CHAPTER THREE

567 26 0
                                    

ZIN'S POV

Pagkapasok ko sa bahay dali-dali akong umakyat para kunin ang gamit ko, sa kasamaang palad nang paglabas ko ng kwarto ko ay kasabay ko s'yang lumabas nakasuot ng uniform at halatang nagmamadali dahil late na.

Napansin n'ya ako kaya gulat s'yang tumingin sa'kin at biglang nag iwas at akmang lalagpasan ako kinapitan ko ang pulsuhan n'ya.

"Hindi mo nga nilapat ang balat mo sa balat ko nag utos ka naman ng tao para patayin ako? Ganiyan ka ba ka desperadang mawala ako sa buhay mo? "

Umiwas s'ya ng tingin habang ako ay nagpipigil ng galit dahil ayaw kong pati s'ya ay mamatay sa kamay ko.

"H-Hindi ko alam s-sinasabi mo!" Utal na tugon n'ya at pilit na kinukuha ang braso sa kamay ko.

"Wag ka na mag maang maangan! Sa oras na mangyari ulit iyon sisiguraduhin kong sa impyerno ang bagsak mo!"

Binitawan ko s'ya at iniwan sa taas, kinausap ko ang guard na iutos kay mang isko na ipaayos ang kotse ko at yung motor na lang ang gagamitin ko.

Nakapalda man ay hindi na ako nagsayang ng oras agad kong pinaharurot ang baby Mallow ko.

Pinark ko ito at tinanggal ang helmet ko ganoon na lang ang gulat ng mga estudyanteng nakakita sa'kin.

Tss ganoon ba'ko kaganda para pag tinginan?

Naglakad na ako papunta sa room ko, at lahat ng madaanan ko ay nakatingin sa'kin gulat na gulat.

What's up with them?

Naglagay ako ng earphone habang naglalakad nang biglang may bumangga ng likod ko direderetsyo s'ya walang ano ay binato ko sa kaniya ang notebook na nahulog n'ya at yun....

Sapoooool..

Natawa ako ng lumingon s'yang pikon na pikon nag titimpi s'ya kaya pinulot n'ya na lang ang notebook at pumasok sa room namin.

"Isa ka pang late Ms. Ferro! Go to your seat and don't take a seat unless I say so."

Pairap akong nag lakad sa back seat at tumayo.

"Mr. Solis! Why you're late?"

"Ma'am she's the reason why." Turo sa'kin ni Daniel.

What the fuck?

"And why the hell me?"

"Ms. Ferro! Don't you have respect?" Umirap na lang ako sa inis.

"Sit down both of you! Next time na malate kayo ay hindi na kayo maaaring pumasok! "

Umupo na kami at nag simula ng mag discuss si Ms. Gonzales.

"Psst!" Hindi ako nilingon ni Marife na lagi kong kadaldalan kaya kinalbit ko s'ya nagulat ako ng makita ang takot sa mata n'ya.

"May problema ba?"

Makikita mo sa mukha n'ya ang kaba at takot, hindi ko maintindihan saan s'ya natatakot?

May inabot s'ya sa'king bond paper at nanlaki ang mata ko sa laman n'on.

Picture ng mga lalaking nakalaban ko kagabi at may nakasulat sa baba.

'MADELINE ZIN FERRO KILLED 9 INNOCENT MEN AND THE REASON BEHIND THIS IS SHE HAVE A BIPOLAR DISORDER'

"WHAT THE FUCK!" Nangangalaiting sigaw ko.

"MADELINE FERRO! Please your language!"

"Sino ang may gawa nito!" Nangangalaiting sigaw ko.

Nag aapoy ako sa galit dahil sa balitang ito, sinisira ng gumawa nito ang pagkatao ko.

Hindi maaari...

DANIEL'S POV

Ang buong classroom ay tahimik habang takot na nakatingin sa nag aapoy na galit na si Madeline paulit-ulit niyang tinatanong kung sino ang may gawa nung kumakalat na balita.

"Ms. Ferro please calm down!"

She's innocent it was a self defense any way.

Nandoon ako noong mga oras na nakipag laban s'ya, I was going to say sorry when a saw a bunch of men.

Lalapitan ko na sana s'ya para tulungan pero nagulat ako sa mga susunod na nangyari, mabilis at pino ang galaw n'ya magaling s'ya makipag laban, at 'di ko alam kung tao pa ba s'ya lalo na't babae s'ya.

"WHO THE HELL DID THIS!" nangangalaiting sigaw n'ya.

Walang umimik bagkos lahat ay naniniwala sa kumalat na balita lalo na ngayon sa kaniyang pinapakita, galit na galit ang kaniyang mata yung tipong ano mang oras ay makakapatay s'ya.

Bumaling s'ya kay Marife na lagi niyang kadaldalan.

"Saan mo ito nakuha?" Pilit na pinapakalma ang sarili dahil pansin niyang natatakot sa kaniya ang lahat ng tao sa loob ng classroom na ito.

"S-Sa labas! May nag bato sa'kin s-sa labas ng school." Natatakot na saad n'ya.

"Nakita mo ba ang nagbato sa iyo?"

"H-Hindi, pinulot ko na lang yung papel at itatapon ko sana nang mapansin ko lahat ng estudyante may hawak na bond paper tulad ng binato sa'kin kaya binuksan ko n-nagulat ako dahil ikaw yung tinutukoy sa sulat." Paliwanag ni Marife, napapikit naman ng mariin si Madeline.

"HINDI TOTOO YAN!" sigaw n'ya.

"Naniniwala akong hindi totoo yan."

Tumingin ang lahat sa'kin naguguluhan at naghihintay ng sagot.

"Alam kong halos lahat kayo kilalang makulit at maingay si Zin matigas man ang ulo at walang galang minsan ay alam natin na mabuti siyang tao." Pag depensa ko.

"Pa'no kung totoo 'yan?" Tanong noong isa kong kaklase.

"Edi matakot kayo, psh! Obvious naman na maraming naiinggit sa kaniya kahit kapatid n'ya ang naiinggit sa kaniya." Tumingin ako sa kaniya nagulat s'ya sa sinabi ko pati na rin ang lahat.

"May karapatan s'yang magalit at mag react ng ganoon dahil kahit sino ay magagalit kung sa atin ginawa 'yon."

"She's an adult at kung totoo yan baka nakulong na s'ya at hindi pumasok ngayon, can't you notice wala s'yang alam sa balitang kumakalat. So paano natin s'yang ia-accused sa isang bagay na hindi naman tayo sigurado kung s'ya nga."

Tahimik lang silang nakikinig sa paliwanag ko at tingin ko naniniwala sila sa sinasabi ko.

"Look at this picture, that picture in your own hand look. Suriin n'yo hanapin n'yo kung andyan s'ya, di'ba wala? Kahit anong angle ang tignan n'yo hindi n'yo makikita si Zin d'yan."

Lahat sila ay sinuri ang litratong kumakalat.

"We don't have the right to accused her to the things she don't even know. Sabi nga, never judge a person or a character without knowing their point of view."

"Ma'am please proceed to our lesson if there's more time to spend."

Umupo ako at humarap sa gurong hindi makapaniwala sa lahat ng sinabi ko, I don't even know why I'm defending her it's just.. I don't know.

"O-Okay c-class let's back to our topic."

Discuss

Discuss

Discuss

Dismiss

Lalabas na sana ako ng may biglang humila sa braso ko.

The Unknown Gangster QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon