CHAPTER 7: CELEBRATION

12 4 21
                                    

Warning: Triggering. One of the scenes is triggering I'm really sorry. If you can't tolerate a scene like that you can freely skip this chapter.



Emily's POV
It's been three days when the graduation day happened. Hindi na kami sumabay ni Vince kila Mommy pauwi ng Pilipinas dahil gusto naming sulitin ang natitira naming araw dito. Matagal bago kami makakabalik ulit dahil magt-take kami ng boards.

"Ma-mi-miss ko 'tong condo. Matagal din bago tayo makabalik dito." saad niya habang naghahain ng mga plato sa hapag kainan. Ako naman ay kasalukuyang sinasalin ang niluto kong Caldereta.

"May two days pa naman tayo, babe." sagot ko at inilapag ang ulam sa lamesa. Sabay kaming kumain ng lunch. Pumasok ako sa kwarto para kunin ang laptop at notebook ko ng plot. Magsusulat kasi kong muli ng bagong kwento dahil natapos ko nang i-update ang huling chapter ng nobelang sinusulat ko nung nakaraan.

"Magsisimula ka na naman ng bago babe?" tanong ni Vince habang binubuklat ang notebook niya ng plot.

"Syempre. Para kong hindi makahinga kapag wala akong on going story." biro ko.

"Talaga lang ah! Talaga lang, babe!"

"Timpla mo pa ko milo! Gusto ko yung malamig!" Binuksan ko ang laptop ko.

"Masusunod po, Binibining Emily!" Tumayo siya sa kinauupuan niya kanina at kumuha ng tasa. Nagtimpla na siya ng milo at kumuha ng yelo sa ref. Inilapag niya sa tabi ko ang milo. Ganito ang routine namin. Hanggang sa sumapit ang hapon.

"Babe, tumambay kaya tayo sa Merlion Park. Maaga pa naman." saad ni Vince habang nagliligpit ng mga gadgets niya. Nililigpit ko na din ang akin.

"Pwede. Ano tara?" sagot ko.

"Magbihis ka na." sagot niya kaya pumasok na ako sa kwarto ko para magbihis. Nagsuot lang ako ng oversized shirt at jogging pants. Nagdala din ako ng hoodie ko in case lamigin ako. Walking distance lang yun sa condo building namin kaya magkahawak kamay kaming naglakad palabas ng condo building. Medyo nauuna ako sa kanya habang magkahawak kamay kami ng maramdaman kong may nag-flash na camera. Siguradong pinicturan nanaman ako ng loko.

"Gandang-ganda ka ba sa akin kaya kahit sa dilim nakuha mo kong piture-an??" saad ko at humarap sa kanya. Agad niya naman akong kinabig palapit sa kanya at niyakap ng mahigpit.

"You're so beautiful, babe. Hindi ako magsasawang piture-an ka kahit madilim." Napangiti naman ako sa narinig. He really loves complimenting me.

"Tara na, babe." sagot ko. Nagpatuloy kaming maglakad. Nang makarating kami sa park ay umupo kami sa isa sa mga steps. Pinanuod ko ang magandang tanawin ng nagkikislapan na ilaw ng mga building at ang paglagaslas ng tubig galing sa bunganga ng merlion. Ang ganda talaga dito at sobrang saya ko kasi dito ko napiling simulang itayo ang mga pangarap ko. Kahit maliit ang bansa na ito masasabi mong marangya ang buhay dito dahil sa mga nagtataasang buildings at well maintained na daan.

"Babe, what do you think is waiting for us in the near future?" he asked. Nakamasid pa din siya sa mga building.

"I don't know. No one knows the future but one thing's for sure new experiences will come and new lessons will be taught." Ibinalik ko ang aking tingin sa mga building. Hindi ko iniisip ang hinaharap nitong mga nakaraan, ang iniisip ko ay ang huling pagkikita namin ni Ken. Ang mga pangyayari sa airport noong paalis kami ng Pilipinas. Hindi na yun maalis sa isipan ko kahit ilang buwan na ang lumipas.

"You're still thinking about it right?" he suddenly said to break the silence.

"Huh?" naguguluhan kong sagot. Me-sa mind reader ba 'tong boyfriend ko na 'to?

You're Still The One (COMPLETED) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon