"It's just right that he's called Hell by his friends. Pero sa pamilya, Samael ang tawag sa kaniya. It's so ironic because of the meaning of his name and yet, his hatred towards the God is to the roof."

Pinagsalikop ko ang mga palad ko habang tuwid na pinagmamasdan si Gabriel na ngayon ay litaw na litaw na talaga ang pagiging mestiso.

"Walang permanente sa mundo, Gabriel. Hellios might hate the Lord today but sooner or later, I know that he will love Him again. We can never can tell. How is he anyway? I've never seen him or Lola Carmina during mass."

"Lola is in Norway for a vacation while Hell is in New York for almost a month now. Biglaan. Why are you asking about him?" He smirked. "You like my cousin?"

Natawa ako, napapailing. "Walang gano'n, Gabriel. Nagtatanong lang ako at hindi ibig sabihin no'n ay may gusto na ako sa kaniya."

He smirked as if what he heard made him happy. Sa totoo lang ay masiyadong nakakadala ang mga ngiti niya. He looked like someone who's incapable of doing anything wrong. Parang ang mama niyang si Mrs. Ericka na palagi lang nakangiti.

Nang sumapit ang alas-4 ay nagpaalam na rin ako kay Gabriel. He asked to drive me home but I told him that I can manage. Sinabayan ko na rin si Raphael at kinausap tungkol sa grado niya.

He was sorry for being a irresponsible student. Unang beses itong nangyari at literal na hindi ko inasahang babagsak ng ganito ang mga grado niya. Ngayon pa lang nasa labas kami ng bahay at tinatanaw ang sasakyan namin sa garahe, tanda nang narito na sina Papa ay abot-abot na ang kaba ko.

"I don't get the point, ate. Hindi naman ako sobrang bumagsak. My grades are still in the passing line. Bakit naman sila magagalit?"

Pinisil ko ang kamay ni Raphael. Kanina ko pa ito hawak dahil kinakabahan talaga ako para sa kaniya.

"Some of your grades are in line of seven, Raph. You never had those grades before. Pinakamababa mo na ang eighty five—"

"But it's seventy five, ate. Pasado pa rin—"

"Pasang-awa, Raph. Is that what you want to use as an alibi to them? I know you have reasons why this is happening to you and I'm here to listen. Always."

Nag-iwas ng tingin sa akin ang kapatid ko. Hinaplos ko ang ulo niya bago siya kinabig palapit sa akin at pinatakan ng halik sa kaniyang noo.

"Embrace their anger. Huwag mo silang sasagutin, Raph."

We walked inside the gate as I heard his frustrated breathing.

"I can't promise that, Ate."

Like how I expected it, our parents mostly Papa, got mad at Raphael. Inaasahan ko nang pagsasalitaan niya ito nang masasakit pero hindi ko inaakalang magagawa niyang murahin ang sarili niyang anak.

I understand that he's mad but did he really have to curse his own son? Kung sasabihin niyang galit siya at nadadala lang ng emosyon niya, sapat bang dahilan 'yon para murahin niya ang sarili niyang anak?

But now you must put them all away: anger, wrath, malice, slander, and obscene talk from your mouth. Colossians 3:8

Kinabukasan ay ako pa rin ang inatasan nina Papa na mag-bantay sa restaurant dahil may kailangan daw ulit silang lakarin. Napapansin ko na napapadalas ang pag-alis nila pero wala namang ako karapatan na magtanong tungkol sa kung ano mang ginagawa ko.

I was checking out the guest inside the restaurant when a group of men probably in their forties came inside the main door. Nasa apat na katao sila. Ang lalaking pinakamatangkad ang siyang nasa gitna. They're all roaming their eyes around the area.

Suarez Empire Series 1: My Heaven In HellWhere stories live. Discover now