Pagkatapos niyang maligo at ayusin ang sarili, nagtungo siya sa opisina niya at tinawagan si Valerian Volkzki, ang may-ari ng AirJem Airlines.

"Hey, Storm," ani Valerian sa kabilang linya ng sagutin nito ang tawag. "To whom do I owe this fucking call?" Puno ng sarkasmo ang boses nito.

Itinirik niya ang mga mata. "Volkzki, I need transportation for my car spare parts. Magbabayad ako kahit magkano. Kailangan ko 'yon sa makalawa."

"Storm, tao lang ang pinapasakay ko sa mga pag-aari kong eroplano. Kung car spare parts ang ipapa-transport mo, call Iuhence Vergara. Kahit punoin mo pa ng spare parts ang mga barko niya, ayos lang 'yon."

Naupo siya sa swivel chair at nagsalita. "Volkzki, hindi naman ganoon kabigat 'yon. Kaunti lang 'yon. Mga sampong kilo lang ang bigat. Kailangan ko na ang mga iyon sa makalawa kaya nga tinawagan kita."

Nagpakawala ng buntong-hininga si Valerian. "You owe me for this, Storm. Nasaan ba ang mga cars spare parts mo?"

"Sa Japan—"

"Oh, hell no, Storm. I don't do Japan," putol nito sa iba pa niyang sasabihin. "Ayon sa history, sinakop tayo ng mga hapones at hindi maganda ang ginawa nila sa mamamayan ng Pilipinas. At dahil doon, hindi ko pinapayagan ang airline ko na pumasok sa Japan. So, bye. I'm not the one you need." Pagkasabi n'on ay pinatay nito ang tawag.

Napailing-iling nalang siya at tinawagan si Iuhence Vergara, ang may-ari ng Pacific Pearl Shipping. Mukhang wala talaga siyang choice kundi padaanin sa dagat ang mga cars spare parts na binili niya sa Japan. Loko naman kasi itong si Valerian. Hindi maka-move on sa history, e. Pakiramdam naman nito ay purong Pilipino ito, e, samantalang one fourth lang yata ang Pilipinong dugo na nananalaytay sa ugat nito.

Nagpakawala siya ng isang malalim na buntong-hininga ng sagutin ni Iuhence ang tawag niya.

"Hello, Vergara," aniya.

"Hello, my man," ani Iuhence. "May kailangan ka?"

"I need transportation for my car spare parts. It's in Japan."

"Kaalis lang ng barko ko pa-Japan. Sa susunod na linggo pa ang next shipment. Yung ibang barko ko rito, hindi sila dadaong sa Japan kasi iba naman ang bansa na dadaongan nila." Wika ni Iuhence at napalatak siya. "Makakapaghintay ka pa ba?"

Mahina siyang napamura. "Kailangan ko ang mga spare parts na 'yon sa makalawa." Mahina siyang napamura. "Damn it."

"Well, you don't have a freaking choice—oh, you do! Why don't you call Volkzki?" Suhestiyon ng kausap. "Baka naman payagan ka niyang isakay ang mga car spare parts mo sa eroplano niya."

Nagpakawala siya ng malalim na hininga. "Hindi maka-move on si Volkzki sa history at ayaw niya sa mga hapon."

Tumawa ng malakas si Iuhence. "Well, Storm, wala kang ibang pagpipilian kundi ang maghintay."

Ayoko nang naghihintay. 'Yon nalang palagi ang ginagawa niya. Maghintay sa mga bagay na hindi naman mangyayari.

"Fine," sabi niya. May pagpipilian ba siya? "Sige, susubukan kong tumawag sa iba kung matutulungan nila ako," aniya at pinatay ang tawag.

Huminga siya ng malalim at pinindot-pindot ang dial pad para tawagan si Cali.

"Hello, Cali?" Aniya.

"Storm!" Cali exclaimed on the other line. "Why you called, dude?"

Napabuntong-hinga siya bago nagsalita "May kakilala ka ba na airlines na nagpapadala ng car spare parts other than AirJem? Mukhang hindi pa kasi nakaka-move on si Valerian sa mga hapon kaya wala siyang eroplano na patungong Japan. Kailangan ko kasi ang mga spare parts na yon sa makalawa. Kaunti lang naman 'yon, e. Pwedeng ilagay sa duffel bag."

POSSESSIVE 4: Lander StormWhere stories live. Discover now