'Good to her my ass!hahaha'

'ayos ah!yung daga na mismo ang kusang lumalapit sa lason!'

'She's so mukhang Frog!eww'

'yan ang iba sa mga naririnig ko sa paligid ko habang tinatahak ko ang daan patungong likod.Im used to it.Pero hindi naman ibig sabihin noon na hindi na ako nasasaktan,Obviously Im hurting.

"Class QUIET!!!!!!"

Malakas na sigaw ni Ma'am ang umalingaw-ngaw sa buong kwarto na siyang nakapag-patahimik sa lahat.Thankyou for saving me just this once,ma'am.

"Don't you know how to respect?" mahinahong saad ni maam at napapikit pa.Umupo nalamang ako ng tahimik sa nasilayan kong bakanteng upuan sa likuran at tumungo.


Hindi naman nagsi-imikan ang lahat at minabuti na lamang na itikom ang mga bibig nila.Hindi ko mapigilan ang mapakagat ng labi at mapapikit ng mariin.

"I don't tolerate that kind of action,naturingan kayong star section,pero ang mga ugali ninyo ay mas masahol pa kayo sa last section?!"biglang napayuko ang karamihan sa muling pagsigaw ni ma'am na halos makapag-pasira na nang mga salamin sa kwarto,

"Sorry ma'am"

"Hindi ninyo kailangan humingi saakin ng tawad,kung meron man kay Ms.Shin dapat 'yon"medyo mahinahong sabi ni ma'am at binalingan ako ng tingin,nagka-salubong naman ang tingin namin nito.

"Sorry" napabaling ako ng tingin sa mga kaklase kong nagsorry sakin ngunit mababakas parin ang masamang tingin na ipinupukaw nila saakin.Napahinga na lamang ako ng malalim at muling tumungo.

"A-ayos lang"ani ko,kita ko naman ang pang-iirap na ginawa ng lahat saakin at mga tingin nilang masasama.Iba na ang pakiramdam ko.

Nagsimula na magsalita si ma'am sa harap pero ni isa ay walang pumapasok sa utak ko.Kinakabahan ako,iba ang pakiramdam ko.

Nang ilibot ko ang mata ko sa buong silid ay hindi ko maiwasan ang magulat ng masilayan ko ang pamilyar na mukha ng isang lalaki.Namamasa na ang palad ko sa kaba na nararamdaman ko,ito na ang simula.

"HI,YOU'RE MAXINE right?" pag-pa-pakilala ng isang babaeng lumapit sa akin.Maganda siya,maputi,matangos ang ilong,at may makipot at mapupulang labi.Tinanguan ko naman ito at umiwas ng tingin,maybe she's one of them.

Ipinagpatuloy ko nalamang ang paga-ayos ng gamit ko at inilagay sa bag ko.Hindi parin siya uma-alis sa tabi ko at tinititigan lamang ako habang nakangiti.

"'wag ka mag-alala,hindi naman kita sasaktan eh"imik nito ng makita niyang inili-lihis ko ang mata ko sa kanya."My name is Kim"dugtong nito at kinuha ang kamay ko at ikinamay iyon sakanya.."Its nice to meet you"

"H-hindi ka ba natatakot?"hindi ko ma-iwasan na itanong.She knew how those students teased me,but how come na nilapitan niya ako?.

"Multo ka ba?"nakalabi na tanong nito sa akin.Inilingan ko naman ito.Naiiling na napatawa naman ito na siyang ikinabigla ko,ano ang nakakatawa?

"see?hindi ka naman multo,ikaw na mismo ang nagsabi.So,why would I be scared?"natatawa parin na imik nito at ini-angkas ang braso niya sa balikat ko."'wag ka na mag-isip ng kung ano-ano,hindi naman ako masamang tao."

Napangiti naman ako at tumango sa kanya.Hihilain na sana ako nito papalabas nang silid ng makita ko ang lalaking siyang naka-sagupaan ko kanina habang papasok sa eskwela.

Nakasandal ito sa dingding katabi ng pintuan habang nakapamulsa,masuyo itong nakatingin sa.akin ng blangko na tila ba gusto higupin ang pagkatao ko.Ang mga tingin niya,halata na agad na may masamang binabalak.

"Nandito ka,nagkita nanaman tayo.Dont you think that,were really are destined to each other?"nakangisi na na pahayag nito at unti-unti akong nilapitan.

"W-were not"ani ko at umiwas ng tingin.Hindi ko na namalayan na wala na pala si Kim sa tabi ko at hinila na siya ng mga kaibigan ng lalaking ngayon ay nasa harapan ko na.

"oh really?hindi ba't kaya mo ako hinarangan kanina dahil gwapong-gwapo ka sa akin?"mayabang na asik nito at mas ini-lapit pa ang mukha niya sa mukha ko.Napasandal naman ako sa pader na naging sanhi ng pagkakulong ko sa braso niya.

How can this guy be so windy?.Hindi man lamang ba ito nahihiya sa mga sinasabi niya?dahil kung ako siya ay kanina pa ako nagta-tago sa kahihiyan.

"Honey,you can taste my lips if you want..."medyo paos na pagkakasabi nito.Rinig ko naman ang pag-singhap ng mga kaibigan nito at ni Kim sa nangyayari.

Unti-unti nitong inilalapit ang mukha niya sa mukha ko hanggang sa magka-dikit na ang ilong namin,ikiniskis nito ang ilong niya sa ilong ko at pumikit.

Napalunok ako ng wala sa oras ngunit nagwawagi ang pagkairita at takot sa sistema ko.Nang malapit na magkadikit ang mga labi namin ay ka-agad kong inapakan ang paa nito at sinampal siya,napalihis ang mukha nito sa lakas ng sampal ko at tinignan ako ng masama.

"Yes I'm a nerd,pero hindi ibig sabihin non ay papangarapin ko nang maging isa sa mga laruan mo.Ibahin mo ako,kung sila ay nagka-kandarapa sayo,ibahin mo ako.Wala akong gusto sayo o sa kahit na sino ang nari-rito!'wag mo ibaling sakin ang kakatihan mo"

Matapang ko siyang nilayasan at tumakbo papalabas ng silid na 'yon.Wala silang karapatan na apakan ang pagka-babae ko,dahil hindi katulad nila 'may respeto ako sa sarili ko.

------------

Wounded Heart (WH 1)Where stories live. Discover now