Sa huli, natagpuan namin ni Raphael ang mga sarili na lulan ng kotse ni Hellios. Nasa backseat siya habang ako ay nandito sa tabi ni Hellios. He’s looking at the road with a blank face, all serious and menacing.

Nanglalamig ang mga palad ko, hindi alam kung ano ang gagawing dahilan kina Papa oras na umuwi kami. I don’t have my cellphone with me for it’s in my bag which I left at home. Isa pa, ito ang unang beses na kinalaban namin si Papa. Hindi ko intensiyon na gawin iyon, masiyado ko lang mahal ang kapatid ko para kayanin na makita siyang masaktan ni Papa. Kung ako lang sana, walang problema.

“Hide me now under Your wings. Cover me now within Your mighty hand...” mahinang bigkas ko sa paboritong kanta sa tuwing gusto kong pakalmahin ang puso ko habang nakatingin sa labas ng bintana kung saan nagsisilbing madilim na ang lahat.

“When the oceans rise and thunders roar, I will soar with You above the storm. Father, you are King over the flood, I will be still, know You are God.”

Marahan akong bumaling sa kamay ko nang maramdaman ang kung ano doon. I saw a black handkerchief above my hand. I looked at Hellios. He’s just staring at the road and I know that he’s the one who handed me that.

“Thank you.” I whispered through my trembling voice.

Tahimik kami sa buong biyahe, wala ni isang nagsalita. Sa sobrang tahimik ay hindi ko namalayan na huminto na pala ang kotse ni Hellios sa tapat ng isang kilalang condominium.

Bumaba kami at sumunod kay Hellios papasok sa building. Nauuna siya habang kami ni Raphael ay nasa likuran niya. I was holding his hand the entire time we’re walking. I could feel him getting tired for all of these. Pakiramdam ko, ako na lang ang pinaghuhugutan niya ng lakas.

A huge and spacious room composed of black, white and gray interior greeted my eyes. Hawak si Raphael sa mga balikat niya habang nasa likuran ako, inilibot ko ang mga mata sa kabuuan ng living room.

I haven’t been in a condominium ever since. Bahay at trabaho lang ang palagi kong pinupuntahan kaya naman literal na ignorante ako sa mga ganitong lugar.

“You can use my room. Dito lang muna ako sa sala habang nagpapahinga kayo.” Si Hellios nang harapin kami.

He’s leaning the side of his shoulder against the wall while looking at me. Sunod-sunod ang naging pag-iling ko.

“Hindi, ayos lang. Dito na lang kami sa sala, Hellios. Thank you.” sabi ko.

“Ate’s right, kuya. We are already disturbing your privacy. Ayos na po kami sa sala. Magpapalipas lang po kami ng oras.”

He cocked his brow up that made him look even more snobbish as he looked at Raphael.

“Won’t allow that, Raphael. Bisita kayo dito. I’m sorry I only have a room here. Hindi talaga ako nagpapapunta ng bisita dito.”

Tumungo ako, mas lalong nakaramdam ng hiya para sa kaniya. Kung hindi pala siya nagpapapunta ng bisita dito, nakakahiyang narito kami ngayon at makikituloy.

“But your sister is an exemption,” Hellios said that made me lift my eyes to look at him. Nagkatinginan kami ngunit mabilis siyang nag-iwas. “I mean, both of you. You are welcome here.”

“Thank you, kuya.” magalang na sagot ni Raphael.

“Anytime. Go and use my room. I will lend you some clothes so you can change. Though, I’m not sure if those will fit in you.”

Ngumisi si Hellios. The mood suddenly lightened up. Aaminin kong iba ang dating sa tuwing ngumingisi siya. It’s like the gates of heaven opened up while some of the angels blowing their trumpet.

Suarez Empire Series 1: My Heaven In HellDonde viven las historias. Descúbrelo ahora