CHAPTER 30

3.7K 60 4
                                    

Chapter 30

Nagising ako na may mabigat na bagay na nakadagan sa tiyan ko kaya dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at tiningnan kung ano iyon. Pag jmulat ng mata ko ay bumungad saakin ang maamong mukha ni Permion. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong kamay pala nya ang nakapatong sa tiyan ko.

His eyes are closed while his lips are slightly open. I can clearly see his long lashes, pointed nose. I wonder if he's sleeping peacefully 'cause he looks really exhausted. HIndi ko namalayan na kanina ko pa pala pinipigilan ang pag hinga ko para hindi ito magising. Tumingin ako sa side ko para hanapin si Liv at nakita ko syang nasa paahan namin. I pressed my lips together before slowly removing Permion's hands.

Mabuti nalang at hindi ito nagising, umupo ako mula sa pag kakahiga at pumunta kay Liv at dahan-dahan itong binuhat at pinahiga sa tabi ni Permion. Masyado akong pagod kagabi kaya hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako dito. Tumayo ako at pumunta na sa banyo para mag-ayos ng sarili at mag luto na din ng almusal namin.

Pag labas ko ng banyo ay tulog pa din silang mag-ama. HIndi ko maiwasang hindi mapangiti dahil mukhang pareho silang magalaw matulog. Lumabas na ako ng kwarto para mag luto ng almusal. 

"Good morning po, ma'am" bati saakin ng maid na naabutan ko sa kusina. NGumiti ako sakanya at bumati din. "You don't have to call me ma'am. "nakangiting sabi ko dito bago lumapit sa pwesto nya. Nag hihiwa ito ngayon at mukhang sya ang nag luluto ng almusal ng dalawa tuwing umaga.

"May maitutulong ba ako?" tanong ko sakanya. 

She looked at me shyly before shaking her head. "Bisita po kayo dito, nakakahiya naman po kung kayo pa ang mag luluto." mahinang sabi nito. Ngumiti ako sakanya bago kumuha ng plato at tinulungan itong mag giris ng ibang ingredients.

Wala na itong nagawa at pinatulong na ako sa pag luto. Nalaman ko din na Angel ang pangalan nya at simula nang ipanganak si Liv ay sya na ang nag luluto dito. Pag katapos naming mag luto ay dinala na namin iyon sa dining table. Napatingin ako sa pinto nang bumukas iyon at niluwa si Permion na buhat-buhat ngayon si Liv. 

Naka overall ito na sheep style, hindi ko maiwasang hindi manggigil sa pisngi nito. Agad bumab si Liv sa pag kakabuhat ng dada nya at lumapit saakin. Binuhat ko naman ito at hinalikan naman nito ang pisngi ko. 

"Morning, mom!" nakangiting sabi nito. Maaliwalas na ang temperatura ng katawan nito, at mukhang magaling na. Pinaupo ko ito sa tabi ko, nag simula na akong subuan ito. Napatingin ako kay Permion nang umupo ito sa katapat ko. Humihigop ito ng kape habang mariing nakatingin sa laptop nito.

He looked really serious while doing something on his laptop, he's wearing a reading glasses that makes him more mature. Napaigtad ako nang mag tama ang mga mata namin, nakakunot ang noo nito habang nakatingin saakin. Bigla naman akong nahiya kaya agad akong nag-iwas ng tingin. He looked okay, parang hindi sya umiyak kagabi, but I want him to be better.

"Mom, feed me please" ngumiti ako kay Liv at sinubuan ito. Pinainom ko din ito ng gatas nito. On my peripheral vision I can see Permion simping his coffee. 

"H-hindi ka ba kakain?" takang tanong ko sakanya. Umangat ito ng tingin saakin, ilang segundo din itong nakatingin saakin bago sumagot.

"Do you want me to?" hindi ko alam pero iba ang tama saakin ng tanong na iyon. Why is he like this? Huminga ako ng malalim bago i-angat ang tingin ko sakanya, nang mag tama ang mga mata namin ay nakatingin ito ng mariin saakin.

"Mom, maybe dada wants you to feed him too." hindi ko maiwasang hindi pang-initan ng mukha dahil sa sinabi ni Liv. Agad akong nag-iwas ng tingin kay Permion at nag simulang subuan ulit si Liv. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng hiya dahil doon. 

"D-dada is big na, he doesn't need me to feed him." sagot ko kay LIv. She pouted her lips. "But mom, when I'm big na you'll not feed me anymore?" takang tanong nito saakin. I smiled before patting her head. 

"Yes, because you can do things on your own." sagot ko ulit.

Nang matapos kaming kumain ay sinamahan kong maligo si Liv sa kwarto nito. Napatingin ako sa cellphone ko nang tumunog iyon at lumabas ang pangalan ni Kelio, kagabi pa pala ako dito at nakalimutan kong i-text si Kelio. 

"Kelio..." sagot ko sa tawag.

"Where are you? Hindi ka daw umuwi?" takang tanong nito. Napahawak ako sa buhok ko habang nakatingin kay Liv na nag hahanap ng damit nito. I feel proud looking at Liv learning to pick her own clothes. Tumingin ito saakin at tinaas ang napili nitong damit.

"Mom, I want this one!" malakas nitong sigaw. Ngumiti ako sakanya bago tumango.

"OH! You never told me that you're with Liv." napabalik ang atensyon ko sa kausap ko sa cellphone. Umupo ako sa kama. I almost forgot about Kelio. I cleared my throat.

"I'm sorry, are you mad? I'm sorry, Kel" paumanhin ko dito. I am at fault because he's my boyfriend and I never tell things to him. I heard him sighed from the other line. "IT's okay, babe. I understand." mahinahong sagot nito.

Hindi pa din ako kampante nang sabihin nya iyon. I've been with Kelio all those years and I know some of his traits. Katahimikan ang namayani sa kabilang linya. 

"Babawi ako. I promise, Kel." sagot ko dito.

"Sure, babe. I love you!" malambing na sabi nito. I smiled slightly before saying those words to him too. "Love you too." sagot ko bago ibaba ang tawag. Kasabay noon ang pag bukas ng pinto at niluwa noon si Permion na nakatingin saakin, hindi ko alam kung kanina pa sya doon o kakabukas palang nya ng pinto. Napatingin ako kay Liv nang makita kong tapos na ito mag bihis.

"Mom, can you brush my hair like rapunzel. " lumapit ito saakin at binigay ang hair brushed at agad ko naman iyong tinggap at nag simulang suklayan ang basa nitong buhok. Manipis ang buhok nito at makintab at hanggang balikat nito ang haba.

"Mom, I'm happy that you're here with us. Promise me that you'll never leave again, okay?" I saw sadness on Liv eyes when she said those words. SHe really wants to have a mother but Felicity is not here anymore. Nag tama ang mga mata namin ni Permion at nakatingin din pala sya saakin. 

I know that time will come that Liv will understand that I'm not her real mother and I know that it will break her heart but that's the reality. Hindi ko alan kung kailan balak ipakilala ni Permion si Liv sa totoo nitong ina, kahit wala na ito ay may karapatan pa din itong makilala ang totoong ina nito. 

Liv is smart enough to understand that. 

"Okay..." tanging sagot ko. 

Habang hindi pa alam ni Liv na hindi ako nito nanay ay hahayaan ko muna itong tawagin akong mom. Kahit sa ganitong paraan ay mabawi ko angilang taong wala ako dito. Just for now..


Occupation Series #5: The ArchitectTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon