CHAPTER FORTY-THREE

196 10 0
                                    

ZIN'S POV

Hindi ako galit sa'yo Trina, sadyang nasasaktan ako nang malaman kong minahal kita bilang kapatid kahit na palagi tayong hindi magkasundo.

Mas nasaktan ako dahil ina mo ang pumatay sa ama ko.

Saad ko sa isip habang nakatingin kay Trina na umiiyak sa tabi ni Kyle.

Alam kong seryoso s'ya sa lahat ng sinabi n'ya sadyang sobrang sakit lang—hindi ko matanggap.

"Zin..." Halos mabingi ako nang marinig ko ang boses na 'yon, agad na nandilim ang paningin ko at gusto kong tumayo at kitilin ang buhay ng may-ari ng boses na 'yon.

"Don't you dare come close to me." Madiin na saad ko.

"I-I know there's n-no way you can forgive m-me, pero hihingi pa rin ako ng tawad. I-I'm sorry Zin, I k-know words can't make everything better, nagsisisi na ako sa lahat ng ginawa ko even before like how I treated you. Kaya lang naman galit at masama sa'yo si Trina because I brainwashed her." Tignignan ko s'ya ng masama.

Kahit na gaano kapangit ang trato nila sa'kin noon ay tinanggap ko, minahal ko sila na parang tunay na kadugo ko.

Pero hindi ngayon, nawala ang ama ko dahil sa kanila.

"Tinanggap ko lahat ng kasamaan n'yo sa'kin Cynthia! Tinanggap ko. Minahal ko kayo kahit na ang sama-sama ng trato n'yo sa'kin! Pero yung pati buhay ng Papa ko, hindi. Hindi ko matatanggap yun." Madiin at umiiyak na saad ko.

"A-Anong bang gusto mong gawin k-ko Zin! Para pagbayaran ko ang kasalanang nagawa ko?!" Umiiyak na sigaw n'ya.

"Patayin mo ang sarili mo." Natigilan silang lahat maging s'ya ay tulala sa narinig.

"Zin! Yes we made a mistakes but that's not fair!" Sigaw ni Trina na ngayon ay nakatayo na.

"Fair? Kayo ba ay naging patas? Anong ginawa sa inyo ni Papa?! Anong ginawa n'ya sa inyo para humantong s'ya sa pag higa ng kabaong?!" Sigaw ko.

"G-Gagawin ko, gagawin ko ang gusto mo Zin." Tulalang saad n'ya.

"Mommy no! I'm mad at you but that's not fair! I can't." Umiiyak na saad ni Trina.

"I'm willing to offer my life for my mistakes, I just need a favor." Biglang saad ni Frank na kanina pa nakatayo katabi ni Troy.

"What do you mean?" Takang tanong ko.

"For the last time ay makita at mahagkan ko ang asawa't anak ko." Tinignan ko s'ya ng matagal, kita sa mata n'yang seryoso s'ya.

Nagpatango-tango ako.

"Sige, give me their name and ihaharap ko sila sa'yo." Saad ko, hindi sila makapaniwalang tumingin sa'kin.

"Zin, this is too much. This is not you!" Pabulong na singhal ni Matthew.

"You always keep saying those words Matt, of course this is not the Zin you know before! Everything changed, and this stupid mother fucker people push me to become like this! I'm tired of forgiving shits, it's time to be heartless and let them know who's the one they should be scared of." Natahimik silang lahat sa mga salitang binitawan ko.

Agad kong hiniklas ang mga dextrose na nakalagay sa kung saang parte ng katawan ko na ikinagulat nila, dali-dali akong lumabas at gulat na tinignan ako ng doctor na kalalabas lang ng kwarto.

The Unknown Gangster QueenWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu