One, Noomi Valeska

21 4 0
                                    


Cafe

"Huh? Nasaan na kayo ngayon?" tanong ko kay Ara habang papalabas sa condominium ni Thrina.


My friends decided to visit us here in Baguio this Christmas vacation. Ang rason ng mga ito ay dahil daw hindi nila trip lahat na mangibang-bansa kasama ang mga pamilya nila.


Ara volunteered to get them at the bus terminal since she has an SUV at para raw hindi na sila mahirapang maghanap pa ng taxi considering there are four of them and their bags.


"We're stuck, Nova. Traffic," she demanded.


Rinig ko sa kabilang linya ang ingay ng mga kaibigan kong sila Tina, Calli, Kora, at Aika.


"Text me once you arrive," sabi ko at pinatay ang tawag.


Iniwan ko muna si Thrina sa unit niya dahil lilinisan niya pa raw ito. I offered my help but she told me that she can do it so I let her. I mean after almost 10 minutes of arguing, I gave up.


Nagpaalam na lamang akong tatambay muna sa café sa may lobby ng building niya habang hinihintay ang pagdating nila Ara.


"One iced Americano, please," I ordered. Hinintay ko ito ng sandali at pagkatapos ng ilang minuto ay nakuha ko na ito.


The café has only four or five people in it kaya iyong parte na palagi kong inuupuan ay free. It is beside the glass wall where you can see outside.


I took my phone out and texted Calli.


Ako:

I'm here at the café. Ask them if they want anything.


Hindi ko na naman muna hinintay pa ang reply niya kaya binaba ko muna ang cellphone ko at nagpasyang ilibot ang mga mata upang tingnan ang kabuoan ng café.


Manghang-mangha parin ako kahit na halos parati ako rito. The walls are painted with a light shade of brown. There are plants all over the place and it made the café more homie.


I stopped when I saw a guy 3 tables away from me, looking at his laptop intently.


His brown bushy brows, jaw perfectly formed, sharp nose, and the lips, that I can tell, 3 tables from me is a kissable one, screams his whole attractiveness.


Saktong paglingon niya sa direksyon ko ay nag vibrate ang cellphone ko na ikinagulat ko at nakitang si Calli iyon, tumatawag.


I answered. "Hoy gagita! Kanina pa ako tumatawag! Bakit ngayon mo lang nasagot?"


"May pogi eh," medyo bulong kong sabi sakanya. Sa sobrang tahimik ng café ay baka pati iyong binulong ko sa tawag ay marinig ng lahat dito sa loob.


"Huh? Totoo ba? Diyan sa café?" Tumawa ako sa sinabi niya at binalik ang tingin sa guwapong lalaking nasa harap ko.

Under These Skiesजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें