"Beshywap, nasa labas daw si Amari. Gusto mo bang sumama sa amin ni Janica papunta sa labas para sabay na din natin siyang kamustahin?" sabi ko at bigla nalang siyang tumayo at dire-diretsong naglakad palabas.

Nagkatinginan kami ni Zeddie saglit bago ako tuluyang sumunod kay Shantal. Ganoon din si Janica na nakatayo sa may pintuan.

Ang bilis maglakad ni Shantal at nakakuyom din ang isang kamao niya kaya hindi ko maiwasang magtaka habang nakasunod kami sa kanya palabas.

Galit ba siya?

Ng tuluyan na kaming nakalabas ng bahay ay nakita kaagad namin ang isang kotse na nakaparada sa medyo malayo sa bahay nila Clint. Naaninag ko kaagad ang taong nakatayo doon at nakasuot ng jacket.

Ng tinanggal niya ang hood ng jacket na suot niya ay nakita kaagad namin si Amari dahil sa street lights na nasa labas na nagbibigay ng liwanag sa madilim na gabi. 

Dire-diretso lang na naglakad si Shantal papunta sa kinatatayuan ni Amari at agad naman kaming sumunod sa kanya. Ng tuluyan na siyang nakalapit kay Amari ay akala namin yayakapin niya ito pero nagulat nalang kaming dalawa ni Janica sa ginawa niya.

Sinampal niya si Amari.

Agad na lumapit ang dalawang  bodyguard ni Amari sa kanya pero sinenyasan niya itong huwag lumapit at sumunod naman ang mga ito. Ng akmang sasampalin ulit ni Shantal si Amari ay mabilis na kaming umawat ni Janica sa kanya.

"Beshywap!" sigaw ko sa kanya at hinawakan ang isang kamay niya na handa na sanang sumampal kay Amari.

Kita ko ang galit sa mga mata niya habang nakatingin kay Amari.

"Beshywap, bakit mo sinampal si Amari?" tanong ko sa kanya habang nasa gilid niya.

Si Janica naman ay nasa kabila.

"Kasalanan niya ang lahat!"

Nagulat kami sa biglaang pagsigaw niya.

"Beshywap, ano bang sinasabi mo?" tanong ko ulit at bigla nalang siyang umiyak.

"Kasalanan niya ang lahat kasi ng dahil sa kanya nabaril si Clint! diba siya lang naman ang dapat na puntirya ng mga kidnappers na yon pero nadamay tayo! nadamay si Clint!" umiiyak niyang sabi habang sumisigaw.

"Beshywap, aksidente ang nangyari at hindi yon kasalanan ni Amari." sabi ko.

"Kasalanan niya! siguro masama siyang tao kaya gusto siyang kidnappen ng mga lalaking yon! masama siyang tao at sana hindi na lang natin siya naging kaibigan!" galit na galit niyang sabi.

Sinubukan siyang hawakan ni Amari pero mabilis siyang umatras.

"Beshywap Shan, I'm sorry." sabi pa ni Amari at kitang kita ko ang luhang tumulo mula sa mga mata niya.

"Sorry? aanhin ko ang sorry mo?! wala na si Clint at hindi maibabalik ang buhay niya ng sorry mo! at huwag mo akong matawag tawag na beshywap dahil hindi kita kaibigan! masama kang tao! ang sama sama mo!"

Bigla nalang humagulgol sa pag-iyak si Shantal at napaupo sa kinatatayuan niya. Mabilis naman namin siyang dinaluhan ni Janica.

"I'm sorry Shan...I'm so sorry. Sorry kong nadamay pa kayo, sorry..." hindi na din naiwasan ni Amari na mapahagulgol.

Agad namang tumayo si Shantal habang umiiyak pa din.

"Tang*na yang kaka sorry mo! wala na si Clint! hindi siya mabubuhay ng sorry mo Amari! namatay siya ng dahil sayo!"

Mas lalo lang na naiyak si Amari. Napatakip nalang ako sa bibig ko ng bigla siyang lumuhod sa harapan ni Shantal. Agad namang lumapit ang dalawang bodyguard niya para tulungan siyang tumayo pero sinabihan lang niya itong manatili sa mga pwesto nila at huwag makialam.

My Last Fall (Bestfriend Series #1)Where stories live. Discover now