Ngunit hindi pala ito ganu'n kadali dahil naging hayok ako sa dugo at hindi kayang kontrolin ang gutom ko rito at doon na buo ang kontrata ko sa aking master bilang kaniyang vampire slave.

Naiiba kami sa lahat ng bampira na aming nakilala dahil sa manor ni Duke Conrad ay hindi normal na tao ang nagbibigay samin ng dugo kung hindi isang pureblood vampire na katulad namin at dahil doon na iiba ang lakas namin na siyang bigay ng Duke.

Akala ko sa mga oras na 'yun perpekto na ang lahat, sa lumipas na labing apat na taon ko sa mansion ng Duke ay  nabubuhay kami ng normal at masaya nang sama-sama ngunit dumating ang gera at biglaan ito na hindi kami nakapaghanda.

Tanda ko habang sumusiklab ang apoy sa buong paligid ay nakita ko siyang may sinasambit sa kaniyang bibig bago niya ko itulak sa loob ng kabaong at ikulong doon.

Sa salamin na lalagyan na iyon ay kita-kita ko siyang ngumiti bago niya ko ihulog sa malalim na taguan sa ilalim ng kaniyang silid at muling sinambit ang pangalan ko sabay pasasalamat sa 'kin bago tuluyan maputol ang kadena na nagdudugtong sa 'min dalawa saka ako pinawian ng malay at paggising ko ay nasa ibang luagr na ko at muling nakakadena sa hindi ko kilalang babae.

Ngayon na binabalikan ko ang lugar kung saan ko nakamit ang unang kalayaan ko ay hindi ko maiwasan isipin at balikan tanaw ang mga nangyari noon.

Napalingon ako sa babaeng kasama ko maglakad sa makalat na daan na noon ay simentadong at dinadaanan ng maraming karwahe.

Nakatingin lang siya sa buong paligid habang hawak ang kaniyang dibdib at sinusuri ang hindi pamilyar na lugar sa kaniyang harapan.

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba lahat sa kaniya at ikukwento ang tungkol sa buhay ko dahil hindi ko naman sigurado kung nais niya bang malaman o kailangan kong ibahagi sa kaniya.

May pakiramdam din ako na may tinatago siya sa 'kin na lihim, mga bagay na ayaw niyang aminin at banggitin pero hahayaan ko na lang siyang magsalita sa 'kin o hindi kaya ay mismo ko itong mauungat.

"Dito ka nakatira noon?" Tanong niya habang naglilibot kami sa noon ay maganda at mayamang pamayanan ng Moonvault na ngayon ay hindi na makikitaan ng kahit anong buhay at paglago.

Nagkalat ang mga basag na bubog at iba pang mga gamit na nasira ng gera, pati ang mga sira-sirang mga bahay ay kitang-kita mo na para bang maiisip mo pano ito tamaan ng mga kanyon noon.

Tumigil ako sa paglalakad at napatitig sa maliit niyang paa na puting-puti, yumuko ako at bahagyang ibinaba ang katawan ko.

"Hoy! Sampa!" Utos ko sa kaniya at nakita ko lang siyang lumingon sa 'kin nang may masamang tingin pero sinunod niya naman ang utos ko at sumampa sa likod ko sabay buhat ko sa kaniya sa aking likuran.

"Nakalimutan ko magdala ng sandals hahaha," sagot niya at nagbuntong hininga na lang ako habang ramdam ko ang init ng katawan niya sa likuran ko at ang paghinga niya sa likuran ng tenga ko.

Minsan iniisip ko kung siya ba talaga ang villainess na tinutukoy nila, na parang lahat ng usapan at mga balitang nakadikit sa pangalan niya ay hindi totoo dahil ang tanging nakikita ko lang sa harapan ko ay isang mahinang babae na inosente.

Isang babae na parang mabihis mababasag kapag hinawakan mo, ngunit hindi ko maitatanggi na itong babae na ito rin ang nagbibigay kilabot sa katawan ko na hindi ko naramdaman noon.

Blood Contract with her Royal VillainessWhere stories live. Discover now