Viggo, ito ba talaga ang gusto mong mangyari? Ito ba talaga ang totoong nararamdaman mo?

Parang umeeko sa isip ko ang mga tanong na 'yun habang lumuluha at ginagawa pa rin ang bagay na tinatago ko sa kinaibuturan ng puso ko.

Napatitig ako sa labi niya, ito siguro 'yung bagay na nais kong gawin paulit-ulit sa babaeng ito na dapat ay ginagalang ko.

Pero dahil sinira na ng itim na usok na 'yun ang konsensya ko at nilabas lahat ng baho ko sa katawan ay hindi ko na maitatanggi pang nais ko talagang halikan siya.

Ang babaeng nasa harapan ko ngayon na sinasaktan ko ng paulit-ulit.

Kinagat ko ang ibabang parte ng labi niya at sinakop ito ng halik ko, ramdam kong hirap na siyang huminga sa malalim na halik na 'yun ngunit hindi ko pa rin makontrol ang sarili kong pigilan ang nais ko.

Ang dapat ay matamis na halik na pinagsaluhan namin sa hardin ay parang binaliwala ko lang dahil sa hindi ko makontrol ang sarili ko ngayon.

Gusto ko na lang mamatay at matapos itong kahihiyan at paglapastangan ko sa babaeng nagbigay sa 'kin ng pangalawang pagkakataon mabuhay ng normal.

Pero bakit ganito? Binubulong ng isip ko na kung mamamatay ako ay mabuti nang isama ko na rin ang babaeng gusto ko upang wala nang iba pa ang makaangkin sa kaniya.

Ito ba talaga ako? Ganito ba talaga kadilim ang pag-iisip ko?

Tumulo na lang ang luha ko nang makita kong hawak ko ang leeg niya habang nakatapat siya sa labas ng bintana.

Sino mang mahulog sa ika-apat na palapag na ito ay paniguradong mamatay agad-agad.

Sa ganitong paraan hindi niya mararamdaman ang pagkamatay niya at sa ganitong paraan makakalaya na ko sa kadenang nagdudugtong sa 'ming dalawa at kasama niyang maglalaho sa mundo.

Iniisip ko, hind ba't magandang ideya ang bagay na 'yun?

Pero bakit ramdam ko ang mainit na luha na kumakawala sa mga mata ko habang nakatitig sa babaeng nasa harapan ko.

Hawak niya ang braso ko, hindi siya pumapalag sa pagkakahawak ko sa leeg niya. Nakatingin lang siya sa 'kin na tila ba humihingi ng paumanhin sa ano mang bagay na nagawa niya.

Pero bakit? Bakit ikaw pa ang humihingi ng patawad kung ako itong dahilan bakit nasa sitwasyon ka na katulad ninto?

Bakit ka nakangiti sa harap ko kahit hirap na hirap ka nang huminga at malamig na ang mga palad mong nakakapit sa braso ko?

Naiinis ako Kiera! Naiinis ako dahil bakit naging mortal ka at naging master ko! Bakit naging bampira ako at alipin mo?

Hindi ba pwedeng maging parehong nilalang na lang tayo na pwede magkasama at maging masaya?

"Ayos lang Viggo," bulong niya at halos nais ko nang yakapin siya at habkan pero iba ang ginawa ng aking katawan at binitawan ang kaniyang leeg sa pagkakahawak.

Hindi ko na siya tinignan pa, kung pano siya mahulog o lumagapak sa lupa. Agad akong tumalikod sa kaniya pero pilit kong nilabanan ang katawan ko at kinontrol ito ayon sa gusto ko.

Hindi ako magpapakain sa sarili kong madilim na pagnanasa! Hindi ko hahayaan mamatay ang babaeng nagturo sa 'kin pano ngumiti.

"Kiera!" Sigaw ko at mabilis na tumalon sa mataas na kinalalagyan ko at habol siyang sinalo bago pa lumagapak ang katawan niya sa simento.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now