Nilingon niya ako bago ngumisi. "Hey."

Tuluyan na siyang humarap sa akin. Pansin kung gaano siya ka-guwapo sa ayos niya ngayon. The last time we saw each other, he's wearing some casual jeans and plain shirt. Ngayon ay nakasuot siya ng puting dress shirt na nakalapaloob sa itim na slacks. He looked too formal today and I must say that he's one of those respected men in the country these days.

"Ano'ng ginagawa mo dito? I mean I know that this is a restaurant but…" Hindi ko masabi ang gusto kong sabihin dahil ayokong maging offensive ang dating ko sa kaniya.

"Taguig to Makati is just a quick ride, Chloe. Wala rin naman gaanong traffic kaya nakapunta ako kaagad dito. Puwede ka mag-lunch?"

Kumurap-kurap ako. "Saan?"

"Dito rin." Ngumisi siya.

"P-Puwede naman. Pero sigurado ka ba?"

"Na alin? Na gusto kitang yayain na kumain kasama ako?" Natawa siya habang nakaangat ang isang kilay. Tumango ako. "Siguradong-sigurado po."

Pasimple kong kinagat ang ibabang labi ko saka bumuntonghininga. I looked around and saw a vacant area near the wall. Tumingin ako sa kaniya at itinuro 'yon.

"We can sit there if you want."

He nodded his head and smiled, showing the tiny dimples just below his lower lip. Kung si Hellios ay buo ay malalim ang dimple sa pisngi, itong si Gabriel ay maliliit at hindi gano'n kalalim.

"Anywhere with you, Chloe."

Tumango ako at nauna na roon. Naramdaman ko ang pagsunod niya sa akin. Kinawayan ko ang isang staff at sinabihan na sundan kami. Bahagya pa akong nagulat nang hilahin ni Gabriel ang upuan para sa akin.

"Thank you." I smiled as I faced him.

He shrugged his broad shoulders. "Don't mention it."

Nang makaupo ay binigyan kami ng menu board ng staff. She's casting me a teasing smile. Siguro ay iniisip niyang may namamagitan sa amin ni Gabriel. Base sa tingin na ipinupukol niya sa akin, masasabi kong ganoon nga. Pero sana ay huwag niyang bigyan ng malisya. Ayoko nang gano'n.

I chose a small meal. Si Gabriel ay hindi rin naman gaanong pumili ng kakainin niya. Parang pinasadahan niya nga lang ng tingin ang menu board.

"I am not surprised anymore to see your restaurant jam-packed. Kahit sina Mama ay paborito rin dito. Even Tita Empress." panimula ni Gabriel matapos namin um-order.

Tanging ngiti lang ang iginawad ko. "Thanks to God and his abundant blessings. This is all because of Him."

Pinagsalikop niya ang mga kamay niya habang titig na titig sa akin. "It still amazes me that a girl like you truly exists. Don't get me wrong. Karamihan sa mga babae ngayon ay masiyado nang agresibo. Knowing that you're Manila girl, it's really surprising."

Idinampi ko ang hawak na panyo sa may bandang labi at pinunasan ang kaunting pawis doon. Medyo mainit sa loon ng kitchen at hindi ko na nagawa pang mag-ayos bago ako lumabas.

"Hindi porque taga Maynila ay agresibo na dapat, Gabriel. Baka may makarinig sa'yo at ma-misinterpret ang ibig mong sabihin."

"Sorry if I sounded foul. Nasanay lang talaga ako na halos lahat ng babaeng nakikilala ko dito ay ganoon. You are the only girl who I met that way."

Natawa ako. "What do you mean by that way?"

"You're God-fearing. Mabait ka at palaging kalmado sa bawat kilos at pananalita. You always correct me when I say something wrong but I still don't get offended."

Suarez Empire Series 1: My Heaven In HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon