"Nga pala coach, ilang taon kana nga ulit?" pag-iiba sa usapan ng binata sa naunang nagpa-usapan habang parehong may bitbit na mga bote ng beer sa dulo ng silid ng bar.


"Bakit?"


"Wala lang, kasi nagtataka lang ako kung bakit hanggang ngayon wala kapa ding girlfriend? eh pogi naman kayo, mayaman, matangkad, maputi eh sa pagkakaalam ko campus crush ka nong college mo eh!"




"Baliw ka talaga, naalala ko tuloy si Luke sayo!"


"Luke?" Pagtatanong ng binata.


"Yups, he's my buddy since high-school at college actually he's also a coach sabay kami grumaduate pero, alam kung hindi iyon yung gusto niyang Career"


"So saan na siya ngayon?"


"Andoon sumama sa Girlfriend ang huling balita ko siya na daw ngayon ang namamahala sa ikta-ikartyang lupa sa probinsya ng nobya!"


"Marami ka sigurong kaibigan Coach?"


Uminom ng beer si Kaiden saka nagsalita "Hmm. Tara na at ihatid na lamang kita sa inyo wala ng taxi ganitong oras"

Inubos na nito ang laman ng bote bago tumayo sa kinauupuan.


"Wag na Coach, magbubus nalang ako, medyo malayo bahay namin"


"Kaya nga ihahatid kita kasi malayo bahay niyo, sakay!"

Wala ng magawa ang binata kundi sumakay sa bukas na sasakyan ni Kaiden na ito mismo ang may hawak sa pinto at nagsarado ng nakapasok na ito, umikot naman siya at pagpasok ay mabilis na pinaandar at pinaharurot.






Pasado alas deis na naka balik ng condo si Kaiden at wala pa ding pinagbago sa ginagawa araw-araw. Pagkatapos maligo ay uminom ito muna ng vitamis bago humiga sa kama para magpahinga.

Kinabukasan nagising siya sa pagdila sa pisngi ng alagang aso. Isang German Dog.

"Arghh Spike! stop it!" Pikit mata niyang wika pero tuloy-tuloy lang ang alagang aso hanggang sa napilitan siyang ibukas ang mga mata at ngumiti sa kakulita.

"Alright alright!"


Bumaba na sa kama si Spike at umupo para antayin na bumangon si Kaiden.

Sa kusina ay nilagyan niya ito ng dog food saka gatas sa gilid bago bumalik sa upuan at humigop ng gatas din sa baso.

Ilang sandali ay tumunog ang telepono niya sa gilid bumungad ang pangalan ng mama niya, sinagot niya ito.

"Oh mom?"

Agad siyang bumaba ng condo at umalis, pagdating ay pinarada niya sa gilid ng kalsada ang kotse at saka bumaba. Sa labas pa lamang ay kita na niyang maraming tao pumasok at lumalabas, at ngayon ay napapangiti pa din siya sa signboard at pangalan ng bakeshop ng mama niya.


"Baekshop"

Pinasok niya sa bulsa ang susi at tumawid ng kalsada. Tumunog ang bell sa pinto sa pagbukas niya at nakipagsiksikan sa mga tao hanggang sa makarating sa counter kung nasaan ang ina.

"Oh ma ba't andaming tao may problema ba?" Wika niya agad.

Pero imbes na sumagot ay agad siyang inabutan ng asol na apron.

"Suot mo, sayang costumer"


"Ano?" Kunot nuo niyang tanong habang hawak ang binigay.


"Bilis!" Malaking matang utos ng ina sa kanya, wala siyang magawa kundi isuot at tinulungan ang ina sa pagasikaso sa mga bumibili.


"Nasaan na ba kasi ang dalawang tumutulong dito?"


Gentle Game 2: Game OverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon