PROLOGUE

1.9K 52 2
                                    

'When love hits us, it hits us'

'When you fight, I fight'

'When you die, I die'

'I'll love you until the last breath, I breathe'

"Ms. Ferro at the back! How shameful your attitude are, you're already a college student to act that way! Sit here in the front."

Agad namang nag si-tayuan ang mga kaklase ko at umalis sa front seat, ito naman ako tumayo at humarap sa kausap ko.

"Marifeeee!" Sigaw ko habang kunwari lumuluha, natahimik naman ang lahat sa ginawa ko.

"Iiwan na kitaaa, babalikan kita pangako!" Sigaw ko sabay ang tawanan ang mga kaklase ko, naglakad na'ko papunta sa harap habang nakangiti kay Ms. Fajardo.

"Saan ka ba pinaglihi ng nanay mo at ganiyan ka katarantada ha?" Inis na tanong ni Ms. Fajardo.

"Hindi ko alam ma'am, mamaya tatanong ko."

"Ms. Ferro!"

"Ma'am, I'm just giving my opinion."

"Shut up, shame of you!"

"Yes maaaaam." Saad ko at tinuloy n'ya na ang pagtuturo.

Nabobored ako dahil wala akong makausap, kaya kumuha ako ng papel at sumulat kunwari ng group chat, inabot ko sa likod ko ang papel at na-pailing na lang sila.

*Paper group chat*
Zin: Hoy kausapin n'yo ako!
Criza: HAHA gagawa ka talaga ng paraan?

(Inabot n'ya sa'kin yung papel)

Zin: wala gusto ko! I-abot n'yo ito kay Marife kailangang sumulat s'ya dito ng pag uusapan namin.

Pinagpasa-pasahan nila ang papel hanggang sa umabot ito kay Daniel, binasa n'ya ito at tumingin sa'kin—walang emosyon n'yang kinayumos ang papel at tinapon sa basurahan.

Biglang uminit ang ulo ko sa ginawa n'ya.

'Hintayin mo lang matapos ang klase tatamaan ka sa'king bwesit ka!'

Tinignan ko s'ya ng masama at sinenyasan na papatayin ko s'ya tinignan n'ya lang ako.

"Madeline Zin Ferro! Go to the Dean's office now!" Sigaw ni Ms. Fajardo na ikinagulat ko.

"Ma'am tahimik ako dito!" Pag reklamo ko.

"I've got my eyes on you young lady!"

Tumayo na lang ako at kinuha ang bag ko, bago ko lagpasan si Daniel ay sinenyasan ko s'yang papatayin ko s'ya, ngumisi lang s'ya na lalong kinainisan ko.

"Ms. Ferro lagi ka na lang inirereklamo ng mga guro dito! Kababaeng tao laman ng detention report!" Sigaw sa'kin ng Dean.

"Edi sabihin mo sa kanila na wag na'kong idala dito para hindi na ako laman ng detention report." Mataray na ani ko.

"Respect Ms. Ferro! Grow up please!" Inis na pagsusumano n'ya.

"Pa! Drop out n'yo ako kung ayaw n'yo ako dito!" Pigil na singhal ko sa kan'ya.

"P'wede ba? Umayos ka! Graduating ka pa mandin hindi ka pa din nagbabago! Ang tigas ng ulo mo!" Inis na singhal n'ya, masama ko s'yang tinignan.

The Unknown Gangster QueenWhere stories live. Discover now