CHAPTER THIRTY-SIX

208 13 0
                                    

MATTHEW'S POV

Kinakabahan ako sa binabalak ni tita Monica, alam kong pag sumablay ay hindi maganda ang kakalabasan.

Damn! Hindi pa lumalabas si Zin sana naman bago s'ya lumabas eh makasilip na si Trina.

"Matthew! Nas'an si Zin?" Bigla naman akong mabunutan ng tinik sa lalamunan ko nang tawagin ako si tita Monica, tinignan ko si Trina balot na balot.

"She's at her room tita." Tumango s'ya bago magsalita.

"Sige, ikaw na bahala kay Trina siguraduhin mong malinis at walang sabit ha? Ako na ang pupunta kay Zin. 10 minutes o mas mababa pa d'yan ang oras na nakalaan para kay Trina." Yun lang sinabi n'ya at dumiretsyo na sa loob.

Nilingon ko si Trina tulala s'ya sa kabaong ng Daddy n'ya kahit na medyo malayo s'ya dito.

"Trina..." Tuluyan na s'yang humagulgol agad akong lumapit sa kan'ya para patahanin.

"Daddy!" Halos mapaos s'ya ng banggitin n'ya iyon.

"Trina, tandaan mo ang sinabi ni tita Monica pigilan mo ang sarili mo mapapahamak tayo!" Pilit na bulong ko sa kan'ya, tumango naman s'ya at umiling.

Tuluyan na kaming lumapit sa kabaong at mas lalo s'yang humagulgol, napansin ng mag asawang Ferro ang eksena kaya lumapit ito.

"D-Do you know my son?" Tanong nito, pero biglang tumahimik si Trina ng marinig ang boses.

"Trina mapapahamak tayo." Bulong ko dito.

"He became a father to me, when the world hates me." Natulala naman ako sa kan'ya, 'di ko alam ginagawa n'ya.

"Is that so? May I know your name?" Tanong nito.

"I'm Tri-" Pinutol ko ang sasabihin n'ya dahil nakatanggap ako ng text kay tita Monica.

"Sorry to interrupt, but we really need to go." Tinignan n'ya ako at agad naman s'yang sumunod, sumakay kami sa kotse habang si Trina ay nakatanaw sa labas.

Agad ko namang nakita si Zin at tita Monica, sumenyas s'ya na umalis na.

"We need to go, you can't be here." 'Di s'ya umiik kaya pinaandar ko na ang sasakyan saka tuluyang umalis.

"After we get to Zin's house, you're going to tie me again right?" Tanong n'ya habang ang tingin ay nasa daan.

"I'm not sure, you can rest if you want." Tinignan n'ya na ako at yumuko.

"I'm sorry for everything, especially to Zin. I didn't know how hard was her life." Malungkot na saad n'ya at ngumiti naman ako.

"You know, Zin is the strongest woman I know."

"Not just for fighting, but also inside. She's a jolly person, kind, sweet sometimes, caring and hambog."

"Ayaw n'yang naaapi ang mga taong mahal n'ya, kahit ikaw, kahit na lagi kayong magka away. She will never intentionally hurt you, because she care for you." Nakangiting saad ko, tulala naman s'ya sa'kin.

"You're not sure about that, ano mo ba si Zin?" Takang tanong n'ya.

"Zin is my bestfriend since she was 10, don't get me wrong I don't have a feelings for her more than bestfriend. She's like a sister to me, sometimes a big sister." Nakangiting saad ko.

The Unknown Gangster QueenWhere stories live. Discover now