"Maiba ako, ikaw lady Keisha kamusta ka naman? May na iambag ka na ba sa Romulus?" Biglang tanong ni Hendrix kay Keisha na nagdulot sa kaniya ng pagkapahiya sa harap naming lahat.

Alam kong wala siyang masasagot dahil wala naman siyang ibang ginawa kung hindi humingi ng pera sa duke upang ipambili ng magagarbo niyang damit at alahas.

"Hmm... nag-aaral pa po ako your highness at hindi ko po ako handa upang magsimula ng kahit anong negosyo," sagot niya at napatawa naman saglit si Hendrix.

"Sabagay, isa pa, bagay rin sayo na manatili sa silid mo at magmistulang manika dahil hindi bagay sa 'yo ang magtrabaho sa ganda mong iyan," sagot ni Hendrix at ngumiti sa harap ni Keisha, kitang-kita ko kung pano humigpit ang kapit ni Keisha sa tinidor na hawak niya at ang pagpipigil niya ng galit sa harap ng crown prince.

Kung sa ibang babae 'yun na walang alam ay paniguradong matutuwa sila sa mga salitang iyon, pero alam ni Keisha ang ibig sabihin ng crown prince, pinapahiwatig lang nito na para siyang isang manika na maganda lamang at walang silbi.

Natahimik ng ilang minuto si Keisha at iniba naman ng Duke ang usapan, nag-usap kami tungkol sa iba pang mga plano para sa empire at sa border, tinatanong na rin nila ang tungkol sa ipapangalan ko sa kastilyo na 'yun at sa lupain na sakop ko pero hanggang ngayon wala pa rin akong na iisip na pangalan para rito.

Natapos ang hapunan at bumalik ako sa loob ng aking dating silid para magpahinga at makapagpalit na ng damit pangtulog,  pinaghandaan din ng Romulus ng kanilang matutulugan ang crown prince at si Diana kaya naman pagtapos kong makaligo ay dumaretsyo ako sa kwarto ni Diana.

"Viggo, puntahan ko lang si Diana ah," sabi ko sa kaniya at tumango naman siya saka sumalampak sa sofa.

"Sige matutulog lang ako rito," sagot niya at tamad na tamad humilata saka naghikab.

Mukhang mabilis na mapagod si Viggo dahil madalang ko na rin siya mapainum ng dugo ko dahil sa sobra akong naging abala sa mga lumipas na araw.

Kumaway ako sa kaniya at sinara ko ang pinto saka ako naglakad papunta sa kwarto ni Diana pero hindi pa ko nakakalayo sa aking silid ay nakasalubong ko na agad si Keisha na nakatayo malapit sa gilid ng hagdan, masama siyang nakatingin sa 'kin na para bang may ginawa na naman akong kasalanan sa kaniya.

Naglakad ako dare-daretsyo dahil mas mabuti nang iwasan ko siya kesa naman sa magdulot na naman siya ng ikakairita ko sa kaniya ngunit dahil sa paakyat ako sa hagdan ay agad niya kong hinarang at tinignan nang masama.

"Ano na naman ba Keisha?" tanong ko sa kaniya at parang wala siyang naririnig at patuloy lang na nakatingin sa kin nang masama.

"Saan mo nakuha ang impormasyon na 'yun? Sino ang kasabwat mo para malaman mong may minahan na natatago sa makapal na miasma na 'yun?" inis niyang tanong at halata sa mukha niya ang inggit dahil sa natatamo kong kasikatan at kayaman ngayon, lahat ng atensyon ng mga tao ngayon ay na sa akin, hindi lang dahil sa nakuha ko ang pabor ng royal family, kung hindi dahil na rin  sa kayamanan na natatamasa ko ngayon.

Kung hindi ako nagkakamali halos lahat ng mga pamilya ng kaibigan niya ay nagpadala sa 'kin ng liham na nais daw nila maki-negosyo sa 'kin, tila ba lahat ng kakampi niya ay isa-isa nang lumilipat sa sa 'kin.

Unti-unti ka nang nawawalan ng lakas at kinang Keisha, unti-unti ko nang napuputol ang humahaba mong sungay.

"Pasensya ka na Keisha pero walang nagsabi sa 'kin, gusto ko lang matanggal ang miasma na 'yun bago pa 'to umabot sa kastilyo ko kaya iyon! Bonus na lang ang napakaraming kayaman sa loob ng kuwabe na nagtatago roon," sagot ko sa knaiya sabay ngiti at tulak sa kaniya para umalis siya sa dadaanan ko.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now