Chapter 2

27 4 0
                                    

Avrein

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Biglang dumaloy sa aking sestima ang pagod at sakit. Bakit ba ganito ang gising ko ngayon? Mukhang hindi pa yata ako makakapasok dahil sa bigat ng katawan ko.

"Pakawalan ninyo ang anak ko! Ako na lang ang kunin niyo!"

Nanlaki ang mga mata ko dahil sa sigaw ni mama. Ngayon ko pa lang napagtanto na pareho kaming nakatali sa isang metal pole. Nasa silid kami na hindi pamilyar sa akin.

"Ma, anong---" Napatigil ako nang sunod-sunod na bumalik sa isip ko ang nangyari kagabi. Nalooban kami ng mga may galit kay papa. Binangga ang kotseng sinasakyan namin habang tumatakas kami. We're being kidnapped.

"Avrein! Are you okay? Naiinda mo pa ba ang sakit sa katawan mo?" Umiiyak si mama. Puno rin ng sugat ang katawan niya at may natuyong dugo sa kanyang malaanghel na mukha.

"I can still manage, ma. More importantly, why are we here? Bakit nakatali tayo? Saang lugar 'to?"

Napasinghap ako nang marahas na bumukas ang nag-iisang pinto ng silid. Sunod-sunod na pumasok ang mga armadong lalaki. Walang emosyon ang kanilang mga mukha. Namutla ako lalo pa nang masilayan ko ang mahahaba nilang baril na nakasabit sa kanilang likuran. Their bodies are also big, para silang mga bouncer.

"Sino ang nagpadala sa inyo?" sigaw ni mama. "Ang mga Velracco ba? Bakit nila ginagawa 'to? Hindi na ba sapat ang pinapadala kong bags sa kanila?" Again, she mentioned Velracco. At anong bag ang tinutukoy ni mama?

Tumawa lang ang lalaki sa aming harapan. "It's not the Velracco, dear." He stepped closer to us and examined us, that totally creeps me out. "The Velasto are indeed nice looking. The rumors turned out true."

Velasto is my mom's maiden surname, and my middle name as well. Pero hindi sapat ang impormasyong 'yon para maliwanagan ako sa nangyayari. Tungkol saan ba ang pinag-uusapan nila.

"Then... this is your greatest mistake. They will come for us, for sure. They will kill you all."

"Stupid!" Napasigaw ako nang biglang sampalin ng lalaki si mama. "Minamaliit mo ba kami? Ang lakas ng loob mong pagsalitaan kami. You're just a damn cattle, a livestock. Know your place, woman."

My tears are now rushing down. Kung nandito lang sana si papa ay hindi ito mangyayari sa amin. He will save us for sure. Pero wala na siya.

Bakit hindi pa rin kami tinutulungan ng mga pulis? Ng mga militar? Hindi pa ba nila alam ang nangyari sa amin?

Napasinghap ako nang makarinig ako ng malakas na pagsabog. Gumalaw din ang mga gamit sa silid dahil sa impact. Naalerto ang mga armadong lalaki at mabilis na nagsilabasan ang ilan sa kanila.

Napakunot ang noo ko dahil biglang humalakhak si mama. She's acting weird since last night. She was a sophisticated and classy woman, but now, it's all gone.

"I told you, asshole. They're here. You better run."

The man was about to slap her when suddenly, someone grabs him from the back. Masyadong mabilis ang pangyayari kaya hindi ko namalayan ang kilos nila.

Nanlaki na lang ang mga mata ko nang makita kong hawak na ngayon ng bagong dating ang pugot na ulo ng lalaki kanina. Napaamang lang ang bibig ko at walang mailabas na salita o boses. I'm being terrified beyond compare. My sanity leaves my system. Nangyayari ba talaga ito?

"These idiots are getting into my nerve," he remarks.

Sunod-sunod na putok ng baril ang pumukaw sa sestima ko. Sunod-sunod na pinagbabaril ang lalaki... pero nakuha niyang mailagan lahat nang iyon. Masyado siyang mabilis. Sa isang iglap ay napatumba na niya ang limang kalaban. Pinugutan niya sila ng ulo gamit ang matalim niyang espada na ngayon ko pa lang napansin.

Carnal WarTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang