Chapter One

0 0 0
                                    


CHAPTER ONE

Triston Jake Enriquez POV.

Nasa loob ako ng sasakyan, nagmamaneho papuntang BSIS ng tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko agad ito.


Elthon xxx calling......


"Hey, dude! Where are you? It's already nine, late kana!" anang kaibigan Kong si Elthon. Elthon is my childhood friend and personal assistant, Di kami masiyadong close pero dahil magkasundo kami sa maraming bagay, nakasanayan konang siyang kasama. Bukod kasi sa childhood friend kami, scholar din siya ni daddy, at best friend ni daddy ang mommy niya. Kaya Isa rin Yun sa naging dahilan Kong bakit kami malapit sa isat isa.

"I'm on my way." walang gana Kong sagot. Rinig kopa ang buntong hininga sa kabilang linya.

"Siguraduhin molang dude, Alam mo naman si miss, magwawala Yun kapag late kananaman." si Elthon na ang tono ng pananalita ay parang dismayado.

"Tss. I'll hung up now."

Hindi kona siya hinintay pang makasagot, pinatay ko agad ang tawag at ibinalik ang attention sa pagmamaneho.

-BSIS

Pagdating konang BSIS, agad Kong kinausap si manong na buksan ang Gate para makapasok.

Ugali kona talaga ang magpark ng kotse sa quadrangle Kung saan agaw nito ang attention ng mga dumadaan. Bukod kasi sa malayo ang parking lot, tinatamad din akong maglakad pabalik at papunta sa building Kung saan ang classroom ko. Di tulad ng quadrangle na magkalapit Lang ang building na pinapasukan ko.

Nang binuksan ni manong ang Gate, dahan dahan kong inabante ang kotse dahil sa may medyo itong kasikipan sa Daan. Ng tuluyang lumuwag ang daraanan papuntang quadrangle ay agad Kong binilisan ang pagmaneho.

Agad na maraming mata ang sumalubong sakin ng tuluyan na akong makapasok sa BSIS quadrangle, bagay na madalas mangyari sakin kapag pumapasok ako.

Ilang beses pa akong huminto at umikot, makakuha Lang ng comportableng pwesto ng bigla at mabilisan Kong inapakan ang brake ng kotse ng maybabaeng humarang sa dinadaanan ko. Nakajacket na may hood ito ng itim, na nakatalikod na parang walang Alam na muntik kona siyang masagasaan!may dala itong bag na parang may hinahanap sa loob na maski presensiya ng kotse ay hindi niya namalayan.

Ang tanga ng babaeng to!

Ano sa tingin niya ang ginagawa niya sa oras nato?! Late na, tapos nandyan pa siya, at idadamay pa talaga ako!

Sa asar at Inis ko, malakas na hinampas ko ang Beep button ng kotse na ikinagulat ng babae! Tumilapon pa patatas ang  dala niyang bag at halos mapatalon din ito sa gulat.

Maski ako ay nagulat sa ginawa ko, at bahagyang natawa ng makita ang reaksiyon ng babae. Bukod kasi gulat, namumutla  at nanlalaki ang mga matang napaharap ito! Na ikinatawa ko naman ng malakas. Aksidente kopang Napindot  ng Ilang beses ang beep button dahil sa tuwa ko sa reaksiyon nito.

Nakakapagod din pala ang tumawa! Tss.

Ng makabawi ng lakas, humarap ulit ako sa harap at tuningnan ang babae na ngayon ay nakatayo parin ha ang masama ang tingin na binabato sakin.

I'm Only Yours (consequence of love) Where stories live. Discover now