Kung titignan sila, parang ang saya-saya nila at tanggap nila ang isa’t-isa kaya umabot sila sa kasalan. Napabuntong-hininga nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad. Papunta akong sementeryo ngayon pero napahinto ako sa simbahan na yun para tignan yung kinakasal.

Isang linggo na ang nakakaraan simula ng mangyari ang insidenteng iyon. Isang linggo na...

Si Senyor? Nahuli na siya at pinagbabayaran na niya ang kasalanan niya. Matagal na pala niyang gustong sumuko pero gusto daw muna niya akong makausap. Ako? Nasa proseso pa rin ako ng pagpapatawad. Pero alam kong mapapatawad ko siya. Sino ba naman ako?

Ang tatay ni Lharby ang humuli sa kanya. Kaya pala sabi niya e pamilyar ako sa kanya dahil siya pala ang pulis na nag-imbestiga sa kaso nila mommy. Sobrang laki ng pasasalamat ko sa tatay ni Lharby.

Nang makarating ako, agad kong ibinaba ang bulaklak na dala ko bago umupo. Tumingala muna ako sa langit bago magsalita, ayokong tumulo ang mga luha ko. Ilang minuto akong ganun, hindi ko alam ang sasabihin ko.

“Mommy, daddy, nahuli na po ang pumatay sa inyo. Sobrang saya ko at nabigyan na kayo ng hustisya. Pero masakit pa rin sa’kin na tatay ng best friend ang gumawa sa inyo niyan. Pinag-aaralan ko na pong magpatawad momy, daddy. At sigurado ako na kung nasa’n man kayo, masaya kayo diyan. Sobrang miss na miss ko na kayo. At mahal na mahal ko kayo.” muli na namang tumulo ang luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

“Aish! Kainis. >_< Sabi ko di na ko iiyak e. Promise mommy, daddy, sisiguraduhin ko na hindi na ko masyadong iiyak.” hinawakan ko ang puntod nila at napansin ko ang singsing na binigay sa’kin ni Lharby. Napangiti ako ng bahagya.

“Nakikita niyo po ba itong singsing na suot ko ngayon? Ang nagbigay sa’kin nito ay ang lalaking papakasalan ko. Promise po. Naalala niyo pa ba siya? Namanhikan siya dito e. At alam ko kahit hindi kayo sumagot ay gusto niyo siya para sa’kin. Isa siyang mabuting tao.”

Tumayo ako at pinagpagan ang jeans na suot ko, “Alis na po ako, bibisitahin ko pa siya.”

Nagulat ako ng may biglang humawak sa balikat ko. Nilingon ko ito at agad ko siyang niyakap.

“Beks!”

“A-aray... Masakit pa ang aking mga galos beks...” sabi nito habang iniiwas sa’kin ang kamay na may bandage. Kalalabas lang nito ng Ospital kahapon.

Humiwalay ako ng yakap sa kanya, “Galos ka diyan! Hmp! Hindi pa ko nakaka-recover dun sa pang-eechos mo sa’kin ah!” tumalikod ako sa kanya

“Haha! Sareeeh beks. E hindi ko naman na talaga kaya nun e. >_<”

Hindi ako kumibo. >__< Ano ba kasing sinasabi ko? E etong beks friend ko na parang abnormal, nung gabing iyak ako ng iyak sa kanya, tapos dinala siya sa Ospital wala naman palang tama ng baril ni isa sa kanya. Nagdrama-drama pa ko! >____<

The Double Personality GangsterHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin