CHAPTER TWENTY-NINE

249 14 0
                                    

ZIN'S POV

Nasa hospital ako ngayon kung saan naroroon sina Trina at gangmates n'ya, madami silang natamo na sugat at kung ano-ano pang injuries.

Lumabas ang doctor at sinalubong ko naman ito.

"A-Ah doc, kamusta lagay nila?" Tanong ko, tinignan n'ya naman ako bago mag salita.

"Ms. Ferro, your sister is in a coma. Mas malala ang natamo n'ya kesa sa iba, and she might lose her memories but we're not sure about that." Saad n'ya.

"Doc, magiging ayos ba si Trina? Hanggang kelan?" Tanong ko.

"Hindi ko din masabi Ms. Ferro, I'm sure she'll be fine." Naiwan akong tulala sa hall, sumilip ako sa pinto ng kwarto n'ya.

May bandage ang ulo n'ya at maraming pasa at sugat sa katawan.

Pumasok ako sa kwarto at umupo sa tabi ng hospital bed n'ya, sinusuri ang kabuohan n'ya.

"Trina, wake up na. Dad will be worried about you if he found out what happened to you." Nakangiting saad ko, kunuha ko ang kamay n'ya at hinawakan.

"He loves you and tita Cynthia and Trisha. He told me that he loves you all, bangon ka na kukunin mo pa sa'kin si Kyle di'ba?" Hindi na napigilan ng mga luha ko ang tumulo sa pisnge ko.

"I want to beat you again Trina, may laban pa tayo bukas di'ba? Can you please woke up? Mahal kita kahit na kailan ay hindi tayo nagkasundo, kapatid kita eh. Sisiguraduhin kong magbabayad ang taong gumawa nito sa'yo." Saad ko sa kan'ya.

Hindi ko namalayan na nakatulog ako, nagising ako dahil nakaramdam ako ng uhaw.

Tatayo na sana ako nang makita ko si Daniel sa couch naka tingala at naka pikit ang mata.

Anong ginagawa nito dito?

Lalabas na sana ako ng magsalita s'ya.

"Where are you going?" Nilingon ko s'ya nakapikit pa rin at nakahilig ang ulo sa sandalan ng sofa.

"Anong ginagawa mo dito? Alam ba nila Papa?" Tanong ko sa kan'ya kasabay ng pag mulat ng mata n'ya.

"No, hindi sinabi ni Troy. Ang sabi n'ya lang ay nagka problema sa underworld that's why they understand, pero sinabi n'ya s'amin ang totoong nangyari at sinundan kita dito." Paliwanag n'ya.

"Bakit ka pa pumunta dito?" Kunot noong tanong ko.

"I bring you foods." Sabay baling n'ya sa mga malalaking paper bag sa gilid ng sofa.

"I'm not hungry." Pagkasabi ko noon ay saka naman kumalam ang t'yan ko, tinignan ko s'ya at nakangisi na s'ya.

"Really?" Tumayo s'ya at may kuha sa paper bag, isang malaking tupperware at binuksan n'ya ito, umalingasaw ang bango ng adobo na lalong ikinakalam ng t'yan ko.

"Halika kumain ka muna."
Nakangiting saad n'ya, umupo naman ako at tinignan ang laman ng tupperware.

"Akin na! Nas'an ang kanin? May iba pa ba? Ilabas mo na lahat wag mo'kong tipirin!" Pagmamadali ko sa kan'ya.

Nilabas n'ya lahat ng laman ng paper bag na dala n'ya, kung ano-anong pagkain ang nakahain sa maliit na table sa loob ng kwarto na ito.

"Shitttt! Ang dami. Ikaw kumain ka na? Akin lang ba 'to? Kakain na'ko ha?" Tumawa naman s'ya ng mahina habang ako ay direderetsyong sumubo.

The Unknown Gangster QueenWhere stories live. Discover now