Three

10 4 22
                                    


Safe


"Guys! Nikolo? You know Niko? Riguel's cousin? He invited us to a party! Tonight at 8! Sa Concoctions daw! He told me he reserved the whole bar for this party!"


Kakaupo lang naming lahat sa dining table nang ibalita sa'min ni Thrina ito. Nagkatinginan naman kaming lahat bago bumalik kay Thrina.


"Hmm... may guwapo ba roon, Thrina?" Tanong ni Ara.


"Oo nga?" Si Calli.


"Maybe."


"Riguel might be there," nilingon nila akong lahat sa sinabi ni Thrina.


"Baka nahihiya pa si Nova na magpakita kay Riguel dahil may utang pa siya sa kanya."


Natawa kaming lahat sa biro ni Ara. It made me remember the 89 pesos that I owe him! I haven't had the chance to pay him since when I tried knocking on his door yesterday, no one answered. Even his cousin who actually lives there did not. I guess they weren't there. At ginabi kami nang nagsamgyup kami kagabi kaya hindi na ako nagbother na pumunta dahil baka natutulog na sila.


Maybe I should go after breakfast? Magpasama kaya ako kay Ara? Or kay Thrina?


Tulala ako habang kumakain ng umagahan, iniisip iyong utang ko sa kay Riguel. I don't even know why I think about this too much. Iaabot ko lang sa kanya iyong amount na binayaran niya para sa'kin. Nothing more.


"Hoy, Nova! Ano namang iniisip mo riyan?"


Gusto ko sana siyang tanungin kung gusto niyang samahan ako sa papagpunta sa unit noong pinsan ni Riguel pero ang lapit lang nito at masyadong mababaw na kung magpapasama pa ako.


"Wala, magbabayad na ako ng utang," sabi ko at nagulat naman ito.


Tumigil din sa pag-uusap ang lima at nilingon ko.


"Mag make-up ka!" Si Aika.


"Hindi! Dapat, natural lang!" Si Tina naman.


"Kahit kaunti lang?" Si Calli.


"Anong susuotin mo?" Si Thrina.


"Balitaan mo kami ah!" Si Ara.


"100 nalang idala mo para kunwari keep the change ganoon!" Nakangising sabi ni Kora.


Nakakagulat talaga minsan ang mga pinagsasabi nitong babaeng ito. She doesn't talk much but whenever she talks, it makes sense. Tipid pero may point din.


"Huwag nga kayong OA. Magbabayad lang ako ng utang," sabi ko at tumayo na para makapag handa naman ng kaunti.

Under These SkiesWhere stories live. Discover now