"Mag-umagahan na kayo at magpahinga, ipapalinis ko na ang natira sa ibang katulong," utos ko sa kanila at sabay-sabay silang napaluhod dahil sa panlalambot habang paulit-ulit na nagpapasalamat sa 'kin.

Hindi ko sila nilingon, dahil alam kulong kailangan ko pa silang pahirapan sa susunod para magkaroon sila ng takot at pumanig na sa 'kin.

Naglakad kami ni Viggo palabas ng silid aklatan at nagtungo na ko sa loob ng aking opisina, wala pa si Wilbert kaya naman si Viggo ang tumulong sa 'kin maghanda ng mga kailangan kong dokumento.

"Tinitignan ko pa lang 'yung gagawin ko napapagod na ko," reklamo ko kay Viggo at inilipat ang isang pahina ng mga papeles pero agad akong napaimpit nang masugatan ang daliri ko.

"Aray," bulong ko at tinignan ang daliri ko, lagi ata akong na pa-paper cut ah.

"Akin na," na bigla na lang ako nang kunin niya ang kamay ko at isubo ang hintuturo ko.

Dinilaan niya 'to at tumingin sa 'kin kaya na mula ako, hindi ko kasi maiwasan mapatulala sa kaniya pagdinidilaan niya ang balat ko dahil ang sexy niya sa paningin ko.

"Magandang umaga my lady!"

Napalingon kaming dalawa ni Viggo sa pagpasok ni Wilbert at Miranda, nahuli nila sa akto Viggo na dinidilaan ang daliri ko.

Napatulala si Wilbert at agad na yumuko sabay lapit sa pintuan at akmang lalabas dito. Samantalang si Miranda naman ay napahawak sa bibig niya at parang kinikilig.

"Ah... pasensya na my lady hindi ako kumatok," sabi ni Wilbert at akmang lalabas na kasama ni Miranda pero inawat ko sila.

"Ah nagkakamali kayo, nahiwa kasi ng papel ang kamay ko at inalis niya lang ang dugo," awat ko sa kanila at para namang nakahinga nang maluwag si Wilbert at si Miranda naman ay nawala ang ngiti sa mukha.

"Awts sayang akala ko may kakaiba na hehehe," inosenteng pang-aasar ni Miranda kaya agad siyang siniko ni Wilbert.

"Naku my lady! Patawarin niyo po sana ang bibig ng batang ito, hindi niya alam ang sinasabi niya," sagot ni Wilbert at nagtataka naman si Miranda, halatang wala siyang alam sa kung anong estado ang nababagay sa binibini at malaking kahihiyan kung pumatol ang isang noble lady sa butler nito o sa isang commoner.

"Hu? Anong ginagawa ko sir Wilbert?" Inosenteng tanong naman ni Miranda at tumayo ako saka umiling kay Wilbert.

"Ayos lang, hindi ako galit sa kaniya at wala naman siyang ginawang mali, siguro turuan mo na lang siya ng tamang etiketa pati na rin ang sarili mo Wilbert, matuto kang kumatok," sabi ko sa kaniya sabay ngiti at nahihiya naman siyang tumango.

Pinaghanda ako ni Miranda ng maiinum habang nagtatrabaho at kumain na rin ako ng pananghalian sa opisina saka ako bumalik sa silid at nagpalit ng komportableng damit para sa paglalakbay.

Muli akong nagpaalam kala Wilbert na pupunta ako sa baryong pinuntahan ko nung nakaraang linggo at katulad ng reaksyon ni Viggo ay pinigilan niya rin ako sa pag-alis ko.

Pero katulad din ni Viggo, bigo siya para pigilan ako dahil kahit anong sabihin at pilit nila ay pupunta at pupunta ako sa lugar na 'yun.

Dahil pakiramdam ko na roon ang kailangan kong sagot sa dahilan bakit ako narito sa panahon na 'to.

Nang makarating kami sa maliit na baryo sa gilid ng gubat at muli silang na gulat sa pagbalik ko at sa pagsama sa 'kin ni Viggo na siguro ay akala nila'y patay na.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now