Two

14 3 0
                                    


Eighty-Nine

I woke up around 4:50 AM at ngayon ay nagpapalit ako dahil bababa ako sa lobby para bumili ng kape at dahil bibili na rin ako ng kulang na ingredients para sa breakfast namin mamaya.

I just wore a pair of black sweatpants, white oversized shirt, and a pair of white mandals.

Kahit man hanggang Ala Una kaming gising kagabi dahil may inuman pa ay nagising parin ako ng maaga. Though, I am used to waking up at this time whenever we spend the night at Thrina's place. Sometimes, I even go jogging or just walk. But this time, I won't dahil may mga bisita at nakalimutan din naming bumili kahapon ng pang breakfast.

Lumabas ako ng unit ni Thrina at pumasok ng elevator nang tulala. Dahil ito siguro sa kakulangan sa tulog.

Sa sobrang tulala ko ay hindi ko napansin na may kasama na pala ako sa elevator. Kakapasok lang nito.

"What floor, Miss?"

Hindi ko na rin naisip na hindi ko pa pala pinipindot ang floor na bababaan ko. Nakakagulat naman ito.

Sumagot naman ako at nilingon siya pero hindi masyado para makita kung sino. Though, his voice is kind of familiar. And he's tall. Siguro, kasing tangkad nung crush ko.

"Ground floor."

Nakakabinging katahimikan ang namagitan sa'min nitong taong kasama ko sa elevator hanggang sa nakarating na kami ng ground floor. Mas nauna naman itong lumabas sa'kin.

Nang inangat ko ang tingin ko sa kung sino man ang nakasama ko sa elevator ay tumakbo nanaman ang puso ko. It's racing so fast, I can hear it beating again.

Iyong crush ko!

Does he live here? I've seen him almost 3 times now. Ay 'yong dalawang beses doon ay dito ko siya nakita! Baka nga kilala siya ni Thrina. O baka rin ka floor?

Nang nilingon ko ang harap ko ay naroon pa rin siya. Papunta rin ata sa café?

Tama ang hinala ko nang binuksan nito ang pintuan ng café. Nagulat na lamang ako

nang nakitang nanatiling nakatayo ito sa loob at hawak ang pintong nakabukas.

Bumagal naman ang lakad ko dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin. Is it polite to just walk right in front of him, holding the door open? Why would he hold the door open anyway?

Is he waiting for someone?

I looked at the back kung may tao ba itong hinihintay kaya niya hawak parin hanggang ngayon ang pinto ngunit wala.

Malapit naman na ako sa pintuan ay hindi ko parin alam ang gagawin ko.

I looked at him and got startled when our eyes met. He's looking at me, emotionless.

He's wearing a white plain shirt, a pair of grey sweatpants at naka workout shoes nanaman. Papunta palang ata ito sa gym o kung saan man.

Hindi ako tumigil sa harap ng pintuan dahil magmumukha rin akong tanga kaya dumeretso na lamang ako.

My heart is pounding so loud and fast I'm afraid he might hear it.

Napansin ko namang sakto sa pag pasok ko ay binitawan niya na ang pinto at naramdamang nasa likod ko na ito.

Gentleman, huh.

Naconscious na naman ako nang maramdamang nasa likod ko siya at naghihintay na matapos akong umorder.

Under These SkiesKde žijí příběhy. Začni objevovat