Chapter 19 (Rain)

Start from the beginning
                                    

"No... It's not your fault. Desisyon namin ang tumulong." nakangiting sabi ko.

Tumulo naman ang mga luha niya kaya dahan dahan ko siyang hinila palapit sa'kin at niyakap. Dumistansya ako ng kaunti dahil ayokong maipit ang tyan niya, baka mapa'no pa siya.

"Cry... I'm just here... I'll listen..." bulong niya na naging hudyat para bumuhos ang mga luha ko.

"Wala na si Hannah, Rain... Wala na ang kapatid ko... Yung prinsesa ko, Rain, wala na..." nanghihinang bulong ko at hinigpitan ang yakap sa kaniya. Hinagod niya naman ang likod ko.

"Just cry it out, Ian... Nandito lang ako..." pang-aalo niya.

"Siya nalang natitirang pamilya ko, Rain... Rain, iniwan na nila ako... Bakit lagi nalang akong iniiwan ng mga taong mahal ko? Bakit, Rain?" patuloy na bulong ko habang umiiyak.

"I've investigated while you were still asleep. I've already located his family's location." sabi niya na ikinatigil ko.

"I want to go there." walang emosyong sabi ko at humiwalay sa yakap.

Palihim kong pinunasan ang mga luha ko at tumingin ng deretso sa mga mata niya.

"I won't hurt them... I promise..." sabi ko. Ngumiti naman siya.

"I know you wouldn't hurt them. You are still the Ian we knew." nakangiting sabi ni Rain saka ako inalalayan patayo. Hindi naman ako pumayag at siya ang inalalayan ko.

Sinulyapan ko ang mga kaibigan namin saka kami lumabas ng kwarto. Patuloy lang ako sa pag-alalay kay Rain hanggang sa makalabas kami ng hospital. Nakakita pa ako ng ilang mga guards na nakabantay sa room namin kanina.

Sumakay kami sa van niya. Ako sa driver's seat at siya naman sa passenger's seat.

"May pangalan na siya?" tanong ko at nagsimulang magmaneho pagkatapos niyang sabihin ang address.

"It is 'sila', Ian." nakangiting sabi niya na ikinalaki ng mga mata ko. "They are twins." dugtong niya pa. Napangiti naman ako.

"What are their names?" nakangiti at interesadong tanong ko.

"Kenelm Helios Kingston Lim and Zianara Selene Kingston Lim." nakangiting sagot sa'kin ni Rain.

"What a beautiful names for such a beautiful angels." nakangiting papuri ko.

"Ian." tawag niya.

"Hmm?"

"Pinagsisisihan mo bang nakilala mo kami?" tanong niya.

"Ano bang sinasabi mo d'yan?" tanong ko at namilit ng tawa, hindi ko pa talaga kayang ngumiti at tumawa ng totoo.

'The pain is too much.'

"I'm really sorry... Hindi ko ginustong mangyari 'to..." sabi niya at ramdam ko ang lungkot dito.

"No one want this to happen, well, except those assholes of course. I'm not blaming you, Rain. Trust me, I'm not." sinsero kong sabi at tumingin sa kaniya. Naluluha na siya habang nakatingin sa'kin.

"Pft, huwag ka ng umiyak. Baka biglang bumangon doon si Lucas at sugurin ako eh." pagbibiro ko at natawa naman siya saka nagpunta ng mga luha niya.

Nagpatuloy lang ako sa pagmamaneho. Tinuturo naman niya kung saan dapat pupunta kaya walang naging problema.

The Queen of Trouble (Season III)Where stories live. Discover now