invitation

15 2 0
                                    

Happy reading❤

Sa madilim na lugar sa kung saan napupuno ng ingay at nagsasayawang ilaw ay nandito ako ngayon kasama ang iilan kong mga kaibigan na sina Beth at Leren. Nandito kami ngayon sa isang local bar malapit sa construction firm na pinagtatrabahuan namin.

Pa despidida na daw sa akin kasi malapit na akong ma transfer sa abroad bilang isang architect sa syudad na patatayuin sa Egypt. Kaya ito na nga kami at nag pakalasing at nag enjoy na sa huli naming pagsasama.

Ang mga loka loka kong kaibigan ay andun na sa sa kung saang parte ng bar at mukhang ako na lamang sa aming tatlo ang matino pa ang pag iisip. Minsan nga nag tataka ako kung despidida party ko ba talaga ito o excuse lang nila na mag nigthout? Iwanan ba naman ako dito sa table namin?!?!

Si Beth ayun kasama ng jowa niya na naghaharutan sa dance floor. Para ngang nang iinggit sa mga walang jowang kagaya ko kung makapag harutan yung dalawa. While my friend Ren the out going in our trio, ayun nakahanap ng papa at mukhang meroong mabibinyagan na naman ata.

Masaya naman ako na masaya ang mga kaibigan ko pero, hindi ko magawang magsaya ngayon. Imbis na magsaya sa despidida party ko, ito ako nagpapakalunod sa alak mawala lang ang sakit na nararamdaman ko.

Bakit dahil iyon sa isang liham na natanggap ko kani-kanina lang.

You are invited to the holy union between Shawtel and Silvestre.....

Ang sakit lang talaga na ikakasal na pala ang taong matagal mo nang gusto at mahal at hindi iyon sa iyo.....

Maliban kasi sa mga lokarit kong mga kaibigan, ay meron pa akong isang bestfriend. Bestfriend ko siya simula pa lang pagkabata habang sina Beth at Ren ay nakikilala ko na dito sa maynila dahil iisa ang kompanyang pinagta-trabhuan namin.

Nahihilo na ako dahil sa dami ng alak na nainom ko. Sino ba naman ang malalasing kong limang bote na ng tequila ang naubos ko ng mag isa. Kahit masakit ay inilabas ko na naman ang invitation letter na natanggap ko mula sa kanya. Paulit-ulit ko itong binasa hanggang sa na manhid na ako sa sakit na nararamdaman ko sa dibdib ko.

Bakit ba kasi manhid manhid niya?!?!? Tapos ito ako si tanga, naniwala naman at mag isang umaasa sa pangako niyang matagal na niyang binitawan at sa tingin ko ay kinalimutan na niya. Lintik na pangako yan! Nangako pa siya kung hindi na naman niya tutuparin. Bakit ba kasi umasa ako sa manhid na yun? Ah alam ko na kasi tanga akong umiibig sa kanya.

Naiinis na laman akong tumongga ng bote ng tequila. Ramdam ko ang hapdi ng biglaang pag pasok ng alak sa lalamunan ko. Napaluha at napaubo ako. Pero wala parin iyon sa sakit ng puso na nararamdaman ko. I was at my 7th bottle of tequila when Beth texted me.

"Naku sorry Xiah (pronounced Sha), this is Hance iuuwi ko na si Beth dahil sabog na sabog na talaga siya kaya sorry kung maiiwan ka naming mag-isa we really need to go home, but still comgrats on your work. Btw I saw Ren with a guy so I think your going home alone. Sorry talaga Xiah babawi na lng kami next time."

*chuckles*
Iba talaga kapag may jowa kang mabait ang swerte talaga ni Beth sa kanya. Tapos ang ang brujang Ren na yun nagkakita lang ng papa iwanan ba naman ako?!?!?

Kahit pa giwang giwang na ako ay nagawa ko pang tumayo mula sa table at kahit lasing ako ay pinilit ko nang umalis sa bar na to. Pero dahil nga lasing ako wala pa akong ilang metro mula sa pwesto ko ay bumagsak ako.

Pero swerte ko dahil meroong matipunong mga brasong sumalo sa akin. Medyo nalalabo ang paningin ko dahil sa kalasingan kaya ilang segundi ko pa siyang tinitigan ng maging klaro ang paningin ko.

Napangisi ako sa gwapo ng lalaking sumalo sa akin.  He has a clean and soft jaw line. Pinkish kissable lips, matangkad na ilong mga kilay na para bang perpektong iginuhit sa kanyang mukha at mga matang kulay tsokolateng nakakatunaw ng pante! Sheyte! Nang nagsaboy si Lord ng sex appeal mukhang isa siya sa swerte nakasalo nito.

the BestmanWhere stories live. Discover now