Chapter 3

20 5 0
                                    

Avrein

Hinilot ko ang aking sentido. Uminom ako ng kape upang labanan ang aking antok. Simula nang dumating ako sa aming resthouse ay walang humpay na ang ginawa kong pagsaliksik tungkol sa mga bampira. And now, I'm searching how to kill them.

Decapitation. Burning. Wooden stick through the heart. Religious stuff.

Are these info even legit? Mapupuksa ba talaga sila gamit ang mga ito? I have no idea. Nawawalan na ako ng sense sa mga nangyari ngayong araw.

Vampires are real. And they need our blood. My mother is with them, held like a hostage. I managed to return but with many terms and conditions from Rogan.

Tumayo ako at marahang hinawi ang kurtina ng bintana. Sumilip ako, at tulad ng inaasahan, nandoon pa rin ang dalawang kotse na nagbabantay sa akin. Rogan was serious about the guarding thing.

Napabalikwas ako ng gising nang biglang tumunog ang alarm ng aking cellphone. It's already seven, and I have a class in the next hour. Wala na akong sinayang na segundo at naghanda na.

I'm a third year architecture student at present. I love this course. Kaya naman kahit gaano ako ka-exhausted emotionally ay pipilitin kong pumasok. Isinawalang-bahala ko na lang ang mga nangyari kahapon.

This is the major shift in my normal life, and I don't know if I'm ready for it. What if may biglang sumugod na naman sa akin sa loob ng University? I shake my head.

Nothing bad is gonna happen. I can handle this, since I've been a pro when it comes to adjustments. That's right. Ngayon lang 'to mahirap intindihin, masasanay din ako.

Tinitigan ko ang reflection ng aking sarili sa malaking salamin. Medyo malaki pa rin ang eyebags ko dahil sa mga nangyari. Ngayon ko rin lang napansin na medyo humaba na pala ang tuwid kong buhok. Lagpas na ito sa balikat ko. Naglagay lang ako ng lipstick, and I'm set to go.

I guess, hindi si Mang Dani ang driver ko ngayon dahil nakaabang na ang pulang kotse sa aking harapan. Napasimangot ako at walang ganang pumasok sa backseat. Si Lucas ang driver at katabi niya si Denver. I don't know if it's a good thing, but I already knew their names.

Ilang segundo lang ay binaybay na namin ang daan patungong university. Tulad ng nakagawian ko, nakatingin lang ako sa labas. Minamasdan ko ang mga nadadaanan namin. Part of me is still thankful that Rogan let me live my life the way it should be, or near to it. Wala akong balak na magpakulong sa malaking mansion niya. Ever.

Kamusta na kaya ngayon si mama? Inaalipusta ba siya? Kumain ba siya sa tamang oras? I stop myself from overthinking things. I hope she's alright.

Napatingin na lang ako sa dalawang bampira na nasa unahan. "Kumain na ba kayo?" bigla kong tanong. "I mean, kumakain ba ang tulad ninyo?" Denver hissed from annoyance. Did I just offend him?

"Of course, kumakain pa rin kami."

"Natutulog ba kayo?"

"Oo."

"Naliligo ba kayo?"

"I hate her," diritsahang sagot ni Denver na ikinatawa ni Lucas. Maging ako ay napangiti nang wala sa oras.

"Avrein, don't look at us based from the movies you watched---"

"I never watch vampire movies," I corrected him.

"Fine. But vampires act mostly like normal people. We eat normal foods. We sleep. We drink. We party. And many more," Lucas explains.

"I see." I nod. "Pero nakakalabas ba kayo in broad daylight?"

"Yup, but it's draining huge amount of our energy. Also, our eyes are sensitive to sun's rays so we use sunglasses. Cool sunglasses."

I roll my eyes. "Kung ganon, anong pinagkaiba niyo sa amin?"

Carnal WarWhere stories live. Discover now