." anito, rinig ko ang bulong bulungan sa paligid.

Hindi naman madami ang mga natirang estudyante, pero may mga nakakakita at nakakarinig pa din.

Hindi pa din ako nag angat ng tingin, dahil aminin ko totoo ang kanyang mga sinabi, pero ang pag bibigay ng katawan ko? lasing ako ng gabing yon. hindi ko naman ginusto iyon. oo na, nakasira na ako ng relasyon pero pinagsisisihan ko iyon, pero ang magkaroon ako ng anghel na hindi ko inaasahan na dadating sa buhay ko? yun ang never kong ipagsisisihan.

"Alam mo iha, maganda ka e. Pero wala kang utak. Hindi ka marunong mag isip. I heard na nagkaanak ka daw. At, what? pinapaako mo sa anak ko? kahit na hindi siya ang ama? such a gold digger, bitch!" anito, doon na ako nag angat ng tingin.

"Hindi po totoo 'yan! saan niyo po nakalap ang mga ganyan? hindi totoo ang mga pinagsasabi niyo, and I'm not a gold digger. Kung yon ang inaakala niyo." sabi ko, napakuyom ang kamao ko.

Ang hina hina ko pa din, hindi ko alam na ganito pala ang unang pagtatagpo namin ng ina ni Sygred. Ansakit lang, hinuhusgahan niya ako at kahit hindi man sabihin ni Sygred ay alam kong hinuhusgahan niya din ako. Ano ba yung sinasabi niya sakin noong nakaraan? yung parang siguradong sigurado na siya na anak niya talaga si Izak, tapos ngayon ano? hanggat maaari ay lalaban ako, lalaban ako para sa anak ko.

"No, wala kang maloloko dito, iha. Alam ko ang mga takbo ng bituka niyo. Kaparehas ka lang ng magaling mong, ina. Parehas kayong mukhang pera!" doon na ako hindi nakapag timpi.

Sari saring emosyon na nararamdaman ko ay hindi ko na Napigilan ang sarili ko na sampalin ang ina niya. Nanginginig ang kamay ko nang makita kong napabaling sa kaliwa ang pisngi nito at pulang pula dahil maputi ito. Bakit parang kilala na niya ang mama ko? sa paraan ng pagkakasabi niya ay parang kilala na niya ito ng matagal at ano? mukhang pera si mama? no! nag tatrabaho sila ng maayos para sa gastusin namin. Alam ko kung paano naghirap ang magulang ko sa paghahanap buhay.

Lalong lumakas ang bulong bulungan. nanlaki ang mata ang mata ng ginang at nanlaki din ang mata ni Sygred sa gulat, agad hinawakan ni Sygred ang braso ko.

Mahigpit ang pagkakahawak nito sa braso ko, nananakit ang braso ko at pakiramdam ko ay mapuputol ito.

"Anong karapatan mong saktan si Mom?!" sigaw nito sakin.

Napapikit ako, isa lang ang naiisip ko ngayon. Lalaban na ako. Pag nalaman niyang anak niya talaga si Izak ay ipaglalaban ko na saakin ang anak ko kahit na umabot pa kami sa korte.

Dumilat ako upang salubungin ang matatalim na tingin ni Sygred.

"At wala din siyang karapatang insultuhin ako! ganyan ba kayong mayayaman? tingin niyo sa aming mga mahihirap ay mga mukhang pera? mahirap kami, oo! pero matitino naman kami. May pangarap kami e. pinaghihirapan namin iyon kahit na mahirap. ni-minsan hindi sumagi sa isip ko ang mang hithit ng pera sa mga mayayaman, at ikaw? anong nahithit ko sayo Sygred? yung jeans ba last year? alam kong sayo galing yon! jeans! tangina! ikaw ang nag bigay non! hindi ko hiningi sayo yon, at kailangan ko iyon upang hindi ako masilipan." matalim ko siyang tininginan.

"Bitawan mo ako." madiin kong sabi, matalim pa din ang tingin nito sakin pero binitawan na din naman ako. Tiningnan ko siya bago tingnan ang ina niya na matalim din ang tingin sakin.

"Wag ka pong mag alala, ibabalik ko ang jeans na ibinili ng anak niyo sakin. Para matigil na kayo kakasabi ng gold digger. Dahil hindi ako ganoong klaseng tao, wag po kayong mag husga agad. Hindi niyo ako kilala. " sabi ko bago sila nilagpasan.

Avoiding Mr. Professor (UNDER EDITING)Where stories live. Discover now