CHAPTER FORTY-FOUR

209 10 0
                                    

ZIN'S POV

Nasa grocery store na kami, namili kami ng mga kailangang bilhin.

"Grabe! Ang dami naman nating pinamili!" Masayang saad ni Eurea.

"Thank you Zin ah! Ang bait mo talaga!" Masayang saad ni Marife.

"Wala yun, I'm glad you guys are having fun." Saad ko.

"Syempre! Sino ba namang hindi matutuwa at sasaya pag kasama ka! S'werte pa nga namin dahil kaibigan namin yung nag iisang Madeline Zin Ferro! Mabait na, mapag-bigay, maalalahanin, protective at higit sa lahat maganda!" Tuwang tuwang saad ni Francis, natawa naman ako sa mga pinagsasabi nila.

"Ay naku hali na, baka wala tayong maabutan na picnic dahil hapon na!" Saad ko.

Lumabas na kami at hapon na nga kumukulimlim na at maya-maya ay magdidilim na.

"Pano na 'yan! Madilim na mamaya paano tayo mag pi-picnic?" Nalulungkot na saad ni Eurea.

"Edi mag camping tayo, safe naman doon Marife di'ba?" Tanong ko dito.

"Oo! Wala masyadong taong napunta doon, bukod doon eh  kami lang halos pamilya ang pumupunta d'on!" Paninigurado n'ya pa.

"Mabuti, mag paalam na kayo sa magulang n'yo." Saad ko.

"Sige! Tara na." Magiliw na saad ni Marife.

Nagpunta kami sa kan'ya kaniyang bahay nila, saka nagpaalam mabuti na lang at pinayagan sila.

May dalang tent si Marife, si Eurea naman ay sa ipangsasapin namin at si Francis ay mga unan at blanket.

Nagdala na din sila ng damit pamalit, at papahiramin ulit ako ni Francis.

Pumunta na kami sa bahay ng lola n'ya at familiar ang lugar na 'to—dito dati nakatira sila Kyle.

"Dito na ang bahay nila lola!" Magiliw na saad ni Marife nang mapagtanto na nasa harap na kami ng gate ng grandparents n'ya.

Simple lang ito, parang normal na tao ang nakatira.

Hindi mayaman, hindi din mahirap.

Bumaba na kami at pumunta sa gate para tumawag.

"Lola? Lola Mira! Nandito po ako." Sigaw ni Marife, agad na bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang babaeng matanda na sa tingin ko ay nasa 60+ ang age.

"Oh! Marife anong ginagawa mo dito? Gabi na ika'y napuslit pa! Alam ba ito ng iyong Aunty?" Pagsermon nito, natawa naman ako ng maalala si Lola.

"Opo lola! Katunayan ay mag cacamping kami sa tabing ilog, mag c-camping kami d'on lola." Gulat s'yang tinignan ng lola ni Marife.

"Aba'y hindi ka nagpasabi kaagad nang nakapag luto ako? Os'ya magluluto ako, magpasama ka sa dalawang pinsan mo baka ay map'ano kayo doon mabuti na yung may kasama kayo ha?" Tumango naman si Marife na para bang wala s'yang choice.

Tumayo ang lola n'ya saka dumiretsyo sa kusina.

"Oh Marife, gabi na bakit nandito ka pa? Baka ikaw ay hinahanap na ni Freda!" Pagsermon pa ulit ng lolo ni Marife, natawa naman ako ng mahina.

"Lolo, sadya po kaming pumunta dito katunayan po ay mag tatayo kami ng tent sa tabing ilog para doon matulog." Umupo naman ang lolo n'ya sa harap namin at nagtango tango.

The Unknown Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon