Chapter 18 (That your life is gone~)

Start from the beginning
                                    

"Ca-Can you si-sing for m-me?" tanong ni Hannah at napapikit ng muling kumirot ang mga sugat sa katawan niya. Tumango naman si Ian habang patuloy pa rin ang pagbuhos ng mga luha niya.

[Kindly play, Love is gone by Dylan Matthew and Slander before reading. Thank you!]

Nagsimulang kumanta si Ian habang lumuluha, pinipilit hindi mautal para maikanta ng maayos ang kanta at para hindi masyadong masakit sa pandinig. Napapikit naman si Hannah para damahin ang pagkanta ng kaniyang kapatid at dahil sa unti unti na rin siyang nanghihina.

Biglang bumalik sa isipan ni Ian ang mga ala-ala kasama ang kapatid niya kaya mas lalo siyang naging emosyonal.

~Flashback~

"Ian! Sumisipa ang kapatid mo!" masayang sigaw ng nanay ni Ian habang hawak ang kaniyang tyan na may kalakihan na rin.

Excited na lumapit si Ian at nanginginig na hinawakan ang tyan ng kaniyang ina. Inalalayan naman ng kanilang ina ang kamay ni Ian para gabayan. Napaigtad siya ng maramdaman niyang sumipa nga ito at agad ding napangiti makalipas ang ilang segundo.

"Nakilala ka niya." nakangiting sabi ng kaniyang ina. "Ian, meet your younger sister, Hannah. Hannah, meet your older brother, Ian." dugtong ng kaniyang ina habang nakangiti.

"Hi, Hannah! I promise that I'll be a good brother to you!" nakangiting sabi ni Ian.

"I'll count on your promise, Ian. Take care of your sister. I love you both." malambing na bulong ng kaniyang ina at hinalikan ang noo ni Ian.

"Yes, mama! I'll take a good care of her! I promise!" nakangiti at magiliw na sabi ni Ian.

"Be her guard until her prince charming had already come, Ian. Be her knight until her king comes." nakangiting sabi ng ina niya. Magiliw na ngumiti si Ian at tumango ng ilang beses.

"I will, mama!"

~End of Flashback~

Nagpatuloy sa pagkanta si Ian habang umiiyak. Nauutal man ay pilit pa rin siyang nagpatuloy. Gusto niyang tuparin ang huling hiling ng kapatid niya.

Dahil baka pagsisihan niya rin sa huli kung hindi niya ito matutupad.

~Flashback~

"Mama!" umiiyak na sigaw ni Ian ng malamang namatay ito ng ipinanganak ang kaniyang kapatid. Hindi nakayanan ng kaniyang ina ang panganganak hanggang sa tuluyan na itong bumigay.

"Mama! Bakit mo ako iniwan?! Mama, isama mo nalang ako sa'yo oh! Mama, sama ako! Mama, huwag mo 'kong iwan! Natatakot akong mag-isa! Ayokong mapag-isa!" umiiyak na sigaw ni Ian habang yakap yakap ang katawan ng kaniyang inang wala ng buhay at may nakatakip ng puting tela.

Iyak lang ng iyak si Ian hanggang sa mawalan ito ng malay sa sobrang pagod at stress.

Nagising nalang ito sa isang kama. Napatingin siya sa tabi niya at nakita niya ang kaniyang kapatid na si Hannah na walang kaalam alam sa mga nangyayari. Payapa lamang itong natutulog na parang walang kinakaharap na problema.

Muling napaluha si Ian ng maalalang wala na ang kanilang ina. Hinalikan niya sa noo si Hannah at napapikit.

"Hannah... I'll always protect and love you no matter what... I love you, Princess..." bulong ni Ian habang patuloy ang paglandas ng kaniyang mga luha pababa sa kaniyang pisngi.

'I'll stand up on my own while guiding you on how to walk. I'll be your guard until your prince charming had already come. I'll be your knight until your king comes. I love you, Princess.'

The Queen of Trouble (Season III)Where stories live. Discover now