Wakas

70 10 5
                                    

"Babe, I'm here!"

Agad na pinamulahanan ako ng mukha nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Gus gamit ang endearment namin, saktong pagkalabas na pagkalabas ko ng aming building matapos ang aming klase sa araw na iyon. Hindi man iyon malakas, sapat naman para marinig ng karamihan sa mga kaklase ko at iba pang estudyante na katulad ko ay palabas rin ng College of Business Building.

Natanaw ko agad siya malapit sa bench na naroon. Nakatayo siya roon at nasa bulsa ang kaliwang kamay habang ang isa'y may hawak hawak na pulang rosas.

Malapad ang ngiti na tumakbo ako papalapit sa kaniya.

Sinalubong naman agad niya ako ng mahigpit na yakap. He almost buried my head on his chest.

"Kanina ka pa naghihintay?" tanong ko.

"Five minutes lang."

Kumalas ako sa yakap niya. "Kumain ka na?"

He didn't answer instead, he kissed me on my forehead. Napansin kong bumaba ang tingin niya sa labi ko kaya bahagya akong umatras. I know that kind of stare from him!

"Why?" painosente niyang tanong.

Pasimple kong inikot ang tingin sa paligid. May mangilan ngilan akong nahuling estudyante na nakatingin sa amin na biglang nagsi-iwas nang makita ako nakatingin sa kanila.

"You're too bold. You don't hesitate to show off in public," puna ko.

"I'm just proud to have you as my girlfriend. Masama ba yun?" nakangising sagot niya na kinailing iling ko. "Tara, iuuwi na kita para hindi ka na mahiya sa kiss ko," biro niya pa kaya natawa ako.

Naramdamanan ko naman ang braso niya sa balikat ko.

"Hindi ako nahihiya. It's just..some stuff is better better to be done in private," paliwanag ko.

"What stuff?" tanong nito.

Kunot noo ko siyang tiningnan. "Like kiss, syempre."

"Ano pa?" tanong niya na may pilyong ngiti kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Wala, sabi ko nga uwi na tayo diba?"

Gustavo Williams graduated as Magna Cumlaude with a Bachelor of Science in Business Administration major in Entrepreneurship. He was identified as the first Magna Cumlaude graduate of Hamilton University which made me of course, so proud of him. Ni hindi ko man lang siya nakitang naiistress sa studies niya kaya ganon na lang ang paghanga ko sa naabot niya. It means so much for me to be part of his graduation, clapping with his parents for his well-deserved success.

After his graduation, Gus was expected to run their company. We are now both busy but despite that we manage to take care of and strengthen our relationship. There is no day that we don't clear at least few minutes in our schedule just to check on each other.

Misunderstandings are rare because we tend to discuss our differences. I am intensively private while Gus is outgoing and spontaneous. I also like to plan while Gus is a 'live in the moment type of guy' na hindi ko inaakala na ugali niya. Marami rami rin kaming pinagkaiba. To avoid conflict and stressful discussion, we promised to each other to openly speak on our perspective and remain open-minded.

"Babe.."

Mula sa aking laptop, nag-angat ako ng tingin kay Gus, na noon ay pinapanood ako habang tinatapos ang aking term paper.

Nasa bahay namin ito ngayon at kapwa hindi kami makalabas para magdate dahil sa dami ng kailangang ipasa ko. I am graduating student and aiming for Cum Laude so I am glad that Gus undersrands.

"Hmm?" tanong ko.

Nakangiting umiling ito. "Nothing, just wanted to let you know that I love you”

I smiled back. "I love you too."

Pansin kong humalumbaba ito sa mesa ko at mas nilapit ang mukha sa laptop ko. Napangiti ako roon dahil alam kong nagpapapansin na siya. I closed my laptop then I tugged him from his seat.

"Let's go to our kitchen, I'll cook," sabi ko rito. Mapalad ang ngiti na nagpahatak naman ito at yakap yakap ako sa bewang na nagtungo kami ng kusina.

Gus is a caring, thoughtful and encouraging boyfriend. He is silly and serious. A type of man who is both a best friend and a boyfriend all in one. Wala na siguro akong mahihiling pa pagdating sa buhay pag-ibig ko.



Again, this is Shannon Miranda and that's how I met my Gustavo Williams.

THWM 1: Roses In Full Bloom Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt