Agad siyang tumango sa harap ko kahit na kabado sa kaniyang gaagwin, ngumiti lang ako sa kaniya at humalukipkip habang nakasandal sa table ko at tinitignan siyang umalis.

"Talagang gagawin mo ang bagay na 'to?" Tanong naman ni Viggo at lumapit sa 'kin, napatingin ako sa kaniya at ngumiti sa harap niya.

"Planado ko na 'to, hindi ba't sinabi ko naman sa 'yo lahat ng plano ko?" Sabi ko sa kaniya at tumango naman siya sabay hawi sa iilang hibla ng buhok ko na tumatakip sa mata ko.

"Alam ko, ayoko lang may mangyari sa 'yo," sagot niya na kinamula ko, dahil habang tumatagal kaming dalawa sa ganitong set-up ay parang lalo siya nagiging open sa nararamdaman niya para sa 'kin na damang-dama ko naman.

Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman ang pagtingin sa 'kin ni Viggo, wala pa lang talagang kasiguraduhan dahil pareho naming iniisip ang kalagayan ng isa't isa.

Malaking usapan kung malaman nilang naging nobyo ko ang butler ko na walang titulo. Malaking usapan ito sa high society na maaring makasira sa 'kin na ngayon ay nag-uumpisa pa lang gumawa ng pangalan bilang noble lady.

"Hayaan mo, kontrolado ko ang plano, kailangan ko lang salain ang mga taong pagkakatiwalaan ko," sagot ko sa kaniya at tumango naman siya.

Agad na naghanda ang mga katulong sa salo-salo na gaganapin mamaya, nagpaluto ako ng maraming pagkain para sa lahat ng mga trabahor na nasa loob ng kastilyo.

Nag-imbita rin ako ng ilang musikero para makadagrag sa pagsasaya na gagamapin para mamayang gabi. Outdoor ang kasiyahan dahil mas malaki ang lugar sa labas para sa lahat ng mga trabahador sa loob ng kastilyo.

Bumaba ako sa hagdan at nakitang abala ang mga katulong sa paghahanda ng kasiyahan mamaya, pansin ko ang ilang sulyap sa 'kin at ang mga tingin na parang kabado kung mamahuli.

Halata rin sa mga mukha ng ibang katulong ang galit at kaba, tila ba nalaman na nila ang plano ko para mamaya.

Unti-unti ko silang sasalain hanggang makita ko kung sino ang maaari kong pagkatiwalaan sa kanila, at sino man ang matira ay bibigyan ko ng malaking halaga kapalit ng loyalty nila.

Mahirap na makahanap ng mapagkakatiwalaang tao. Sa ngayon si Wilbert at Viggo pa lang ang maituturing kong mapagkakatiwalaan ko at nais ko sanang madagdagan pa ito.

Dahil ayoko naman magtagal sa lugar na 'to ng hindi maayos ang pakikitungo ko sa bagong pamilya na makakasama ko.

Kailangan ko ng mga tauhan, dahil ang unang mapagkukunan mo raw ng kayaman ay ang tulong na makukuha mo sa mga taong gumagawa at nagtatrabaho sa 'yo.

Kaya kung nagbabalak akong palakihin ang negosyo na itatayo ko ay kailangan ko muna makakuha ng mga taong hindi lang mahuhusay kung hindi mapagkakatiwalaan pa.

"My lady handa na po ang piging sa hardin," sabi ni Wilbert na mukhang kakatapos lang tignan ang ginawa nilang pag-aayos sa hardin kaya naman tumango ako at sumunod kami ni Viggo sa paglalakad patungo sa lugar.

Pagtingin ko sa buong lugar ay nakita ko ang mahaba at tatlong limesa na nasa harapan ko. Lahat iyon ay puno ng mga pagkain at nakaharap sa isang malaking bonfire na nagbibigay init sa lugar dahil ramdam na ngayon sa hangin ang lamig ng klima.

May tinayo rin silang apat na poste sa bawat sulok ninto para doon isabit ang mga palamuti at ilang mga ilaw para sa paligid. Sa gilid naman ay na roon ang bandang aking inupahan na nag-aayos na ng kanilang tutugtugin.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now